Chapter 10

297K 5.7K 327
                                    

Chapter 10  Subtlety


Pagka walk out na pagka walk out nila Cheska at Vince nag order pa ng dessert si Nica kaya medyo nagtagal pa kami. After that naghiwalay na din kami kasi napapagod na daw ang baby niya. Information overload daw. Hahaha.  Ang pinagtataka ko lang kasi eversince the walk out hindi na rin ako pinapansin ni Oca. Hindi ko alam kong bakit. Baka nasobrahan ng kain at di na makapagsalita.

Kaya ito ako ngayon sunod ng sunod kung saan siya pupunta. Lakad siya ng lakad ako naman sunod ng sunod. Kanina pa kami ganito. Sumasakit na ang paa ko. Teka! Bakit ba ako sunod ng sunod sa mokong na to. Saan ba kami pupunta?

“Oca, kanina pa tayo lakad ng lakad. Saan ba tayo pupunta?” Hindi niya ako pinansin. I am sure na narinig niya ako kasi malapit na malapit lang kami. Nasa likod lang niya ako. Impossibling di niya ako narinig.

“Hoy Oca, Saan tayo pupunta? Napapagod na ako kasusunod sayo.”Nagrereklamo na ang paa ko kaya. Huhuhu.

Bigla siyang tumigil at humarap sa akin. Muntik pa akong masubsob sa kanya. Aish! “Sino ba ang nagsabi sayo na susunod ka ha?” Bulyaw niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Tinaasan niya ako ng boses? Anong kasalanan ko? Dapat pala hindi na ako sumusunod sa kanya? Pero di ba magkasama kami?

“Ganun? So dapat pala hindi ako sumusunod sa’yo!? Sorry ha!” I said with as much sarcasm as I can manage. Tapos tumalikod na ako at iniwan siya. Ayaw niya akong sumusunod sa kanya? Di wag! Marunong akong umuwing mag isa! Sino ba siya? Akala mo kung sinong pogi. Oo pogi siya pero di pa rin yun rason para maging super mean siya sa akin. Kung ayaw niya pala akong kasama di dapat sinabi niya kanina pa! Ang kapal ng mukha. Bastos! Bwisit!


Ouch naman! Tangnang araw to. Disgrasya lang ba ang aabutin ko ngayon? Dahil kasi sa pag ngingitngit ko kay OCa hindi ako tumitingin sa nilalakaran ko at may nakabangga ako.

“Miss I’m sorry.” Sabi nung binangga ko. Ang galing noh, ako ang nakabangga siya pa ang nagsosorry. Dapat ganyan ang mga lalaki. Gentleman sila dapat, hindi katulad ni Oca. Hindi dapat tinutularan ang mga katulad ni Oca. Kasi BI siya.

“Itchoki!” Sabay ngiti at pacute sa lalaking di kagwapohan na nakabangga sa akin. Kahit di siya gwapo mabait naman.

“Sa susunod kasi tingnan mo ang nilalakaran mo!”  Ayan na naman. Kilala niyo naman siguro kung sino ang epal sa kwento na to di ba? Hindi ko nga alam kung bakit ang epal epal niya eh. May mga tao ba talagang pinanganak na epal?

“Pare, nagsorry naman ako sa gf mo, at ok lang naman raw.”  Pag e-explain ng lalaki kay Oca.

“Hay naku po, hindi ko siya bf at at hindi ko siya kilala. Wag niyo na lang pansinin.”

“Pare, hindi naman ikaw ang kinakausap ko kaya pwede wag kang epal?” Huh? Sino daw ang epal? “Umalis ka na nga hindi naman ikaw ang sinabihan kong tanga eh.” Ay sus hindi naman pala yung lalaking ang sinabihan niyang tanga eh. Kung hindi tanga yung lalaki eh sino ang sinabihan niyang tanga? Then I realized na ako pala. Umismid na lang ako. Ayoko na siyang murahin sa utak ko. Nahahighblood lang ako. Sayang ang energy. HE IS NOT WORTH IT. 

Naglakad na ako palayo sa mahangin, makapal, at epal na si Oca. Care ko ba sa kanya?

“Oi Joanne saan ka pupunta?” He called after me.

“Eh di uuwi na.” Teka, saan nga ba ang sakayan dito? Naglakad pa ako nang naglakad. Wala na, nawala na ako. Nakakahiya, nawala ako sa mall.  Nung may makasalubong akong guard tinanong ko kung saan ang sakayan. Nalagpasan ko na pala kaya nag about face ako.   Nagulat ako nung nakita ko si Oca sa likod ko.

“Sinusundan mo ba ako?” Tinaasan ko siya ng kilay.

“Oo. Baka kasi mawala ka eh.”

“Thank you na lang! Pero marunong ako umuwi.

“Ah kaya pala nagtanong ka sa guard kung saan ang sakayan ano? Tara na hatid na kita.”

“Wag na, kaya kong umuwing mag isa.”

“Wag ka nang pakipot. Ihatid na kita.” At hinatak niya ang kamay ko. So parang magkaholding hands na kami niyan. Dapat ba akong kiligin? Bakit naman ako kikiligin? Oh c’mon. Naglakad kami papuntang parking lot habang hawak niya ang kamay ko. HHWW. Ayyyiieee. Damn! Hindi ako kinikilig. Bakit ako kikiligin? Hindi  kami nag uusap habang naglalakad, HHWW lang. Ayyyiieee. Hindi ako kinikilig okay!? Bakit ako kikiligin? 

“Tamad ka.” Bigla niyang sinabi.

“Ano?” Ano na naman ang pinagsasabi nito?

“Tamad ka.” Aba!

“Hindi ako tamad.”

“Tamad ka. Hindi ka nagtatrabaho. Ang lambot ng kamay mo.”

“Psshh!” I hissed. Tumawa siya  ng kunti sa ginawa ko. Wala namang nakakatawa. Weird. Weird siya.

“Oi showing na pala ito ngayon.” Tumingin ako sa tinitingnan niya. “The Twilight Saga: Eclipse” What the Heck. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Eh ano ngayon kung showing na yan? Matagal na kaya.”

“Nood tayo.” Sabay hatak sa akin papuntang bilihan ng ticket!

“What!? Are you kidding me? Anong oras na?” Sa totoo lang gusto ko ding mapanood ang movie na yan. Wala nga lang akong time.  Die-hard fan ako ng twilight pero haller, ayokong pahalata na gusto ko din manood. Baka sabihin niya kaladkarin ako.

“May last full show pa. Tara na!  Miss, 2 twilight.” Sabay bigay ng one thousand peso bill sa cashier. Weee? Siya nagbayad? May pera siya?  At 1,000? Akala ko wala siyang pera? Nakatulala ako sa kanya.

“Ano pa tinatanga tanga mo dyan? Tara na.” At hinatak niya ulit ako. Pagkapasok namin sa loob kunti na lang ang tao. Dahil siguro sa gabi na at 3 weeks nang showing ang Eclipse. Pagpasok namin hindi pa nagsisimula ang movie kaya niyaya pa niya akong lumabas para bumili ng popcorn at drinks namin.

Napapansin ko na kanina pa niya ako hinahatak at kanina pa niya hindi binibitiwan ang kamay ko. Simula nung nabunggo ako.

“Oi Oca, yung kamay ko…”

“Sshhhh.. magsisimula na. Wag kang maingay.” Tapos nanood na siya. Weee? Fan siya ng twilight? I wonder kung sino ang gusto niya sa mga character. Baka si Jacob.

“Wag mong ubusin ang popcorn. Mamigay ka!” Muntik na akong mapasigaw kasi bigla ba naman bumulong sa tenga ko. ANg init ng hininga niya at ang bago pa. Shit! Nanayo ang balahibo ko doon ah. 

“Oh ito na ang popcorn mo!” Sabay bigay sa kanya ng popcorn. Bibili na lang kasi iisa pa ang binili. Isang large na popcorn at isang large na drinks.

Kinuha naman niya ang popcorn at inabot sa akin ang drinks. “Ayan baka nauuhaw ka na.” Tiningnan ko lang ang hawak niya. Ininuman niya kanina yan eh. Ano siya? Mags-share kami ng straw?

“Wala akong virus. Kanina nga…” Tiningnan ko siya ng masama at kinuha ang drinks. Ayoko nang marining ang susunod niyang sasabihin. Kailangan ba talagang i-remind yun?

Nasa kalagitnaan na kami ng movie nung nagstretch siya and nagland ang kamay niya sa braso ko. In short inakbayan niya ako. I ignore it. Malamig eh. Hehehe. Okay, I have to admit na masarap ang feeling ng may mabangong lalaking nakaakbay sa’yo. At kinikilig ako. Onti. Ahehehehe. Ang landi ko. Haha

After a while sinusubuan na niya ako ng popcorn. Hindi ko akalain na may ganitong side si Oca. Pag madilim pala nagtatransform siya. May ka sweetan din pala sa katawan ang lalaking ito. I smiled at the thought. First time kong masubuan ng popcorn sa sinehan. Hahaha. Tae ang cheesy. Mas cheesy pa sa popcorn na kinakain namin ngayon. Hahaha. 

Naubos na ang pagkain namin at natapos na ang movie pero nakaakbay pa din siya sa akin.

“Paunahin na natin sila.” He motioned yung mga ibang nanood. He then sighed.

“Joanne, ilang boyfriend mo pa ang kailangan ko dispatsahin?” I was shocked sa tanong niya.

“Alam mo, you don’t have to do it.”

“Gagawin mo rin naman yun di ba? Eventually you are going to get rid of them. So I’m going to do it for you. Sabihin mo lang kung ilan pa.”

“Oca, I can handle them…”

“No, I wanted to do it. Ayoko ng may iba ka pang boyfriend. Gusto ko, ako lang.” 

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon