Chapter 38

185K 4K 375
                                    

38.



"Hoy buntis! Tinanghali ka na naman ng gising. Magpapaparlor pa tayo. Ganyan ba talaga pag buntis? Haysss! Malelate na tayo sa parteeee!" Dakdak ng dakdak si Mari habang niyugyog ako. Ahhhh! Wala ba talagang konsiderasyon ang mga tao? Hindi ba nila alam ang buntis ay matakaw sa tulog? Tsss....

"Dapat ba talaga akong sumama?" I looked at Mari  and at my stomach. Medyo malaki na kasi siya. Hindi na ako pwedeng magpaseksi. 5 months na kasi ang tyan ko. 3 months after naming huling mag usap ni Oca. The day after kaming nag usap pumunta na siyang Timbuktu. Of all places!

"OO naman! ANo ka ba! Nag promise ka nang sasama sa akin. Wala nang bawian. Kaya tara na maligo ka na at magbihis dahil malelate na tayo." Dahan dahan akong tumayo. Nakakatamad naman kasi eh. Napadaan ako sa salamin. I grimaced. Ni hindi pa ako nagsuklay. Ganito ba talaga pag buntis? Tinatamad sa lahat ng bagay? Hays.... Pero dahil nga kaibigan ko tong si Mari sinunod ko pa din siya. Pupunta daw kasi kami sa reunion nila at wala siyang kasama kaya ako ang napili niyang isama.  Hindi ko nga alam kung saan napunta ang mga jowa niya at ako ang naisipang isama ng babaing ito. So anyway kahit anong reklamo pa ang gagawin ko wala na rin naman akong magagawa kasi whether I like it or I like it pipilitin pa din akong sumama ni Mari.

After 30 minutes on the way na kami sa venue ng reunion. Nagulat na lang ako nung pumasok kami sa subdivision nila Oca. Tiningnan ko si Mari and she is smiling.

"Mari, bakit tayo pumunta dito? Saan ba iheheld ang reunion niyo?"

"Sa bahay ng isang kamag anak namin."

"And they are living here?"


"Yup." Oh, great.

"Ka subdivision nila sina O....ng mga Cariño?"

"Ahmmmmm... we're here." And to my surprise tumigil kami sa harap mismo ng bahay nila Oca. Bahay ng parents niya kasi nga sa condo talaga ang bahay ni Oca di ba? Bumilis ang heartbeat ko. Parang sumisipa pa ang anak ko sa tyan ko. Nakikisama? Excited?

"Bakit dito tayo pumunta?"

"Jo, the Cariño's are our distant relatives. I'm sorry for not telling you. Kasi alam ko naman na di ka sasama pag sinabi ko kung saan tayo pupunta.  But Tita requested you to come. She wanted to see the baby."

"Mari..."

"Don't worry." She smiled at me. "We will not be seeing JC. He is in Timbuktu. Hindi pa siya umuwi. Kaya don't worry. Tara na." Then lumabas na siya ng car. SUmunod na lang ako kesa sa magmukha akong engot dito.

Kinabahan pa ako pagpasok namin sa gate but my fears eventually subsided when everyone seemed to mind their own business. Oca's mother greeted me nicely as if walang nangyari. She didn't even mention her son. Sinabi lang niyang lalo akong gumanda na hindi na ako nagtaka kasi totoo naman yun. We had a little chat pero dahil nga siya ang host naging busy din siya. Siya lang pala mag isa ditto kasi nasa Spain si Tito at siempre andun din si Julia.

"See harmless ang party na to. Hindi kesyo buntis ka eh pagtitinginan ka na ng mga tao. Ano ka artista?"

"Tsee! Ikaw kung makalait ka!  Kahit na hindi ako pinagtitinginan di pa rin maiaalis ang katotohanan na lahat kayo magpapamilya dito ako lang ang hindi."


"Ano ka ba! Anong hindi kapamilya? Eh nanay ka ng isang full blooded Cariño. AT lola niya ang nag organize ng party na to. Wag ka ngang emo." And she looked at my stomach. UU nga naman. Napakasmart talaga ni Mari.

I am about to drink the juice that I'm holding nang mapatingin ako sa dako ng gate. The car looked vaguely familiar.  The black Porsche.  Napanganga ako when I saw him emerge from the driver's seat at lalong natulala ako  when he opened the passenger door at lumabas ang isang babae. I saw how they looked at each other. He smiled at her when he opened the door and she smiled her thanks to him in return. Ohhh !Shit! May ganung moment pa?

Humawak ang girl sa braso niya while he escorted the girl towards us. Towards where his mother is standing. Sumisikip ang dibdib ko. One look at them and masasabi mo that they are the perfect couple. Perfect. A description na hindi mo masasabi pag nakita mong kaming dalawa ang magkasama.

3 months.

That's how long it takes him to love another. That's how long it takes him to get over me and to move on. Hindi man lang siya nagluksa. It is so unfair because hanggang ngayon nagluluksa pa rin ako while he is smiling with THAT girl. They didn't even recognized that everyone is looking at them. Looking at the perfect couple.   Ni hindi niya napansin na nandito lang  ako tumitingin sa kanila, nasasaktan.  Bull!

Gusto ko siyang sugurin  pero may karapatan ba ako? Ako ang tumanggi. Ako ang umayaw. Ngayon bakit ako ang nasasaktan. Wala aakong karapatan. Sh!tness!

"Jo, I didn't know na darating siya. I didn't even know na bumalik na siya."  Mari took hold of my arm. Para bang sinusuportahan niya ako in case na magcollapse ako ngayon dito. I also saw the shock on his mother's face when she saw them. So kahit Mom niya hindi alam na dumating na siya? I wonder kung gaano katagal na siyang bumalik.  I even saw his Mom glancing at us. Siguro nga I am a masochist. I should have left the moment I saw them but no, I can't even take my eyes off them. Off him. I wanted to come near him. To make sure that it's really him. I wanted to see him more and I wanted him to see me. To notice me. Pathetic. KSP. That's me.

Pero dahil nga sa masochist ako, I should have been prepared for what was coming. Pero kahit siguro gaano ka ka prepared sa mga bagay bagay at kahit ineexpect mo pa ang mga bagay bagay still, magugulat ka pa din kung malaman mo ang totoo.  And that happened. I didn't prepare myself and I wasn't able to control myself when I heard him say,

"Mom, this is Felize. My girlfriend"Nakakamiss ang green font color!

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. I didn't even noticed na nabitawan ko na ang baso ng juice na hawak ko. Nagulat ang lahat when they heard the glass shattered on the floor. Tumili pa ang iba. I didn't even budge kahit nabasa ang paa ko ng juice. Everyone looked at me. I didn't care, I can't look at them because I am only looking at him.  Then he looked my way.

Our eyes met.

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon