Chapter 18 [Charade]

503 17 29
                                    

AT: Hello po sa inyong lahat... sana po di kayo galit na late ako nag UD... umuwi po kasi ako sa province namin and enjoying myself.. haha lalo na ang pagkain! yummm! Summer na! 

sana po magustuhan niyo..

Chapter 18

Deiderick

He looked at her eyes and saw that they were sparkling. An indication that she is happy. He lifted his jaw in an arrogant proudness. Siya ang nagpasaya dito. Siya ang nagpapatawa dito ngayon. Sakanya ito nakangiti kapag gumagawa ito ng trick sa pag-se-skate. Sa kamay niya ito humahawak pag gusto nitong kasabay sila mag-ikot sa rink.

And when the little French girl asked them if magkasintahan sila, tumango siya without considering that she might be shaking her head pero ng lumingon siya dito at nakitang tumatango din ito, he can’t help being pleased. The warmth of pleasure flooded his heart. He grinned. Without holding himself. Without worrying na baka may kapalit na masamang pangyayari mamaya ang pagngiti niya. He grinned because he is happy. Damn! He is happy because of Isabella the brat.

He looked at her habang nakangiti ito na nag-se-skate. She’ll always be carefree. Wala itong problema sa buhay na makapagpapasimangot dito ng matagal. Parang mula noong mga bata pa sila, hindi niya pa ito nakita na malungkot ng ten minutes at siya naman, hindi siya makikita na masaya kahit ten minutes lang man. Laging walang ekspresyon ang mukha niya o lagi siyang galit.

Ngayong gabi, he’s with her without pretense. Yung ugaling matagal niya ng ibinaon sa limot, nailabas niya dito dahil it was easy being himself with her. He did not worry na baka bababa ang tingin nito sa kanya dahil for Pete’s sake they have been enemies for almost a decade na. Wala ng ibababa ang tingin nito sa kanya diba?

He felt happy again. And it has been a very long time mula ng naging ganito siya ka-walang pakialam ano man ang consequences ng ginagawa niya. Palagi na lang kasi measured at cautious siya na baka may magawa siyang mali. Surprisingly din, nagkasundo sila ng brat kahit na nga may konting misunderstanding sa kanila kanina.

 Alam niya naman sa mamahaling resto nito gustong kumain. Alam niya din na nung niyaya niya ito, akala nito, doon talaga sila kakain. Pero wala sa balak niya yun. Bukod pa sa unreasonable yung presyo ng mga pagkain doon, gusto niya maging iba itong gabi na ito para sa brat. Alam niya kasi lahat ng mga dates nito sa mga lalake ay sa mamahaling lugar ito dinadala. Not that he is considering this as a date. NO! Ang gusto niya lang ma-realize nito is that she can also enjoy life and be happy by spending just small amount of money. Hindi kailangang mamahalin ang activity. Ang importante kasi is the way you look into the essence of it.

In the stupid resto, puro mayayaman na walang magawa sa pera ang andoon pretending they like the food just to have that view. Naku, makikita naman ang view na yun dito sa skating rink. Buti pa nga dito, pwede pang magsisigaw o magsasayaw, walang pakialam ang mga tao dito. He is tired of pretenses and here, he is happy he brought her. This is the happiest he have ever seen her. Well, hindi naman kasi sila laging magkasama. At kung magkasama man sila, lagi silang magkaaway. Maybe it helped na sila lang dalawa. Hindi sila mag-aalala kung anong sasabihin ng iba sa unusual na pagiging civil nila. Siguro nga kung doon pa sila kumain sa resto na yun, hindi pa sila ganito ka naging kumportable sa isa’t-isa.

Prove Me Wrong [TAGLISH]Where stories live. Discover now