Chapter 12. Part 1

313K 5K 179
                                    

Chapter 12. Part 1.


“Aw! Waaaa! Amp! Gosh! Ouch! !@#$! …..”Endless! I have been shouting endless. Paano ba naman, kanina pa ako nauuntog. Nagiging bobo na ako. Patay na lahat ng brain cells ko. 

“Pwede ba Joanne wag kang sigaw ng sigaw?” At nagtawanan silang 6. Anim kasama ang guide at ang driver ng 4x4 jeep na sinasakyan namin papuntang trek point kuno ng Mt. Pinatubo.

“Paano ako hindi sisigaw … Awwww!” I feel like crying. Ngayon lang ako nakasakay sa ganito ka bumpy na sasakyan na pati buong kaluluwa ko tumatalon everytime na tatalon ang sasakyan. This is one hell of a bumpy ride.

“Promise! Hindi na ako uulit! Hinding hindi na. Hinding hindi na ako magpapaloko sayo OCa! I hate you! I fucking hate… Shit!” Tumalon na naman ang jeep at umangat na naman ang pwet ko. Alam niyo naman siguro kung ano ang bump di ba? At pagsinabi kong bump hindi lang siya bump na mahina. Bump talaga siya na parang tumatalon ang 4x4 jeep at siempre kasama kami sa pagtalon.

“Will you please settle down and shut up!”

“Settle down? Shut Up?  How the hell am I supposed to do that when ….Awwww! Manong hindi ka ba pwedeng pumili ng daan na hindi masyadong bumpy?” Because I tell you, the road or road nga ba ang tawag dito, is full of rocks that makes the jeep jump.

“Ma’am ito lang po talaga ang daan.”

“Halika dito.” And Oca encircled my waist with his arms na parang nakayakap na siya sa akin. It lessen the bump kasi may weight na nagpupull down sa akin everytime na aangat ako but it increases the ahem, the aham, and the clearing of throats ng mga kasamahan namin. Okay, bago tayo makarating sa bundok ikukwento ko sa inyo ang nangyari. It happens na hindi lang pala kaming apat ang aakyat sa Pinatubo. We’re 15 and yung ibang babae girlfriends ng kakilala nila Oca. Nakalimutan ko na ang mga pangalan nila ang natatandaan ko na lang ay ang tatlong kasamahan namin kanina sa kotse. Si Jaysonsa, yung kanina pang sinasabihan na slow, si Tamako, ang nagsasabing slow si Jayson at si Tamadao ang kakambal ni Tamako. Si Tamako at Tamadao ay magkapatid na kambal na half Japanese at half Pinoy.  Silang tatlo din ang kasama namin ngayon sa jeep at sila din ang nanunukso sa amin.

“Kelan…….Kelan kaya mapapansin ang aking. Awww.” I looked at Tamako na hinimas himas ang ulo. Nauntog ata. Bigla ba naman kasi kumanta. Si Jayson naman picture lang ng picture sa scenery.

“Oi ang ganda ng view at pinicturan niya kaming dalawa ni Oca na halos magkayakap na.” Correction, si Oca lang ang nakayakap sa akin. Ako nakahawak sa may hawakan. Okay? 

“Ahhhhhh!!! Ang sarap ng feeling ng ganito! Nakakainlove……ang nature! Kambal payakap! I love you so much!” At niyakap ni Tamadao si Tamako.

“Shit! Incest ka!” Sinapak naman ni Tamako si Tamadao.

“Magsitigil nga kayo. Ang ingay na nga nag iingay pa kayo?” Aba pero pag siya ang maingay okay lang ganun?

“Oo na! Sumaya ka lang! Tatahimik na kami.” At tumahimik nga silang tatlo pero halatang nagtitinginan. Minsan nagsasabi pa ng Nice move. Hindi ako manhid! Alam ko na tinutukso nila kami. Pero anong magagawa ko? Ayokong naaalog ang utak ko. And besides masarap ang feeling ng kayakap ni Oca. There is a sense of security, a feeling na hindi ako mahuhulog sa sasakyan na ito. Medyo hindi na ako masyadong maingay ngayon habang sakay ng jeep pero di pa rin naalis yung awww, waaa at kung ano pa everytime biglang tatalon ang jeep. And pag nangyayari yun Oca grasp on my waist tightens. Minsan pag sobrang bumpy na talaga sabay sabay kaming umaangat. After a while of riding nakuha ko na din ang rhythm ng sasakyan. Nakakasabay na ako. Yehey! And I’m sort of enjoying the bumpy ride and the feel of Oca’s body next to mine. Hindi ko nga lang ma distinguish kung ano ang mas enjoyable. The bumpy ride or Oca’s hug. Hahaha. Ang landi ko. I know!

“Malapit na po tayo. Mga 5 minutes na lang nasa trekking point na tayo.” The driver announced.

“Awwwww!” The 3 chorused. Dahil ba gusto pa nilang mag bumpy ride or what?

“Nanghihinayang…..naghihinayang ang puso ko……..Ouch!”  sabay kanta ni Tamadao pero sadly nauntog siya nung bigla may bump. We all laughed at him.

“Awww! God Damn it!” It was me and Oca. He must have loosened his hold on my waist causing his arm na umakyat ng kunti resulting to his hands grazing the lower part of my breast. Tumingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa akin. Namumula siya maybe because of the heat. Ako I’m sure namumula ako not because of the heat. I feel so stupid blushing at his single touch. I feel stupid feeling like a teenager because of  Oca.

After a while, nag announced ang driver na nakarating na kami sa trek point. Nauna na yung ibang kasamahan namin. Sabi ng guide more or less 3 hours daw ang trekking namin. I never dared object. Wala naman na kasi akong magagawa kung magrereklamo pa ako. Might as well enjoy this nature tripping. Sinabihan kaming magsuot ng tsinelas kasi daw tatawid kami ng ilogs. Take note of the S. Pero wala akong tsinelas but I really don’t mind na na mabasa ang running shoes ko.

“Oh ito.” And Oca handed me a pair of slippers. Crocs. He is wearing the same at parehas pa kami ng kulay. White.

Kinuha ko ang slippers and murmured my thanks. Nag iinit ang pisngi ko. I don’t know why I am blushing dahil sa ginawa niya. Why the hell am I blushing? 

Nasa tabi ko lang siya while I’m changing from running shoes to slippers. Kinuha niya ang running shoes ko and put it in his bakpak. May malaking bakpak kasi siyang dala. In fact silang lahat may dalang bakpak na malalaki. Ako lang ang walang dalang bakpak. And dala ko lang ay ang maliit na lagayan ko ng abubot. Malay ko ba naman kasi na aakyat kami ng bundok di ba? After niyang ilagay ang shoes ko kinuha niya ang cap na katulad ng sa kanya at nilagay sa ulo ko.

“Sumunod ka sa akin.” At nauna na siyang naglakad at sumunod naman ako sa kanya. I smiled secretly at his actions. Kinikilig ako. I never thought that Oca could be that sweet and thoughtful. Awwwww. 

“Oi!!! Parehas sila ng cap!” Puna Jayson sa amin. Nasa likuran kasi namin sila ni Oca.

“At parehas sila ng slippers. Wow!” Tamadao  added

“Hindi sila hayop! Hidi rin sila tao! Bagay sila! Bagay na bagay!” Tamako said.

“Tama ka Tamako. Bagay nga sila

“Kelan ba ako nagkamali? Tama ako palagi. Tama ‘ko. Hehehe.” We ignored them.  Lakad pa din kami ng lakad. Hindi na din kami tinutukso ni Oca kasi nga sinesave nila ata ang energy nila para sa 3 hours sa lakad. I don’t know kung ano ang mangyayari sa akin in that 3 hours.

After a while naunahan na kami ng tatlo. Dahil siguro sa mabagal akong maglakad. Pero kung ako lang ang mabagal bakit nasa unahan ko pa din si Oca? Naabutan namin ang iba naming kasamahan nung patawid na kami sa river. I am quite enjoying the whole thing. Despite na nakakapagod talaga, ang sarap naman ng feeling habang nakikita mo ang nature. Sayang at wala akong dalang camera.

“Joanne! Ano Ba! Ang kupad kupad mong maglakad! Wala ka sa park! Nasa bundok ka!”Ay takte! Nagulat ako nung biglang sumigaw si Oca na nasa harapan ko. I looked at him and looked around. Kanina kasi nasa medyo gitna pa kami, pero bakit ngayon ako na ang pinakadulo? Mabagal ba talaga ako maglakad?

“Kung nababagalan ka sa akin eh di mauna ka na.” Tapos inirapan ko siya.

“Eh kung maiwan ka dito? Kunsensiya ko pa! Ang bagal bagal mo. In that pace of yours, makakarating tayo sa crater after 20 years!”

“Teka nga muna!” Binilisan ko ang lakad ko, hinarap si Oca at nameywang sa harap niya. “Sino ba ang PUMILIT sa akin na sumama dito? Kung sana hindi mo ako PINILIT di sana wala kang iniisip kundi sarili mo!”   

“So is that your way of revenge?” He said while looking down at me. “Gumaganti ka by trying to delay us? Ganun? Dahil sa pinilit kita kaya sinasadya mong idelay ang lahat?” He said at mukhang irritated na talaga siya. I must have really irked him. Pero promise hindi ko naman talaga dinedelay ang trekking. I am just enjoying the scenery.

“Alam mo Oca, Ang dami mong sinasabi. If you wanted to go then go ahead and leave me alone! I am not forcing you to stick by me.” Okay I can sense a war. And some of our companions stopped at tiningnan kami. Narinig ata nila ang sigawan namin.

“ lahat kasi ng babae dito ikaw lang ang maarte. They could all keep up except you.  Hindi mo man lang napapansin that everyone are slowing their pace just so hindi tayo maiwanan. Palibhasa ang manhid mo!” Sigaw niya sa akin. Umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo!

“My God Oca, first and forememost I never wanted to join in this climb. You forced me into it. Tapos ngayon sisihin mo ako kasi nadedelay kayo? I am not even prepared to climb in this mountain. You don’t have the fucking right to demand anything from me because you forced me into this. What kind of fucking mind meron ka? Pero wag kang mag-alala. Now that you’ve mentioned, I will no longer be the cause of your delay. Now get the fucking out of my way!” And tinulak ko siya at naglakad ahead of him. In fact ahead of everyone na madaanan ko. Lahat kasi nakatigil watching us. Yung iba naman na di tumigil nagulat nang makita nila akong mabilis na naglalakad ahead of them.

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon