Chapter 40

199K 4.4K 450
                                    

40


I woke up earlier than usual. Hindi ko alam kung bakit di ako makatulog ng maayos. Parang nenenerbiyos ako na ewan. Para akong teenager na makikipagdate for the first time sa crush ko. I’ve never felt this way kahit nung kami pa ni OCa. Hindi naman ako nenenerbiyos nung sinusundo niya ako pag nagdedate kami pero bakit ngayon, bakit hindi ako mapakali? Our date, este shopping is scheduled at 10Am pero 7AM pa lang gising na ako. I went down sa dining para na rin makapagbreakfast. There is no use if bumalik pa ako ng higa, di rin naman na ako makakatulog.

While having my breakfast, I saw Johann enter the dining room.

“Ang aga mo atang nagising Jo? Excited?” And he grinned.  I looked at him and rolled my eyes. Bihis na bihis kasi siya. Or mukhang kararating lang niya.

“Ikaw nga mukhang ang aga mong dumating ah. Saan ka galing at inumaga ka?” Napatigil si Johann sa ginagawa niyang pagtitimpla ng coffee.

“Sa kaibigan ko. Dun ako natulog.”


“Kaibigan or Ka-ibigan?” I should have stopped my mouth from saying those words. The moment na lumabas yun sa bibig ko biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Johann. Nawala ang ngisi sa bibig niya and his eyes turned gloomy.  Bigla akong nalungkot. Dahil siguro sa kapatid niya ako  kaya nararamdaman ko din ang lungkot niya or naging uber sensitive lang ako kasi nga buntis ako.

“Sis,  you will be the first person na makakalam kung magmamahal na ako ulit? That is, kung hindi ka mauunahan ni Paolo. Sa ngayon asikasuhin mo muna yang sarili mo at alagaan mo ang pamangkin ko.” Then ginulo niya ang buhok ko. “Pakisabi na lang kay Inday na dalhan ako ng kape sa kwarto ko. Maliligo lang ako.” And iniwan niya ako sa dining room. Hays, kailan kaya liligaya si Johann?


Dahil sa uber bagal ko nang kumilos ngayon, nakatapos na akong magbihis ng 9:30 and pagbaba ko ng living room nakita ko si Oca na nakaupo sa sofa  while talking with Paolo. Biglang lumakas na naman ang heartbeat ko.

“O, andityo na pala siya. Sis ang bagal mong kumilos.” Instead of scowling at Paolo ngumiti ako. Pagdating ko sa harapan nila tumayo na din si Oca.

“Pao mauna na kami.”

“Okay. Sure. Take your time.”

“Let’s go.” Tapos tumalikod na siya at  nauna na siyang naglakad. He didn’t even smiled at me. Ni hindi niya ako inalalayan. Nasasaktan ako.  Ngayon pa lang nafefeel ko na na hindi magiging enjoyable ang lakad na to, that this will be a total disaster. Nanlulumo ako.

At mas lalo akong nanlumo nung dumating kami sa kotse niya. He is not using the Porsche. He is again using the black Fortuner . Tapos binuksan niya ang pinto sa may likuran.

“JC ako na lang dyan. She is pregnant. Dapat dito siya sa harap.” Nagulat ako nung nagsalita bigla si Felize na nakaupo sa frontseat.

“No, it’s okay, Fille. She’ll be fine here. Di ba Joanne?” Na shock ako sa ginawa niya. Pauupuin niya ako sa backseat? AT my state?

“O-of course!” Dapat lang na makuntento ako di ba? Pinilit lang naman siyang samahan ako di ba? Kung hindi pa binlackmail ni Mari ang Mom niya di pa siya ngayon ang kasama ko. Eh di may bonding moment pa sila ngayon ni Felize. Pero kahit naman kasama niya ako andyan naman si Felize. Kasama pa din namin. Baka nga ako pa ang magmukhang chaperon.

“No JC.  Sa backseat ako uupo.”  And she tried to open the passenger door pero pinigilan ito ni Oca.

“Fille I insist.”


“Well, I insist too.” I insist. Kahit kalian di ko nasabi yan kay Oca. Kahit kalian di ko naipilit ang gusto ko sa kanya.

“No, Felize it’s okay kung sa backseat ako.”
Wala namang mangyayari sa akin kung sa backseat ako di ba? Pwede lang naman akong makunan. Lalo na kung lubak ang daan.

“No, Joanne.  JC, sa backseat ako uupo. Whether you like it or not. If you will insist that Joanne will sit in the backseat, then fine with me. Sa backseat kaming dalawa, kaya nga lang magmumukha kang driver namin.” And she smiled. Nung ngumiti siya, parang nagliwanang ang buong paligid. Pati ang mga mata ni Oca nagliwanag.  Grabe ang sakit pala ng ganito. Yung parang pulubi ka dahil lang  sa upuan ng kotse.

“Then fine. Joanne sa harap ka.” Tapos umikot na siya papuntang driver’s seat. Bumaba na si Felize at ngumiti ulit sa akin. She opened the door for me. Mabuti pa siya naalalang alalayan ako. Masakit pala ang mamalimos ng attention ng taong mahal mo.

Buong byahe tahimik ang paligid. Felize tried to lighten up the mood but to no avail. She asked me questions about my pregnancy and I answered in monosyllables. Siguro naubusan na rin ng itatanong kaya tumahimik na siya. Tapos silang dalawa na lang ni Oca ang nag uusap. From time to time tinatanong niya ako at monosyllables pa din ang sagot ko.
Ayaw ko kasing makipagplastikan sa kanya. Although, nafefeel ko naman na hindi siya nakikipagplastikan sa akin, pero hindi ko lang talaga kayang makipagclose sa kanya. Sino ba ang may gustong makipagkaibigan sa girlfriend ng ex boyfriend mo na mahal mo pa hanggang ngayon? Ayokong lokohin ang sarili ko. Ayoko na din makipagkumpetensiya sa kanya sa buhay ni Oca. May laban ba ako sa isang babaing seksi, mabait, maganda, maputi, matalino, mapagbigay, malaanghel ang mukha at masarap sabunutan? Tingnan niyo naman ang itsura ko, mukha na akong balyena. Ano ang laban ko kay Felize? Kahit nga lang ang upuan sa kotseng ito hiniram ko lang. Hindi naman kasi dapat ito ang upuan ko. Dapat naman kasi talaga nasa backseat ako. Backseat nga di ba? 

Pagdating namin sa mall, parang wala pa din akong kasama. Kasi kay Felize siya sumasabay. Sumusunod sila sa akin. Eh ako di ko naman talaga talaga alam kung saan papunta at kung ano ang bibilhin. Malay ko ba e si Mari naman ang may plano ng lahat. Napansin ko na lang na nasa tabi ko na si Felize at sinasabayan ako.  Hanggang sa makarating kami sa baby section. Mukhang mas excited pa si Felize sa  pamimili ng mga gamit ng baby kaysa sa ama ng anak ko. From time to time Felize is asking my opinion kung maganda ba o hindi, Oo lang ako ng oo. Ang awkward kasi talaga eh. At napansin niyo na rin siguro simula nung nanggaling kami sa bahay hindi na ako kinausap ni Oca.  Ayaw ko naman kunin ang attention niya. Hindi naman ako pulubi. Pero ang sakit talaga ng ginagawa niya sa akin ngayon. Ano ba ang gusto niyang ipamukha sa akin?

After naming mamili ng gamit pumunta na kami ng cashier. Ibibigay ko na sana ang credit card ko nung naunahan niya ako.

“Ako ang magbabayad.”

“I insist. Ako ang magbabayad. Miss ito na.” Tapos binigay niya ang credit card niya. Kukunin na sana ng cashier ang card.

“Miss, sa akin ang lahat ng yan kaya ako ang magbabayad. Tapos binigay ko ulit ang card ko.” Palipat lipat ng tingin sa amin ang cashier pati ang ibang customer pati na rin si Felize.

Hinarap ako ni Oca. “Ako ang ama ng bata kaya ako ang magbabayad.” Hindi ko siya pinansin. Instead kinuha ko ang isang card ko and showed it to the  cashier. Nanlaki ang mata ng cashier.

“I charge mo sa company account ang lahat ng yan.  Pakideliver na din sa bahay.  Wala ka nang ibang gawin kundi ang mga sinabi ko kundi mawawalan ka ng trabaho.”  At naglakad na ako palabas ng mall. AYokong gumamit ng impluwensiya pero pinipilit ako ni Oca.

“You own the mall?” Felize tugged me habang papunta sa resto na kakaininan namin. Ngumiti lang ako.  Naiistress na kasi ako. Nakakainis na ang mga pangyayari. Ano ang gusto niyang palabasin?

“I don't own the mall. My parents own it.”

Pagkaupo namin, Felize excused herself na papuntang comfort room. Naiwan kami ni Oca sa table. Ni hindi kami nagtitinginan at nag usap. Tapos dumating ang waiter. Oca ordered for him and for Felize but not for me. Paano ko nalaman? Kasi yung inorder niyang food alam niyang di ako kumakain noon. Ang gago lang di ba?

“Is that all sir?”

“Yes that would be all.” Nagulat ako. Ni hindi pa kasi ako nakapag order. So feeling niya silang dalawa lang ni Felize and magkasama ngayon at silang dalawa lang ang kakain? Kung ganun pala ka sagabal ang presence ko sa kanilang dalawa,  bakit hindi pa niya ako sinabihang lumipat na lang ng table? Or iwan na lang silang dalawa? Dapat ba talagang ipamukha sa akin yun?

Siguro napuno na din ako. Kasi bigla na lang tumulo ang luha ko. Ang traidor kong mga luha. I tried to brush it away, pero may tumulo ulit. Shit! Bakit kasi ngayon pa to tumulo?

“Why are you crying.” Sinabi niya yun nang hindi nagtatanong. Parang nang aakusa at parang wala akong karapatang umiyak sa harap niya. Hindi ba niya alam na nasasaktan na ako?
 
“I’m not crying. Napuwing ako.” My voice broke. Bakit ako aamin? Kahit halata na pwede namang magkunyari di ba? To save some pride? Diniinan ko ng tissue ang mata ko to stop some pending tears. Ayoko na talaga. Ang sakit sakit na kasi.

“Jo,  Joanne!!” Napatingin ako sa nagsalita. Ang familiar kasi ng boses.

“Dave??” Yes, it is Dave. Naalala niyo siya? Yung boyfriend ko nung college? Yung binugbog ni Johann?

“Ikaw nga!” Tapos tiningnan niya ako from head to foot at tumigil ang mga mata niya sa tummy ko. Gusto kong itago ang tyan ko pero too late.

“How are you?” Oh di ba parang wala lang nangyari? Parang di niya ako niloko at parang di siya binugbog ng kapatid ko.

“I’m fine! I’m glad nakita kita. You are pregnant. He is the father?” Tapos tumingin siya kay Oca. Nagkatinginan sila. Tumayo ako. I closed my eyes and counted to ten.

“No.” Napansin kong napatingin si Oca sa akin.

“Then who?”

“He..he died. Months ago. Car accident. Nasagasaan sa parking. Nabagok ang ulo sa pavement. Fatal.”

“I’m sorry to hear that.” Tumikhim si Oca. Napatingin kami ni Dave sa kanya.

“Dave, met JC, Mari’s long distant cousin. JC, this is Dave, long lost special friend.”
Nagkatinginan kami ni Oca. Kung nakakamatay ang tingin kanina pa ako nakabulagta dito. Nag aapoy ang tingin niya sa akin. I don’t care. Masyado akong nasakatan para maramdaman ang galit ng mga titig niya.

“Nice to met you pare.” Hindi niya pinansin ang kamay ni Dave.

“Dave pwede mo ba akong maihatid sa bahay? Napagod kasi ako kakagala sa mall na to.”

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon