Chapter 11 : PBB Teens?! Agad-agad?!

1K 15 4
                                    

Please VOTE & COMMENT after READING (^___~)

.

=Karen's POV=

.

Hapon na naman. Masaya naman kaming lahat maliban sa lalaking bakulaw na si Kit.

.

"Tsk! What's with this place? Ang boring!" naghihimutok na sabi nya habang naglalakad.

.

Ewan ko ba kung bakit ko sya sinusundan. Nakakainis lang kasi baka ako pa ang masisi nina Buddy at Bessy kapag naligaw ang bakulaw na ito.

.

"WOY! San ka ba pupunta?" sigaw ko sa kanya ng makalayo sya ng ilang milya, di, joke lang, ilang metro lang naman saking kinaroroonan.

.

"Maghahanap ng excitement!" tapos lumakad na naman po sya.

.

Nagtataka kayo marahil kung bakit kami lang dalawa ngayon ang magkasama anu?

.

Ewan ko ba naman sa bestfriend ko, nagsuggest lang naman sya na ipasyal ko daw tong bakulaw na ito dito sa hacienda at eto nga, nasa gubat lang naman na kami.

.

"HOY! ANTAYIN MO NGA AKO! BAKA MALIGAW KA!" Hinabol ko naman sya at ng makalapit ako sa kanya hinihingal naman ako.

.

"Bakit ka ba sunud ng sunod ha, you CHICKEN!?" aba bwiset toh ah, may pa-Chicken-chicken pang nalalaman.

.

"HOY! Wag mo akong Englishen ha. Nakakaintindi ako. Bakulaw ka! You're a Monster!" kainis talaga sya! Kumukulo na naman ang dugo ko! Grr!

.

"Pag di ka tumahimik uupakan na kita dyan ei! Bumalik ka na nga dun!" aba makautos naman sya wagas!

.

"Hoy kundi lang naman dahil sa pinsan mong si Yves e hindi ako magtyatyagang samahan ka nuh!"

.

"Pwes! Ang plastik mo!"

.

"Mas plastik ka! Bakulaw ka! Bleh!"

.

Bigla syang napatigil at natahimik sa kinatatayuan nya kaya nagtaka ako.

.

"Oh bakit ka huminto?" nagulat kasi ako sa kanya kaya nagtaka ako. Pero mas nagulat ako sa sumunod nyang ginawa.

.

"Oy! Anu ba?" itinulak lang naman nya ako doon sa puno at iniharang pa nya ang dalawa nyang braso.

.

Inilapit nya ang mukha nya sakin at may sinabi pa sya na lalong nagpakaba sakin, "Kapag di ka tumahimik, hahalikan kita!"

.

Natulala lang talaga ako at di ko na napansin na nakalayo na pala sya.

.

Anu ba namang lalaki yun? Napaka--- EWAN!

.

Ang bilis-bilis tuloy ng tibok ng puso ko! Dubdubdub... Parang ewan lang ako! Hayy! Kainis!

.

Ilang saglit lang at bumalik na ang utak ko sa realidad. Ewan ko ba, parang nag-Freeze yung moment na yun.

.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon