Chapter 12 [Butterflies In My Stomach]

578 15 17
                                    

Chapter 12 

“Hmmmmm….” Umungol si Izzy habang nag-se-stretch ng katawan. Kakagising niya lang kanina nang pumasok ang Tita Theresa niya (Mom nila Dei at Trixie). She brought good news with her at sa tingin niya, magiging maganda ang buhay niya for the following weeks.

Kinumpirma naman iyon nang pumasok ang magpapagaan ng buhay niya na may dalang tray. Nakasimangot.

“Breakfast in bed for our honeymoon, baby?” Sabi niya dito habang mas lalo namang kumunot ang noo nito dahilan para bumaba ng konti ang glasses nito. Humigpit din lalo ang hawak nito sa tray. Nakikita niyang ang juice na nakapatong sa tray ay nayuyugyog din. Malamang nanginginig ito sa galit. Nang akala niya sisigawan na siya nito, humakbang ito palapit sa kamang hinihigaan niya at nilapag lang nito ang tray at tumalikod na para umalis ng kuwarto.

“Guess who is going to be my BFF these following months?” She said lazily. Sinadya niyang i-emphasize ang ‘months’ para malaman nitong hindi niya agad ito pakakawalan.

She saw his arms tensed. Mas lalo naman siyang ginanahan mang-inis.

“Ang aga mo yata akong binisita dito? Siguro, worried na worried ka kagabi noh?” Dagdag na pang-iinis niya.

“May iba ka pa bang iuutos?” Tanong nito. Sobrang lamig ng boses nito. Siguro dahil sa sobrang inis sa kanya.

“Come here.” Utos niya.

Tiningnan niya ang likod nito. Taas baba ang shoulders nito na parang kinokontrol ang paghinga. Pagkatapos siguro ng isang minuto, humarap ito sa kanya at naglakad palapit.

Mas lalo naming lumapad ang ngiti niya dito. This is certainly going to be my day!

“Good. Now sit.” Utos niya pa dito.

“I am most certainly not a dog Isabella.” Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Okay, dagdag ba sa pagka-arogante nito ang paglaki nito sa England? Para kasi itong hari kung makaasta. Pero pasensya, patay na ang hari at siya ang queen ngayon so magdusa ito. Pahihirapan niya ito ng sobra sa ginawa nito sa kanya kagabi at nitong mga nakalipas na araw. Aba naman kasi, nakakarami na yata ito ng puntos sa kanya sa mga away nila!

“Yup, not a dog, but my puppy. Sit and I’ll teach you manners.” Umupo siya mula sa pagkakahiga and tapped the side of the bed where she wants him to sit and looked at him invitingly.

Mukhang naubos na nga ang pagtitimpi nito dahil bigla siya nitong tinalikuran at mabilis na naglakad papuntang pinto.

“O-ow. Not a good choice of action because if I can recall my talk with Tita Theresa, you are grounded and entirely dependent to my mercy of forgiveness. Plus, surprisingly, I can let you do whatever I want you to do. This makes me your ‘master’.” She drawled. Walang siyang pakialam kung galit ito. Galit din siya dito. Ang laki rin kaya ng atraso nito.

Prove Me Wrong [TAGLISH]Where stories live. Discover now