Chapter 22

247K 4.8K 177
                                    

22. Pustahan Tayo, Isang daan

“Hayss……”

“Are you okay?” He asked me for the third time. Tatlong beses na din kasi akong nagbubuntunghininga.  Sakay na kami ngayon sa plane papuntang Caticlan.

“Yes. I am fine.”

Tapos binalik ko na ang tingin ko sa mga ulap sa labas ng window. Magkatabi kasi kami ng upuan. Sa window side ako siya naman  sa alleyside.

“Si Yvette…” Don't you dare explain!

“Wala akong pakialam kay Yvette!” Hmp!

“Then why are you sulking?”

“I am not sulking.”   

“You don’t have to be jealous of her.” Ang kapal ng mukha niya! Ako nagseselos? Huh! In his face. 

“Ako? Nagseselos? Kay Yvette? Sa’yo? Of course not! You must be dreaming Oca. Wala akong pakialam kung maghalikan man kayo sa loob ng office mo, or sa elevator or kahit magtelebabad kayo sa cellphone niyo sa airport dahil lang pupunta kang Boracay. Wala akong pakialam kahit na ang OA niyo na parang buong buhay niyo na kayo na di magkikita. Ano naman sa akin yun?” Oopps nasobrahan ko ata yun!

“Okay! Sabi mo eh.” He said grinning. “Pero how did you know kung anong nangyari sa loob ng office ko?”

“I have my sources.” Ennnkkk! Sabi ko na nga ba at mapapansin niya ang pagkadulas ng dila ko eh. Kahit kailan pahamak talaga ang dilang ito.

“Hmmmm….I never thought that you are that possessive to ask someone to spy on me. But still, I am flattered. Kung kasing gwapo ko ba naman ang minamahal matatakot talaga akong maagaw ng iba!”   Anong pinagsasabi ng huklubang ito.

“Alam mo ang kapal kapal talaga ng mukha mo!” Pero mukha hindi umuubra yung mga pinagsasabi ko kasi nakangisi pa din siya. Kunsabagay sa kakapalan ng mukha niya wala nang tatalab pang pang iinsulto sa kanya.

“Pero Jo, I may have kissed a lot of women maybe bedded a few, but still only you have the sweetest lips I’ve ever tasted. Only you have the softest... Ouch!”

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin kasi binatukan ko siya.

“Ang manyak mo talaga! Ang bastos mo! Don’t you dare continue!” Nanlilisik na ang mata ko. Ipapahiya pa ata ako nito sa buong pasahero ng eroplanong ito.

“Sir, Coffee, Juice Tea?” Biglang sabat ng stewardess na nagpapacute. At bakit siya lang ang tinanong? Bakit ako hindi? Hmp! Bakit ba lahat na lang ng babae nilalandi siya? Kainis naman! Pagpapatayin ko kaya lahat ng malanding babae? 

“No thanks.” He winked. “But you can give the lady a water to  moisten her dry….ahmmm.. pharynx.”  

“It’s my pleasure to serve you, sir!” Sabi pa ng malanding stewardess. Ito namang si Oca mukhang tuwang tuwa at nilalandi ng stewardess. Grrrr! Bakit ba kanina pa mainit ang ulo ko? Pagkaalala ko nagsimula lang to nung tumawag itong si Yvette kay Oca nung nasa airport kami at nagtelebabad na sila. HMp!

“On second thought, why don’t you give her a juice? Yung matamis, at nang mawala yung asim sa pagmumukha nitong kasama ko. Pasensiya ka na naglilihi kasi kaya masyadong selosa itong misis ko.” Sabay akbay sa akin. And he winked again sa stewardess. Ang landi talaga.

“No, thank you I don’t need anything. Don’t bother.” Sabay irap sa stewardess. Hmp!

“Ito naman masyadong obvious kung magselos. Alam mo...”

“Hindi ako nagseselos at wala! Wala akong alam. At pwede ba Oca, Por pabor, tigilan mo ako! Kahit ngayon lang. Hayaan mo muna ako. Gusto kong magpahinga! Gusto kong matulog.”

“Gusto mong dito mahiga sa lap ko?” Sabay pagpag ng lap niya. At ngisi ng puno ng malisya.

“No thanks. The seat will do.”

“You wouldn’t say that after a month.” Sabi pa niya na puno ng kumpiyansa.

“And what would I say then?” Hindi ko man aminin, pero di ko rin maitatanggi na naaaliw ako kay Oca. Naiinis ako na naaaliw sa kanya. Tama ba yun? baliw na ba ako?

“You would say....”At nagmuestra at ginaya pa ang boses ko, “Oca, can I sleep on your lap? Can I sleep with you forever? Can we stay on this bed forever?” Muntik na akong matawa sa sinabi niya pero pinigilan ko ang sarili ko. I  don’t want to betray myself in front of him. But ngayon ko lang narealize that he is entertaining.

“Masyado kang bilib sa sarili mo Oca. That won’t happen. Ever.”

“Mangyayari yun.”

“Hindi!”

“Pustahan pa tayo! Isang daan!”

“Eww! Ang cheap mo huh!”

:Eh di isang milyon! Ano deal?”

“Sugarol. Manyak ka na nga sugarol ka pa!”

“Manyak ako? Oh c’mon Joanne. Pag hinalikan kita dito ngayon at hindi ka napapikit and didn’t kissed me back, yun ang manyak. Pag hinipuan kita dito and you didn’t moan for pleasure, yun ang manyak!”

“Bastos!”

“Bastos? Ako bastos? Hindi ako bastos! Pag naghubad ako sa harapan mo dun mo sabihing bastos ako!”

“Ang kapaaaaaal talaga!!!”

“Pero pagnaghubad ako sa harapan mo hindi na bastos ang sasabihin mo. Wala ka nang ibang iisipin at wala nang ibang salitang lalabas sa bibig mo kundi. “WOW”.” Muntik na akong mapahagalpak sa tawa. Grabe talaga ang bilib sa sarili ng lalaking ito.

“Huh! Ang hangin ha.”

“Pero hindi nga Joanne.” Ang kulit. Grabe!

“Ano!”

“Pustahan tayo.” Di ba talaga siya titigil?

“Tigil-tigilan mo nga ako Oca.” Sabi ko pang natatawa.

“Hindi nga, seryoso.”At kelan pa siya nagseryoso?

“Ano ba! Hindi ako katulad mong sugarol.” Teka bakit parang may bahid kalandian ang pagsabi ko nun?

“Ganito, hindi naman pera pagpupustahan natin eh. Ganito,” tapos nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. Teka nakikiliti ako dyan. Wag po kuya! Wag dyan, may kiliti ako dyan.  Pero syempre sa isip ko lang yun. Ayaw ko ipagkanulo ang sarili ko sa harapan ni Oca. Never.

“Wag ka ngang makulit! Ganito, maghuhubad ako sa harapan mo at bawal kang pumikit. Pag ikaw napanganga at naglaway talo ka na. At pag natalo ka, titigilan mo na yang pagpapakipot mo.”

“At pag nanalo ako?” I said raising my eyebrow.Siguro mas maganda kung makipaglaro na lang ako kay Oca. Since hindi naman ako nananalo sa asaran.

“Impossible.”

“Hindi yun impossible Oca. Kaya kong pigilin ang sarili ko. And besides I've seen my share of male bodies para maglaway dyan sa katawan mo.”

“Hmmmm.... Kaya pala ako ang nakauna.”

“Shut Up! Ano na nga pag nanalo ako?”

“Name your price.” Mas lalong tumaas ang kilay ko. ANg kapal talaga niya. “Ano deal?”

“No deal.”

“At bakit?” Mukhang di pa siya makapaniwala sa sinabi ko. This guy is not used to being rejected.

“Dahil napaka absurd ng deal mo. Haller! Umiiral na naman ang kamanyakan mo.” Well, kelan ba hindi umiral yun?

“Baka takot ka lang.” Sabi pa nya at tiningnan ako. Tiningnan ko din siya. At naghamunan ang tingin namin. Nagsusukatan.

“Scared of me Joanne?”

“Of course not. Why should I?”

“Then why won’t you accept the deal?”

“Because its absurb.”

“Or maybe because you’re scared of your own reaction? Your body’s reaction to me? Can’t accept the fact that you are attracted to me the way that I am attracted to you? Hmm?”

“Of course, I am not attracted to you.” Liar.

“Then prove it.”

“Fine.”

“It’s a deal then. And let's seal it with a kiss.” And before I could protest, his lips claimed mine. Wala na akong nagawa kundi ang pumikit. 

Damn sweet deal.

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon