Chapter 35

228K 4.1K 190
                                    

35

Love.

That’s the main reason bakit ako napapayag ni Oca na magpakasal sa kanya despite na may amnesia siya. Even if I have second thoughts on this whole thing. According to him, when two hearts are meant to be, no matter how  long it takes, no matter how far they go, no matter how tough it seems. Fate will bring them together, to share a life forever. I don’t know bakit bigla siyang naging makata. Nagka amnesia lang, naging makata na. And kung ganun na ang reason ng isang tao, ano pa ba ang isasagot ko? Alangan namang sagutin ko siya ng, never frown even if you're sad coz you'll never know who is falling inlove with your smile. To the world maybe you are one person. but to one person, maybe you're the world. Ano yun text ng mga love quotes? Siguro dati uso pa yun kasama ang mga love graphics sa cellphone pero ngayon? ang uso na ay, 3ow ph0w, mUsZtAh nA? lAbqCkyOuHh. (hello, how are you? I love you!) para sa mga hindi nakakintindi.Tsk tsk.

And here I am now, preparing for our wedding. Actually I am not the one preparing and doing all the stuffs. We’ve hired a wedding coordinator to do almost everything since he doesn’t want na mapagod ako kasi nga buntis ako. Like now, we are scheduled to have our food tasting sa isang caterer. Supposedly, mamayang hapon pa yun at susunduin niya ako but it slipped my mind na ngayon pala ang araw ng check up ko kaya pupunta kami ngayon sa OB ko. I didn’t inform him that I have a check up but I can’t go alone kasi kabilin bilinan niya na dapat andun siya every check up ko. Kaya ang gagawin ko ngayon ay pupuntahan siya sa condo niya. Hassle naman kasi na papasundo pa ako. And yes, alam ko na ngayon kung saan ang condo niya. At alam ko na rin na may condo pala siya and that he is living alone. These past few weeks ang dami kong nalaman about him. Things I didn’t bother to know before which I think are not trivial in our relationship. But in fact it really did matter. Like knowing his family. Hindi importante sa akin yun dati, but now I realized that it is important. I’ve already met his Spanish dad kung saan namana ni Oca ang kapilyuhan niya and his mother who is very charming and graceful and I’ve talked to his sister which is married to a Spanish royalty kaya hindi ko na met personally kasi nasa Spain but she promised that she’ll be there during our wedding. Oca also met my family. Of course, kilala na niya sila Paolo and Phoebus. But Mom and Dad went home during our engagement party. Nagulat kayo ano? Yes, tapos na ang engagement party namin. Sorry I didn’t invite you. Kahit kasi ako nasorpresa that there will be an engagement party. That was a week ago.

In short, we will be wed 4 days from now. Ang bilis di ba? Bakit pa daw kasi patatagalin, eh lumalaki ang tyan ko. Wew!

Pagkadating ko sa building ng condo niya, I smiled at the guard who saluted at me. Kilala na ako dito. Sumakay na ako ng elevator at bumaba sa Penthouse. Yes, nasa penthouse ang condo. Oca owned the building. No, his family doesn’t own it. He owned it. Filthy rich huh! Lately ko na din nalaman yun. I told you, I never bothered knowing before. Okay, mas mayaman siya kesa sa akin, Pero kung isasama ang mamanahin ko, mas mayaman pa rin ako. Hahah. Payabangan ba to? 

Pagkadating ko sa penthouse I didn’t knock. Why should I? He gave me a spare key. Alam ko naman na andito siya kasi nakaleave siya sa office. May amnesia nga di ba? Pag open ko nang door, walang tao sa living room and sa kitchen. He must be at the garden or sa pool. It’s only 10:00AM kaya impossibleng lumabas yun ng condo. Then I heard laughter coming from the pool. May mga bisita siya. Bigla akong kinabahan kaya instead na lumabas agad sa sliding door papuntang garden/pool nagtago ako sa likod ng curtain sa likod ng sliding door. I know masama ang mag eavesdrop but my instinct told me to do so. At dahil sa likas na tsismosa ako, I just can’t resist it.

I saw the three of them sitting in the lanai. Tamako, Tamadao and Oca. They are having breakfast.

“So Bro, tuloy na tuloy na talaga ang kasal?”

“Ano ka ba naman kambal? Sa tingin mo, aatras yan? Kung may aatras sa kasalan, si Joanne yun. Kulang na nga lang tutukan niya ng baril si Joanne at sumigaw ng Pikot eh! Hahahhaha.” Tumawa ang kambal, pero hindi si Oca. Umiling na ngumiti lang siya. Sh!t! Ang pogi talaga niya. Lumalabas ang dimples niya pag ngumingiti siya ng ganyan. Sarap kagatin. Kakagigil.

“Pare, di pa rin ba alam ni Joanne?” Anong alam? Anong hindi ko pa alam? Nagising ang curiosity ko sa sinabi ni Tamadao.

“Not yet.”


“Kelan mo sasabihin? Paano kung malaman niya?”


“I don’t know, maybe after the wedding.” Ano ang sasabihin niya sa akin after the wedding? Lalo akong kinabahan sa mga narinig ko.

“Pare hindi habang buhay maitatago mo kay Joanne yan. Eventually malalaman din niya na wala ka naman talagang amnesia. Are you ready to face the consequences ng ginawa mo?”

“Ewan ko bahala na.” Napanganga ako sa narinig ko. Si Oca? Walang amnesia? Nanghihina ang tuhod ko sa narinig ko. All this time niloloko niya ako? To think that I considered his feelings at hindi ko siya sinumbatan sa ginawa niyang pag deny sa akin kasi all along I thought na wala siyang maalala sa mga nangyari. Yun pala, nagkukunyari lang siyang may amnesia. What for? Para lokohin ako ulit? Why can’t he be honest with me? Bakit kailangan niyang gawin yun. Bakit niya ako niloloko?

Sa kakaatras ko nahagi ko ang vase na nasa side table and it fell. Kasabay ng pagkahulog ng vase ang pagkahulog ng mga luha ko.

“Ma’am….andito po pala kayo.” Napatingin ako sa helper na twice a week lang pumunta sa condo ni Oca and then I looked at the vase na basag basag sa sahig. Parang puso ko, basag basag and hindi na pwedeng buuin. Nakatulala kaming dalawa ng helper sa isa’t isa.  Then I heard footsteps na papalapit sa amin galing garden.

“Jo…” I heard Oca said. Pinunasan ko ang luha ko at nilingon ko silang tatlo. Nakanganga sila Tamadao and Tamako at namumutla si Oca. At ako hindi makagalaw.

“Kanina ka pa ba? Why didn’t you call? Sana sinundo na lang kita. Manang pakilinis ng kalat.” He said casually. Ang kapal ng mukha. Tapos lumapit siya sa akin.

“Ang aga mo naman Namiss mo kaagad ako?” He grinned at me. In your face Oca. In your face! Inakbayan niya ako and he kissed me sa cheek. Hinayaan ko siya. Pero sa totoo lang gusto ko na siyang itulak, suntukin, tadtarin ng bala, ipabitay, balatan ng buhay, i pluck ang lahat ng buhok sa katawan at halayin . How could he! Ang kapal ng mukha.

“Hi Jo.” Tamadao and Tamako chorused. Mukhang nakarecover na sila sa shock.

“Hi! andito pala kayo. Yayain ko sana si Oca sa OB. I forgot na may appointment pala ako ngayon. Mukhang nagbabonding kayo ah? Kelan ulit ang mountain climbing niyo?” I smiled at the two of them.

“Baka after na ng wedding niyong dalawa. Sayang hindi ka na pwedeng sumama.” Then Tamako looked at my stomach. I smiled at him.

“Bakit nakasama ba natin siya sa mountain climbing dati?” Oca asked innocently and before I could stop myself, nasampal ko na siya ng pagkalakas lakas. Napa whoaaaa sina Tamako and Tamadao. Namumula ang mukha ni Oca. Mukhang nagmark pa ang kamay ko sa pisngi niya. Pati ako feeling ko namumula ako. Namumula sa galit.

“Bakit mo ako sinampal?”

“Ang kapal ng mukha mo! Alam ko na ang lahat! Narinig ko kayong tatlo. Alam ko na wala ka naman talagang amnesia. Niloloko mo lang ako. Palagi mo na lang akong niloloko. Napapagod na ako sa panloloko mo.” Hindi ko na pigilan ang mga luha ko. Hindi na kasi ako natuto. Feeling ko ako ang pinakatanga sa mundong ibabaw.  “Ang kapal ng mukha mo! Ang lakas ng loob mong magsinungaling sa akin. Ano? Ano pa ba ang mga kasinungalingan sinabi mo? Ha? Or sa lahat ba ng sinabi at ginawa mo, ano ba doon ang totoo? Ha Oca? Why did you have to lie to me? Bakit mo kailangang lokohin ako?”

“Jo…”


“Wag kang mag sorry! Wala rin namang kwenta.” I brushed away my tears.

“Jo, I just did it because…”

“Wag ka nang mag explain! Di ko rin naman papaniwalaan at panigurado pagsisinungaling na naman yan. At wag ka na ring magpakita sa akin! Bwisit ka!”  Then naglakad na akong padabog papuntang pinto.

“Jo, 4 days from now, ikakasal na tayo…”napatigil ako sa pagbubukas ng pinto ng condo niya. I faced them. Took my engagmenet ring and throw it at his face. Hindi siya tinamaan. Sayang.

“Ayan, pakasalan mo ang sarili mo! Bwisit ka!”


“But we love each other! Yun lang naman ang importante di ba? That’s the reason why we’re getting married.” He said pleading. Wag mo akong artehan ng ganyan! Baka bumigay ako. Bwisit!

“Oca, love cannot live where there is no trust. You have to trust me and I need to trust you for our love to prosper. Pero sa pinaggagawa mo, nahihirapan akong mag trust sayo. And at this moment, I doubt everything in you, even your love for me.”
Lumabas na ako sa condo niya. Hindi ko na siya tiningnan. Baka di ko kayaning umalis.


A/N:
Pero sabi nga ni Bob Ong "Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso… Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal…" oo nagmamahal ako, pero ayaw kong makinig, ayaw makinig ng nasaktan na puso.

Kaya susundin ko ang payo ni Bob Ong  na "pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.” Pasensiya na idol ko siya eh.

Ito pa pahabol ni author.

“Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala ka naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.”

In short. Wag Emo. Okay!? Love you all.

Ito ang update na pinahaba lang ng dahil sa quotes. Nahihibang kasi ang author

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Where stories live. Discover now