Chapter 31

234K 4.2K 171
                                    

31

“Sinabi mo na ba kay JC na buntis ka?”


“Why would I tell him?”

“Syempre kasi tatay yun ng anak mo. May karapatan siyang malaman. “

“Walang tatay ang anak ko. He denied me, ibig sabihin, he denied the baby.”

“Hay naku. Maawa ka naman dun sa tao. Dalawang linggo nang pabalik balik sa bahay mo pero di mo pinapansin. Joanne, nagsosorry naman siya di ba? And for goodness sake, pumapayat na yung tao. Ni hindi inaasikaso ang trabaho niya kakasuyo sayo.”

I put the shopping bags sa likod ng sasakyan. Andito kami ngayon sa mall at namili ng mga babystuff. Last week nalaman ko na buntis ako. I feel elated at the same time nalungkot ako. Pero inisip ko na lang na okay na rin at least magkakababy na talaga ako. Kaysa naman mag emo ako. Ilang beses ko nang sinabi na ayaw kogn maging emo kasi hindi marunong magsulat ang author ng emo scenes. Ayaw ko siyang pahirapan.However, subali't, datapwa't   hindi pa alam ng kambal. Bumalik na kasi ako sa condo ko kasi baka mahawa ako sa kabaliwan ng dalawang yun. At worst baka pati ang baby ko mahawa. That's a big no-no.

“Ano ba ang pinakain sayo nung lalaking yun at ganyan ang pagtatanggol mo sa kanya?”

“Naawa lang kasi ako dun sa tao.”

“Hmp! Baka nakakalimutan mo galit pa rin ako sayo dahil sinabi mo sa kanya kung saan ang bahay namin?” Namula si Mari at tumahimik. 

Nagdrive na ako papunta sa clinic ng OB nung may mapansin akong sasakyan na sunod ng sunod sa amin. “Kanina pa sumusunod ang  car na yan ah? Kung saan ako liliko liliko din siya.”

“Where?”

“Yung car sa likod. Yung black Porsche.”  I looked at my overhead mirror to check the car.

“Baka same lang ang way.”

“Parang hindi eh. Parang I’ve seen that car before. Last week ata, tapos the other day.”

“Baka kaparehas lang. Same ba ang plate number?”

“I don’t know. Hindi ko napansin ang plate number  before. Ngayon it’s JCC 222. Pero nevermind, baka nga madami lang ang may Black Porsche ngayon.”

“Jo, would you mind if hindi kita ngayon masasamahan sa OB mo? Something came up.”

“It’s okay. Saan ka ba pupunta at ihahatid na kita.” Pupunta kasi ako ngayon sa OB na nirefer ni Mari. First time kong magpapacheck up para mabigyan na din ako ng vitamins.

“No need. Out of the way masyado. Just drop me off at Greenhills. Alam mo naman na yung clinic di ba?”

“Oo alam ko na. sige I’ll drop you off greenhills na lang.” Pagdating namin sa Greenhills, bumaba na si Mari kaya dumiretso na ako sa clinic ng OB ko. Napansin ko din na hindi na sumusunod ang Porsche sa akin. Baka nga same lang ang way namin. Pumunta na ako sa clinic ng OB ko pero unluckily, sabi ng secretary  umalis daw saglit ang doctora kasi may pinuntahang patient sa kabilang hospital. Kaya naghintay muna ako. Maya maya umalis din ang secretary kasi may pinapadala ang doctor sa kanya.  At dahil walang patient mag isa akong nakaupo sa waiting area ng clinic ng OB ko. Mabuti naman at hindi pinatay ng secretary ang aircon. To entertain myself, nagbasa lang ako magazine about pregnancy.  Habang engrossed na engrossed ako sa pagbabasa I heard the door of the clinic open at may pumasok. Hindi ko na tiningnan kasi baka ibang pasyente lang yun or ang secretary. Pero to my amazement tumabi sa akin yung kararating lang. Sa dinami dami ng upuan dito sa waiting area, talagang nakikisiksik pa sa akin. Hindi pa naman kanais nais ang amoy niya.  I am about to look at the new patient para sabihin na mabaho siya nung nagsalita siya.

“Until when are you planning to keep your pregnancy from me?” Nagulat ako at muntik na akong mapatalon.

“What are you doing here?” Paano niya nalaman na andito ako? Then I remembered Mari.

“Probably, trying to put some sense into you. Hindi pwedeng ganito na lang tayo Joanne. Magkakaanak na tayo. I don’t want our child to be born out of wedlock.”  He said through gritted teeth. I can sense that he is mad. I’ve never seen him this serious.

“It is not a matter of what you want Oca.”
Bakit kasi walang tao dito? Ang tagal naman ni doctora or ng secretary niya.

“So mas gugustuhin mo pang walang kikilalaning ama ang anak natin dahil sa pride mo?”

“Pride ko? As far as I can remember, my pride is not an issue here.  And for your information, there is no us. Kaya wag mong sabihing anak “natin, dahil anak ko lang to.”

He took a deep breath na parang kinakalama ang sarili. “So you’re claiming now, na mag isa mong ginawa yan? I wonder kung paano yan nabuo.”

“Stop the sarcasm, will you?”

“I am not being sarcastic Joanne. How many times have I asked your forgiveness? Kulang na lang na lumuhod ako sa harapan mo para patawarin mo ako.  All I’m asking you is a little bit of time. Kahit hindi na yung tiwala. Yung panahon lang na maiayos ko ang lahat. Mahirap bang ibigay yun?  And because of that you are stripping me of my right to our child.”


“Ayaw mo nun? I am not forcing you na panagutan ako. And besides, yun naman talaga ang role mo di  ba? I hired you to be my babymaker.” Alam kong below the belt na yung sinabi ko. I know that that contract was dissolved nung nasa Bora pa lang kami or even before that.

“Who is being sarcastic now? And stop talking bullsh!t. Punong puno na ako sayo Joanne.  Pinalampas ko ang paggawa mo sa aking tanga sa harap ng mga kuya at ng katulong niyo pero hindi ko mapapalampas na itago mo sa akin ang anak ko. And whether you like it or not pakakasal ka sa akin.”

“How dare you…”

Hindi ko na natuloy ang sinabi ko kasi biglang pumasok ang doctor kasama ang secretary. “Joanne, I am so sorry to have keep you waiting  yung patient ko kasi who have just given birth may problema.”

“It’s okay doc.” I smiled at her.

“Sige come inside.” Tumayo na ako at pumasok and to my horror sumunod si Oca. “You are already 6 weeks pregnant and blah blah blah.” Tapos kung ano pa ang pinagsasabi. Tapos nagbigay siya ng list of vitamins na kinuha ni Oca. “Daddy, alagaan mo si Mommy kasi at this stage she is very sensitive. She may have morning sickness and I gave her something to ease yung pagkahilo niya.” Daddy? You heard it right? She called Oca daddy? Amp! Ohhh God!

“Ahhh doc…”

“Yes doc. May bawal po ba sa kanya?”

Ngumiti ang doctora. “Wala naman. Just minimize her sugar intake. And,  Intercourse is still possible basta dahan dahan lang. Kahit mahigpit ang kapit ng bata mas maganda pa din ang mag ingat tayo Daddy.” Ang manyak ng doctor.  Nananayo ang balahibo ko  habang nag uusap sila. Silang dalawa lang ang nag uusap at nakatingin lang ako. At si Oca naman feel na feel. 

“Thank you so much Doc.” And they shake hands.

“You’re welcome. Remember your next check up Mommy. And daddy, be patient with Mommy alam mo naman pag buntis they are sensitive to everything.”

“I am always patient with her  Doc. And thanks a lot.” Tapos hinawakan na niya ang bewang ko at lumabas ng clinic. The hell!  Pagkalabas naming ng clinic inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko.

“What are you implying?”

“I am not implying anything. Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko bilang ama ng anak ko na pinagkakait mo. And you can’t do anything to stop me, because I have decided that whether you like it or not, pakakasal ka sa akin. Ngayon.”

“What?” Ano to shotgun wedding? Hindi na siya sumagot sa tanong ko. Instead, hinatak na lang niya ako papuntang parking lot. Walang awa! Bakit niya ako hinahatak? Di ba niya alam na buntis ako?

“Bitawan mo nga ako.” Nagpumiglas ako para mabitawan niya pero lalong humigpit ang hawak niya sa akin. OMG! This is abduction.  I am being abducted by a guy with an abs. 

At dahil siguro nahirapan na siya dahil sa pagpupumiglas ko, binuhat na lang niya ako na parang sako ng bigas. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Pero Oca just smiled at them.

“Pasensiya na sa ingay. Nagtatantrums lang itong asawa ko.” Tumawa yung iba yung iba nagsabi na ang sweet sweet daw. Taena. Sweet ba to? Sweet ba pag binubuhat ka na parang sako ng bigas in public?

“Ano ba Oca! Let me go. Nakakahiya.” Pero parang wala lang siyang narinig. After a while naramdaman ko na lang na binaba na niya ako. Binaba niya ako sa harap ng isang black Porsche with a plate number JCC 222. Nanlaki ang mata ko. 

“Ikaw? Ikaw ang sumusunod sa akin palagi?”

“Get in.” He ignored my question. Binuksan niya ang passenger door at pinaupo ako. Tapos umikot siya sa drivers seat. Nung iniunlock niya ang pinto binuksan ko ito at lumabas ng kotse niya. Tapos tumakbo ako palayo sa car niya.

“Joanne!”
I heard him call out my name pero hindi ko siya pinansin basta tumakbo lang ako sa may parking.  Nung tiningnan ko siya nakita ko siyang hinahabol ako. Para kaming mga timang na naghahabulan sa parking. 

And then it happened. Hindi ko nakita ang isang kotseng paakyat ng parking. Tapos I felt na may yumakap sa akin kaya natumba kami. Then I heard tires squealing dahil sa biglang pagpreno ng kotse na muntik nang makabangga sa akin. Tapos ang mga sigaw ng mga nakakita sa nangyari.

I looked  at the person who saved me. I am on top of him. Kaya umalis ako sa pagkakadagan sa kanya. Pero nakaalis na ako’t lahat hindi pa rin siya gumagalaw. Kinabahan ako.

“Oca?” Oh my God. This can’t be. Pag may mangyaring masama kay Oca, kasalanan ko ang lahat. Then I saw it. I saw blood on his collar kaya hinawakan ko ang ulo niya at namutla ako sa nakita ko.  Punong puno ng dugo ang ulo niya, he is unconscious. He hit his head sa island ng parking. 

 And everything went black.

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon