Chapter 15.2 : Friendship Ends ?

873 21 7
                                    

WCB sakin! Hahaha. Namiss ko kayo! Btw, e2 na ung inaantay nyong update. Pagpasensyahan nyo na sana kung natagalan ha.

[Note: mobile upload padin po ito kaya pasensya na kung mabibitin kayo ulit. Haha. XD]

_____

CHAPTER 15.2

=Myrtle's POV=

ARRG! Bakit ba ako nagkakaganito? Nasigawan ko ang bestfriend ko.

Bumaba na muna ako. Nakita ko si Kit sa may veranda.

"O Myrtle? Okay ka lang ba?" tanong niya.

"Yeah. I'm fine. Where's manang? Pakisabi lalabas muna ako."

"San ka pupunta? Ano bang nangyayari?"

Narinig ko ang huling sinabi nya pero di ko na lang sya pinansin at dumiretso na ako palabas ng mansyon.

Naglakad lakad lang ako. Medyo madilim na, maggagabi na rin kasi. Then I saw Yves at the park. I followed him. Napansin ko na lang na may kausap sya sa phone nya kaya nagtago muna ako sa likod ng isang puno.

"Andyan lang ako... Nakatanaw sayo buddy ko." yun ang narinig ko sa kanya. Buddy ko? Which means, si Bessy Karen ang kausap nya? Hell no!

Pagkatapos nun, nakita ko na lang syang lumapit sa isang babaeng nakatalikod. Di ko maaninag ang itsura pero alam kong babae dahil mahaba ang tuwid nyang buhok.

Ang sunod kong nakita ay bigla nyang niyakap yung babae na ikinagulat ko talaga. Gusto ko na silang lapitan para pagsasampalin pero mas napako ang mga paa ko sa sunod kong narinig kay Yves.

"Wag kang matakot... Ako 'to buddy ko."

Nangingilid na ang mga luha ko that time. Sa mga narinig at nakita ko, isa lang ang alam ko... matagal na nila kong niloloko. Unti-unti, naalala ko ang masamang bangungot ko nung napanaginipan ko sila na magkayakap at biglang naghalikan sa harapan ko. Eto na siguro yun.

"Damn you Karen and Yves! Mga manloloko talaga kayo!" di ko na napigilan ang sarili ko na hindi lumapit sa kanila.

"B-bessy?" nangangatal na sabi ni Karen ng makita nya ako. "T-teka anu... B-buddy? A-anu bang nangyayari?"

"Myrtle, wag kang magalit kay Karen. Sakin ka magalit. Wala syang ala--"

*Pak*

Nasampal ko si Yves sa sobrang galit ko. "Damn you Yves! Minahal kita pero bakit ganito?"

"Bessy. Teka anu bang nangyayari sayo--"

"You shut up! Traydor ka Karen!" tapos nun ay bigla na lang akong tumakbo.

_______

=Karen's POV=

Anu bang nangyayari? Bakit galit na galit si Myrtle samin ni Yves... lalu na sakin? Anu bang ginawa ko?

"Karen, sorry." narinig kong sabi ni Yves habang nakayuko. Malungkot ang boses nya nun.

"Buddy, anu bang nangyayari? Bakit galit si Bessy sakin? Bakit mo ko niya--"

Eto na naman sya. Niyakap na naman niya ako habang nakatukod ang baba nya sa balikat ko.

"B-buddy... Y-yves... T-teka..." nauutal ako habang nakayakap padin sya sakin.

"Karen... M-mahal kita..."

Nagulat ako sa sinabi nya kaya itinulak ko sya.

"A-ano... ANO BANG SINASABI MO? Yun ba ang dahilan kung bakit nagalit si Bessy sakin! Nakakainis ka Yves! Nakakainis ka!" malungkot ang tono ng boses ko nun. Tinalikuran ko sya at naglakad na ko palayo sa kanya.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon