Chapter 7

304K 5.8K 268
                                    

Chapter 7. Pulubing Snatcher.


“Oi Joanne! Magkwento ka naman?” Tinaasan ko ng kilay si Anya na nakaupo sa harap ng table ko. Bakit ba andito ito ngayon dito? Office hours pa naman ah.

“Bakit ka andito ngayon? Di pa naman breaktime ah. Killing time?”

“Hindi ah! Napadaan lang.” Napadaan daw pero mukhang hindi naman.

“Manghihingi ka ba ulit ng condom sa akin? Mukha ba akong factory ng condom?”

“Hindi ah! Sobra ka naman! May natira pa kaya sa binigay mo!” She said pouting. At nahiya pa siya!

“Eh bakit ka andito?” Sinasabi ko sa inyo, hindi yan pupunta dito kung wala siyang kailangan.

“Magkwento ka kasi.”

“Ng ano naman?”

“About doon sa babymaker mo! Hehehe.”  At kinilig ang bruha. It has been 3 days after naming magkita ni Oca.  “Ano ang itsura niya? Pogi ba? Magaling ba? Pwede kong rentahan pagkatapos ng contract niyo?” See? Nakikita niyo kong gaano kalandi itong si Anya?

“Hindi siya pogi.” Nanlaki ang mga mata ni Anya. “He is drop dead gorgeous.” Then I rolled my eyes.

“Oh My God! I need to have him for myself! But on second thought, hihintayin ko muna ang bagong boss natin. Baka mas papable siya kaysa sa babymaker mo!” She said beaming.

“Anong bagong boss?”

“Di mo alam?”

“Ang ano? Ano ang hindi ko alam?”

“Magreresign na si Sir Kevin. At dapat lang talaga magresign na siya kasi 70 years old na siya. At papalitan na siya ng bagong boss natin. Oh di ba? Ang galing!”

“Aalis na si Sir Kevin?” Nalungkot ako sa narinig ko. Close ko pa naman ang matandang yun. Kahit siya ang big boss dito pero mabait siya. Feeling ko nga tatay ko na siya. Nakakalungkot naman. And because of that news I was all gloomy hanggang mag uwian. Sino ba ang may gustong magresign ang boss nila? Oo alam ko madami sa inyo ang may gusto ng ganun. Pero ako hindi. Mahal ko ang boss namin. Swear! Promise! Please.. maniwala na kayo.

After office hours dumiretso na ako sa sakayan ng jeep. Oo nag-d-jeep ako ngayon. Coding ang kotse ko. Bwisit! Ang masama pa masikip ang jeep. Hindi naman ako pwedeng magtaxi kasi nagtitipid ako para pambayad sa drop dead gorgeous kong babymaker. Naramdaman niyo na ba ang feeling na galing sa malamig na lugar tapos paglabas mo sumakay ka sa mainit, masikip at mabahong jeep? Hindi naman sa nag iinarte ako, nagsasabi lang ako ng totoo.

Nagmumuni muni na ako sa jeep at nagpupunas ng pawis sa mukha nung biglang nagring ang cp ko. So ako naman kinakapa ang cp ko para I cancel ang call kasi nga ang ingay. Ayoko ngang ilabas ang cp ko sa jeep. Baka mamaya ma snatch pa.

I am about to cancel the call when I saw who’s calling..

Oca is calling…

 “Pag tumatawag ako sagutin mo agad kasi ibig sabihin noon urgent!”

Naririnig ko na naman ang sinabi niya sa akin nung una siyang tumawag at hindi ko agad nasagot. Sinabon niya ako ng sobra sobra.Kawawa talaga ako.

“Ano?”

“Wow! Wala man lang hello. Ganyan ka ba bumati sa mga tumatawag sa’yo?” Kita niyo na kung gaano siya makapamintas.

“Eh di hello!” Medyo ata napalakas ang boses ko kasi napatingin ang mga tao sa akin. “Bakit ka napatawag?” I asked him murmuring.

“Ano!?”

“Sabi ko bakit ka napatawag? Ang bingi mo!”

“Hindi ako bingi! Wag mo kasing ibulong!” Sigaw din niya sa kabilang line.

“OO na! OO na! Bakit ka nga napatawag?” Oh my God just talking to him like this is a torture. Naiistress ako.

“Saan ka ngayon?”

“You called me just to ask me kung nasaan ako?” Okay! This hot weather is adding to my already boiling temper na lalong pinapakulo ni Oca.

“OO. Bakit masama na ngayon magtanong?”

“OO. kasi you are disturbing me.”

“Bakit hindi mo na lang kasi sagutin ang tanong ko?” Demanding. tsk tsk!

“Okay! Nasa jeep ako ngayon. Pauwi na! May tanong ka pa?” Nakakahighblood siya ha.

“Nasa jeep ka? Ang pulubi mo naman. Ang pupulubi talaga ng mga nakatira sa bansa NIYO. Nagdjeep lang and ang init init pa ng bansa NIYO. Ano klaseng bansa ba meron kayo?”  Aba gago tong Oca na to ah! Kung makapanlait akala mo hindi Pilipino. Ang lakas ng tama! Ang lakas mantrip

“Hoy akala mo kung sino ka.” Napatingin ulit sa akin ang mga pasahero na nginitian ko lang. Baka akalain nila napakaiskandalosa ko.

Sino ako? Ako sino?

“OO sino ka ba para magsalita ng ganyan?”

“Ako si Oca, the drop dead gorgeous……”

EEEEEnnnnkkkkk......Waaaaaa....

Aaaahhhhhhh...

Aaayyyyyy!!!

Hindi ko na narinig ang sunod na sinabi ni Oca kasi nga biglang nagpreno ang driver. Napasigaw ang iba, ako napasubsob sa katabi ko. Shucks! Nawawalan ako ng poise dito.

“Lintik tong driver na to ah. Pwede namang mag-overtake sabay pa ng sabay!” Napamura ang driver ng jeep na sinasakyan ko. Dumidikit at sumasabay kasi ang itim na fortuner sa jeep namin. Sakto namang red ang light kaya tumigil ang jeep at tumabi pa din sa amin ang itim na fortuner. And busina pa ng busina. Bastos talaga!

“Boss! Ano ang problema mo?” Sabi nung driver sa driver ng kotse nung buksan nito ang bintana sa may passenger seat. Patay magkakaroon pa ata ng away.

“Wala naman boss. Pasensiya na kung naiistorbo kayo. Nag aalala lang naman kasi ako.” Sagot ng driver ng fortuner which sounds awfully familiar.

“Bakit boss ano ang problema?” Nagtataka na ang driver at lahat ng pasahero ng jeep nakikiusi na din pati ang sa kabilang jeep.

“May pasahero ka kasing snatcher dyan! Baka kako may mabiktima siya. Pababain mo na bago may mabiktima.” May snatcher? Lahat ng pasahero nagbubulung bulungan na. Buti na lang concerned citizen ang driver ng fortuner.

“Salamat boss. Sino dito ang snatcher? Takteng snatcher bibiktimahin pa ang mga pasahero ko.”

“Yung nakapulang damit at slacks na itim. Siya yung snatcher.” Nagtinginan lahat ng pasahero. Pati ako tiningnan kung sino ang nakapula at nakaitim na slacks. Hanggang sa mapako sa akin ang tingin ng lahat ng mga pasahero. Ako ang nakasuot ng pulang damit at itim na slacks! Damn it! Pero bakit ako ang naging snatcher?

“Miss bumaba ka na! Bago ka kuyugin ng mga pasahero.” Sabi ng driver sa akin. Mukhang galit nga ang mga pasahero. May narinig pa nga ako na ang mga snatcher daw ngayon ay nagsusuot talaga ng mga magagandang damit na pang office para hindi mahalata.

“Pero manong, hindi po ako snatcher! Nagsisinungaling ang taong yan.” Kung sino ka mang bwisit ka makikita mo!

“Sino ba ang aamin na snatcher siya?” OO nga naman. Tama siya. Pero....Ay bwisit!  “Sige miss bumaba ka na!” Tapos nagchorus na ang mga pasahero. Nakakahiya. Pawis na pawis na nga ako, wala na nga akong poise, napagbintangan pa akong snatcher! Bwisit! Wala na akong nagawa kundi ang bumaba sa jeep. Hiyang hiya ako sa nangyari sa akin.

Papunta na ako sa may gilid ng daan para mag abang ng isang jeep. May sasakay pa kayang jeep sa akin? Gago kasi ang driver ng fortuner na yun eh. Speaking of the car, pinagtitinginan pa din ako ng mga pasahero at andun pa din ang fortuner. Pupulbusin ko na ba? Sarap batuhin.

“Oi pulubing snatcher! Sumakay ka na dito.” Napatingin ako sa sumigaw. At parang umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo ko nung makita ko si Oca na sakay ng itim na fortuner at nakangisi sa akin. Siya ang nagsabing snatcher ako. 



Gusto ko nang pumatay ng tao. Now na!       

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon