Chapter 26 [Prove Me Wrong]

381 13 5
                                    

Chapter 26

The moment the word truth was mentioned, they’ve been dodging each other’s questions like professionals. Showbiz na showbiz ang dating. Hindi diretsong sagot dito, hindi diretsong sagot doon. She’s a coward. She admits that to herself. But he is three times more. Ito ang nagsabing gabi ng pagkakatotoo ngayon pero ito ang sumasagot ng paiwas.

What’s their problem? Alam naman nilang dalawa na umiiwas sila pero wala ding umaamin sa kanila. Ganito ba sila ka-walang tiwala sa isa’t-isa?

Alam niya may utang na loob siya dito dahil sa pagtulong nito sa kanya kay Clark. She told him Clark would pay dahil hindi siya nagpapa-utang ng atraso. The next thing he did, he ordered her bodyguards to throw her naked ex-boyfriend pati mga minions nito sa labas ng bahay. Naghihiyawan sa insult at kantyaw ang mga bisita sa party. Puro vine-video ang mga ito. Nataon ding nakasabayan nito ng labas ang babaeng kalandian nito sa guestroom. Walang karespe-respetong inagawan nito ng kumot ang babae at itinakip sa sarili nitong katawan. The poor bitch was butt naked in front of the whole party people. That was her realization point of how evil Clark can be and how he must really love her trying his best to be a gentleman.

Minura-mura ni Clark si Deiderick at pinuno ng insulto. Sa inis niya dito, muntik niya na itong sugurin at tadtarin ng suntok pero pagtingin niya sa mukha ng biktima, nanatiling kalmado ang ekspresyon ng nerd. Ewan niya paano nito nagagawa iyon. Dahil kapag siya galit, kailangan niyang ilabas. Kailangang magantihan niya ang gumawa sa kanya noon.

Iyon lang ang iniisip niya nang nagsidatingan ang mga police sa bahay ng mga Stevens at hinahanap si Clark. Nag-panic ang mga bisita dahil sa takot na pumasok sa bahay ang mga pulis at maibalita sa mga prominenteng mga magulang ng mga ito ang mga pinanggagawa ng mga ito. Nang linawin ng mga alagad ng batas na si Clark at dalawang kasama lang nito ang hinahanap, walang pag-aalinlangang itinuro ng lahat ang mga ito. Clark look shocked and the look of betrayal on his face was priceless. He’s the quarterback who won too many games for the school and yet, the whole school turned their backs on him. Ngayon alam na nito ang naramdaman niya noong nagtaksil ito.

He was arrested when it was proven that he’s using drugs. Everyone did not believe it at first pero nasa bulsa ng mga ito ang ebidensiya. Nasa bulsa ng naiwang pantalon niya sa guest room. Alam niyang no use na ang disappointment niya pero she did not really expect Clark will do drugs. He’s a good athlete and alam niyang alam nitong it would ruin his career. Ang sayang ng pagtapon nito sa career nito.

Muli nitong minura ang nerd habang pinoposasan ito. That’s how she pieced it together. Alam ni Deiderick that Clark was doing drugs. Ito ang tumawag sa pulis. Ito ang…

“Shit. You really do everything your way.” Bulalas niya dito.

Nilingon siya nito at itinaas ang kilay nito. “Care to explain?”

“It was Clark, wasn’t it? Siya ang bumugbog sa iyo.” She narrowed her eyes para takutin itong huwag magsinungaling.

He shrugged.  He just shrugged. Hindi ito umamin, hindi rin ito umiling. How long will he keep this up?  Kanina pa ito ganito. How long will he not answer her questions if he doesn’t feel like it?

Pagod na siya dito. Kung mag-iiwasan lang sila, mabuti pang matulog na lang siya. Nagsasayang siya ng oras makipag-usap sa ayaw naman siyang kausap.

Prove Me Wrong [TAGLISH]Where stories live. Discover now