Chapter 43

209K 4.2K 412
                                    

43

OCA’s POV

PInasakay ako sa isang van after kaming harangin ni Fille. Inside I saw Paolo and Johann at ang iba pa nilang kasama na mga goons. Goons nga ba? Sindikato ba ang mga kapatid ni Joanne? Mafia? Yakuza?

“Hi JC.” Ngumiti at nagwave pa sa akin si Paolo. Sa pogi ng dalawang to di mo aakalain na mga sindikato sila.

“Anong ang ibig sabihin nito Johann?” Sana naman wag niyang sabihin na murder. Ayaw ko pang mamatay. Di ko pa nasisilayan ang anak ko.

“Kidnapping.” Johann said seriously.

“Kidnapping?”

“Kidnapping. According to Mr. Webster, is to seize and detain or carry away by unlawful force or fraud and often with a demand for ransom.”  And Paolo laughed.

“Bakit niyo ginawa to? Anong gagawin niyo sa akin? Anong gagawin niyo kay Felize?Ano ang kasalanan ko sa inyo?”

“Calm down JC. Naninigurado lang kami.”

“Anong naninigurado?”

“Alam mo naman na siguro na bukas ikakasal na si Joanne at si Dave.” Nagulat pa din ako sa sinabi ni Johann. It’s different hearing it from the office at iba kung mula mismo sa mga kapatid ni Joanne.  “Ayaw namin na makakasagabal ka sa kasalang magaganap.”

“Paanong sagabal?”

“Baka kasi bigla ka na lang sumulpot sa kasal at ipatigil to. Ayaw naming mangyari yun. Don’t worry pagkaalis na pagkaalis nila ni Joanne at Dave for their honeymoon, we will set you free.”


“Tama! Kay easy ka lang pareng JC. Wala kaming gagawin masama sayo. Idedetain ka lang namin for 2 days tapos you are free. Iniisip lang namin kaligayahan ng kapatid namin.”

“Are you sure that she will be happy with Dave?”

“Of course.” 

“Sir, paano po yung kasama niyang babae?” Bumukas ang van at sumilip ang isa sa mga kasamahan nila Johann at Paolo. Nung sinabi niya yun tsaka ko lang naalala si Felize. Masyado akong nagulat sa kaalamang magpapakasal na si Joanne sa ibang lalaki na hindi ko naalala si Felize.

“Ano ang gagawin mo sa kanya?”

“Siyempre pauuwiin din namin after 2 days. Pahiram muna ng kotse mo JC.” And Johann went out of the van at pumunta sa kotse ko. Tangna! I never thought that they are capable of doing this. Pati yung ibang tao nadadamay.

“Pare, pasensiya na umabot pa sa ganito. We just wanted our sister to be happy.” Tumahimik lang ako. Obvious naman ang sinasabi ni Paolo. I cannot make Joanne happy. Ibang lalaki ang makakapagbigay sa kanya ng kaligayahan. Matagal ko nang alam yan. Eversince that fateful day na umalis ako sa farm ni Joanne, narealize ko na na hindi ako ang makakapagpaligaya sa kanya. Hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko sa kanya. Pride na kung pride but a man just can’t handle too many rejections. Ilang beses na ba akong nagpropose but she declined. And then bumalik ang ex-bf niya and after a week they are getting married.   Hindi pa ba yun sapat na rason para masabi ko na that Joanne didn’t really want me? I have been stubborn for the past 8 years. Pinipilit kong siya ang gusto ko at ginawa ko na ang lahat just to have her. I have been a stalker, a player, a maniac, a user, a liar, an actor at kung ano ano pa just to get her attention. Just to have her notice me. Maybe, this is the time for me to really accept the fact that she’s not really meant for me.  I don’t want to go to the point that I will be begging her to love me. Baka hindi ko na mapatawad ang sarili ko pag ginawa ko yun. Tangnang kupido kasi yan, bakit ba kasi nung pinana niya ako diniin pa niya ang sibat para lalong bumaon?

“Woah!” My thoughts was interrupted dahil biglang napahalakhak si Paolo habang binabasa ang text message. “Tingnan mo nga naman oh! Pagkakataon nga naman. Tsk tsk! JC wag kang mag-alala si Angela.. este si Felize, si Johann na ang bahala sa kanya. Hoy ano pa tinutunganga mo dyan? Nakakasagabal tayo sa daan.”

“Opo sir.” Isa pa ang pinagtataka ko, bakit may mga tauhan sila Paolo at Johann? May private army sila? Sindikato sila?

I heard Paolo chuckled. AT nagulat ako sa sinabi niya. “Hindi kami sindikato at wala kaming private army.  Talaga naman. To the highest level ang imagination mo JC.” At tumawa ulit siya. Nababasa niya ang nasa isip ko?

“Hindi ko nababasa! Malakas ka lang talaga bumulong.”
At nagkatawanan silang lahat. Amputs! Bumubulong ako?

After mga isang oras na byahe nakarating kami sa isang bahay na mukhang resthouse. Alam kong nasa tagaytay pa rin kami. Kasi naman hindi man lang ako piniringan at kitang kita ko ang daan. Pagdating namin doon, tinuro sa akin ni Paolo ang room ko at sinabihan ang mga kasamahan niyang bantayan ako. Mga 8 tao ang nakabantay sa akin. Hindi man lang ako tinali o ano. Basta ang alam ko lahat ng kasama nila may mga baril. At ang choice ko kung gusto kong tumakas is either tatalon sa bangin or dadaan sa harapan ng bahay.

 

Fast forward….


The next day. Tanghali or hapon?. Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko na ikkwento ang mga nangyari pagdating namin dito. Kasi ang alam ko pagdating namin dito pinainom ako ng kape ng katiwala dito sa bahay  at ngayon lang ako nagising. I was drugged. Tangna. Kaya pala hindi man lang ako tinali o ano. May plano pala akong patulugin. Takte talaga. Kung hindi pa ako nagutom hindi pa siguro ako magigising,

“Tulog pa rin?” I heard the voice of Paolo from outside the room.

“Oo. Ilan bang sleeping pills pinalagay mo at ganun makatulog? Akala nga namin patay na eh.”


“Sakto lang. Bro, ano ba! Tama na yan! Takte naman! Malelate na tayo! Mamaya mo na problemahin yang puso mo! May kasal tayong pupuntahan.” Biglang sumikip ang dibdib ko pagkarinig ko ng kasal. So ngayon na ang kasal? Ngayong oras mismo?

“Wag ka ngang atat dyan Pao! May isang oras pa. 10 minutes lang mula dito ang simbahan.”
 
“Mabuti na yung maaga! Anong gusto mo tayo pa ang hintayin ng bride at ng priest?”

“Hay naku! Ang kulit! Tara na nga!”

“Eslibhedek! Uchichuwa! Bantayn niyo yang si JC ha! Siguraduhin niyong di yan nakakaalis hangga’t di natatapos ang kasal. Okay?”

“Okay po sir!”

“Paggising niya pakainin niyo. Baka mamatay sa gutom eh.” So the church is only 10 minutes from here. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok sina Johann at Paolo.

“O gising ka na pala JC. Papadalhan ka na namin ng pagkain dito. Dito ka muna ha! Behave ka muna dito at kami ay may  kasal pang pupuntahan.”

“Talaga bang hahayaan niyong makasal si Joanne sa bakulaw na yun?” Johann cleared his throat while Paolo suppressed his laugh.

“We don’t have a reason to stop the wedding JC. How about you? Ikaw ba may rason para pigilin ang kasal?” Johann asked me. May rason nga ba ako?

“No. Hindi ko pipigilin ang kasal.”

“Okay then. AAlis na kami. Ipapahatid na lang namin dito ang pagkain mo.”
AT lumabas na silang dalawa sa kwarto at umalis.   Iniwan nila ako sa bahy na yun na naguguluhan.

…..
I heard the church bell. By now, siguro nagsisimula na ang kasal. Hindi ako mapakali. Kanina pa ako paikot ikot sa room. 10 minutes from here? Pwedeng pwedeng takbuhin. Mahigit isang oras na lang Joanne will change her name. When I was in college I used to write her name alongside mine. Joanne Phoebe Z. Cariño. Bagay di ba?   Pero sa ngayon mukhang malabong mangyari kasi iba ang papakasalan niya. Joanne Phoebe Z. Madlangpeople. Ang bantot.  Pero hahayaan ko ba? Ganun ganun na lang ba yun? Kaya ko ba talaga siyang I give up ng ganun ganun na lang? Hahayaan ko bang ibang tao ang kikilalaning ama ng anak ko? Can I live with that? Makakaya ko bang makita siyang ibang lalaki ang nakayakap sa kanya?

Sh!t!

Pero paano kung ayaw niya talaga sa akin? 


Corrs: don't let go oca please 

Yellie: Wtf Oca?!   

Veejay: Hala sige Oca, magsoul searching ka. Haha. Hanapin at buoin mo ulit ang sarili mo na nawala dahil nilamon na ng pagmamahal mo kay Joanne ang buo mong pagkatao. Pero! Wag mong kalimutang bumalik.

Tapos eto naman kasing si Oca napakadaming pakulo sa buhay. Hayy sana naman sa ending magkaayos na kayo, kahit dun na lang. 

Milkagirl: bakit ganun oca? naghintay ka ng 8 years at nagawa lahat ng kalokohan sa mundo para lang makuha si joanne pero ilelet go mo na lang siya basta basta?

Raice: aagfksafhk! Kainis ka Oca! Bakit ka sumuko? Ang gusto lang naman ni Joanne ay time. Pero di naman ibig sabihin nun e it's over na. Ang slow mo naman Oca e! Pssh.

Xopaw16 (sorry sis nakalimutan ko name mo.):aww ..
oca my labs naman ..
time lang daw kelangan ni joanne oh ..
wag kang mag give up

j.s.y: Oca! How could you...!?!? Huhu, bat ka na gumive up  ? Oca, di pa huli ang lahat. Bawiin mo, please! 

Janee_bravo:Miss ko na ang Oca na super love ko.
Hari nawa'y magbalik siya

Regiereg:Ha! take that Oca! Pero nga naman nasasaktan rin naman si Oca sa nangyayari ngayon at kahit noon. Sus kayong dalawa tigil tigilan niyo nga yung pride niyo.

Altamira:UGH! Oca, nakakainis. :[ Bakiiiiiit!? Wawa naman si Joanne. Bahala ka, pag ikaw..... Ikaw rin magsisi.

Naiadde:HAHA. That's what you get Oca! Sino bang nag give-up? Di ba ikaw? Tapos babalik balik ka ngayon.     Kung hindi man ipangalan sa'yo ni Joanne yung anak nya deserve mo yun. Kasalanan mo yan. Hindi naman sinabi ni Jo na hindi ka na nya mahal e, naguguluhan lang sya nun pero pinili mong umalis.

Kung hindi mo kaya yung condition ni Jo, mabuti pa ngang si Dave nalang ang kilalaning tatay ng anak nya.  At least si Dave marunong maghintay at mahal talaga si Jo.   

Sweetmit08:Ayan. Suffer the consequences Oca.   
Simple lang naman ang dapat mong sabihin kay Joanne eh, "I love you. Will you marry me?"
Tapos na problema mo. Kaso pareho kayong mapride. Wala kayong mapupuntahan niyan. 
 

Jane, sexytary:
Holy crap Oca. Just go marry Felize nang matigil na ang kalokohang to!
Joke lang. Suyuin mo kasi! Wag mong daanin sa dahas! Kakaloka ka.

Devil jazmin: oca ano ba?? your such a stupid @s$hole.. .grrrr!!! i hate you!! kung dati, i love you so much now i loathe you!! grrr.. nakakainis ka na talaga... .

Yanyan:Oca, I hate you! Ano to: "I’m letting you go Jo. I’m sorry for all the trouble I’ve caused you. God knows how much I love you. Take care of yourself. Take care of our baby. "  ( Nakaasar ka! Gusto kitang sabunutan! HETCHU!

Oca, anong friend ka dyan! Nakakaasar ka talaga! Tumataas yung BP ko dahil sayo! Na-ffrustrate ako! >.<

Iris:
Baket banaman kasi kailangan pahirapan ang mga sarili natin? Alam naman natin o kayo na gusto nyo naman ang isa't isa tapos nagiinarte pa kayong may gf yung isa ikakasal yung isa? Aba mga pitung put pitong pitung tupa naman oh. Naglolokohan lang ba tayo dito?

Princesszaii: Oca tama si Felize! love mo pa sa Joanne kaya ka ganyan. pinapahirapan pa kasi sarili e. HAHA,   

Lyssapearl:Oca naman eh! Sana naman cnagut mu cya nde yung sinasakatan mu! mahal mo naman c Joanne, mahal ka din nya! ampf ka naman eh! para kang ewan 
Mauunahan ka pa ni Dave,, 

nu byan.. kelan lan glit ako sau ah  ay nde! galit pa din ako!!!!

Xhalve017:
”waah~ update na pu. .ate lily. .hehe. ,  excited na talaga me. .hehe. .

Author: Oca, wala na akong sasabihin nasabi na nilang lahat. Nahirapan pa nga ako sa pagbackread mula chapter 37. (pasensiya na kung yung sa iba hindi ko na sinama. Sobrang daming comment kasi) So ikaw na ang bahala kung ano ang gagawin mo. Basta ito ang pakakatandaan mo, walang loser na bidang lalaki sa mga stories ko.


And with that, I went out of the room at tumakbong papuntang front door. Mabuti naman at wala ang nagbabantay, saan kaya sila? Teka, bakit ko pa ba alalahanin yun? Baka mahuli pa nila akong tumatakas. Pagbukas ko ng main door mabilis akong tumakbo papuntang gate. Nung bubuksan ko na ang gate.

“Hoy saan ka pupunta!” Tapos nagpaputok siya. Tumakbo pa din ako. Bahala na kung mamatay man ako, mamamatay rin naman ako kung magpapakasal sa ibang lalaki si Joanne.

“Mga pre habulin natin. Pag nakatakas yan at nagulo ang kasal yari tayo sa kambal.” Tapos nakita kong nagtatakbuhan sila para habulin ako.

“Barilin na lang natin pre.”


“Wag! Sayang ang fes! At sabi nila kambal illegal detention lang daw, hindi daw murder”

Mga 5 minutes na akong tumatakbo nung makita ko ang isang building na parang maliit na chapel. It was decorated by flowers. Alam kong iyon na ang simbahan na sinasabi nila Johann kaya binilisan ko pa ang takbo. Hinihingal na ako. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng chapel, napatigil ako. Lumingon ako sa mga humahabol sa akin. Tumigil din sila sa di kalayuan.

Tiningnan ko ang loob ng simbahan. Kakaunti lang ang guest. Less than a hundred. Then my eyes focused on the two individual sa harap ng altar. Nakaupo silang dalawa at nakaharap sa pari. The girl is wearing an all white gown. Sumikip bigla ang dibdib ko. 
Then I heard the words that almost killed me.

“…as your lawfully wedded husband, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, till death do you part?” Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Parang hinihiwa. Parang feeling ko mamamatay ako anytime.

“Yes, Father I…”


“Itigil ang kasal! Tangna!”
I shouted as loud as I can. Parang slow motion napatingin ang lahat sa akin.

Wanted:Babymaker reposted (Sana di maprivate)Where stories live. Discover now