Chapter 17 : Palagay Ko

728 11 2
                                    

CHAPTER 17

[Karen's POV]

Nagulat ako ng makita ko si Yves sa registration office habang nakapila sya doon at kakatapos ko lang magregister. Malay ko bang sya yung nabangga ko. Atleast nagsorry naman ako sa kanya diba. Pero bakit ko sya iniiwasan? Bakit naiilang ako pag nakikita ko sya? Kung sabagay tama na din ito para kung sakali ay mapatawad na ako ng bestfriend ko sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

"Nakapag-enroll ka na Manok?" tanong ni Kit ng magkita kami palabas ng gate. Hapon na kasi ng matapos ako sa pag-eenroll.

"Oo nga, ang kulit. Tsaka pwede bang Karen na lang? Kakairita ka talagang bakulaw ka," okay lang naman sakin kahit tawagin nya akong ganun. Ang cute nga kasi may endearment na kagad kami e hindi pa kami. Haha. Echoz lang you know. XD

"Hahaha, e ayaw mo din akong tantanan sa pagtawag mo ng bakulaw sakin e. Kagwapo kong toh para maging bakulaw nuh." Oo, gwapo ka naman talaga kaya nga natutuwa akong asarin ka e. Mas lalu kang nagiging cute sa paningin ko. Hehehe.

"Tsk. Ewan ko sayo. Ang yabang mo talaga. Bagay talaga sayong maging bakulaw. Hahaha." Hindi, mas bagay sayong maging prinsipe ko. Ahaha. Lumalandi na naman ako. XD

"Ah ganun ha. Humanda ka sakin pag naabutan kitang Manok ka!" Hala, binabantaan nya ako. Okay lang, habulin mo lang ako Kit. Ahaha.

"Belat! Mukha mo. Asa kang mahabol mo ako." Papahabol ako sayo Kit. At sana pag naabutan mo ako hindi mo na ako papakawalan pa.

Nagtataka kayo marahil kung bakit kami magkasama ni Kit ngayon kahit wala naman kaming relasyon. E kasi ganito yun. Diba pumunta kami nung makabalik kami dito sa Manila dun sa condo unit nya? Okay let's rewind. Ikukwento ko sa inyo.

<flashback>

"Kainaman naman oh, bakit ba kelangang gawin ko ito? Tsk! Kadiri ha." E kasi nitong time na ito nagdadampot lang naman ako ng mga nagkalat nyang underwear sa kama nya. Kung san-san pa nagkalat pati medyas at iba pang damit nya. Kadiri talaga. Alam nyo yun? Amoy---YUCK! >.<

Patapos na akong magsampay ng damit nya sa may veranda ng bumalik sya.

"WAAAAHHH!!! MANOK! ANUNG GINAWA MO SA MGA DAMIT KO?" Nagulat ako ng madatnan nya ako.

"E-ee, a-ano, n-nilinis ko yung kalat tapos eto nilabhan ko ang mga damit mo." hawak ko yung brief nya na isasampay ko pa lang sana pero hinablot naman nya sakin.

"Akin na nga yan. Engot ka talaga. Wala naman akong sinabing labhan mo ang mga iyan. Kainis." bigla syang tumalikod at napansin kong namula ang tenga nya. Namula kaya yun sa galit o hindi kaya... Ahaha, nahihiya sya. Dapat lang na mahiya sya nuh. Nagpakahirap ako tapos maninigaw lang sya. Hmp.

"Bakit ka ba nagagalit? E diba sabi mo kelangan mo ang service ko? Yan na nga o, ang linis-linis na nitong unit mo."

"Hay, ang engot mo talaga. Hindi yun ang ibig kong sabihin. Diba nga sabi ko antayin mo ako dito. Tss. Dapat kasi room service ang gagawa nyan pero andyan na yan ei." Ay, ganun pala yun? Walastek naman, e alangan namang mamatay ako sa amoy ng mababaho nyang damit diba. Kaderder kaya.

"Ah, ahaha. E ang gulo mo naman kasi. So bakit mo ako dinala dito?"

Nagtinginan lang kaming dalawa. Di sya umiimik kaya di rin ako nagsasalita.

"Ahm, Karen... pwede bang tulungan mo ako?" biglang sabi nya pero iwas ang tingin nya saken.

"Tulungan saan?" Anong tulong naman kaya?

"Kelangan kong mapapaniwala si Janella na may girlfriend na ako."

Ano raw yun? Paki-ulit nga? At sino naman si Janella?

"Okay lang bang magpanggap kang girlfriend ko hanggang sa makabalik sya sa Australia? Hoy Manok! Sumagot ka!"

Natauhan lang ako sa sinabi nya dahil inaalog-alog nya ang magkabilang balikat ko.

"Hoy Kar--"

"Ay kabayo kang bakulaw ka! Anu ba kasi yun? Teka nga Kit. Naguguluhan ako ha."

"Mga ilang weeks lang naman. Basta mapapaniwala lang natin sya." tapos umupo sya sa sofa at binuksan nya yung tv.

"Eh? Teka, pumayag na ba ako ha? Tsaka panu pag nalaman nina Yves. Tsaka panu pag nalaman sa school. Tsaka panu na lan--"

"Psst! Ang ingay mo naman oh. Nakailang tanong ka? Grabe ka talagang pumutak. Panu na lang pala kung totoong girlfriend kita? Dapat pala lagi akong may earphone sa tenga in case na pumutak ka na naman. Ahaha." tawa sya ng tawa nun. Bwisit lang kasi hindi ako makaangal sa kanya.

"Napaka mo talaga!" nakangusong sabi ko tapos dumiretso ako sa kusina. "Hoy Kit ha, di pa ako pumapayag!"

"Okay lang, alam ko namang papayag ka din! Ahaha! Anung gusto mong itawag ko sayo? Mahal kong manok? Pwede. Ahaha."

"Sige lang. Tumawa ka lang. Tss! Kainis!" bulong ko sa sarili. Lagi na lang nya akong pinagtitripan. Sino kaya yung Janella? Bakit pa namin kelangang magpanggap para dun? Hay! Naman oh.

<end of flashback>

Kaya yun, in the end napapayag nya din ako. No choice e. Kesa naman magpalimos ako sa kalye para lang may matirahan. Yan ang dahilan kung bakit magkasama kami. Deal namin tong dalawa. Kami lang ang may alam. Pero kelan ko makikilala ang Janella na yun?

Pumayag ba talaga ako dahil sa wala akong matitirahan o dahil palagay ko... mahal ko na sya? Ayy! Nu ba naman tong iniisip ko?

- x - x - x - x - x -

[Kit's POV]

Buti napapayag ko sya. Ito lang naman kasi ang alam kong way para mapalapit at maiparamdam kay Karen na mahalaga sya sakin. Natatakot kasi akong mapahamak sya kaya nag-insist na akong dun na muna sya tumira sa condo ko kapalit ng deal namin na magpanggap syang girlfriend ko. Totoo naman yung sinabi ko tungkol kay Janella. Sya kasi yung ex girlfriend ko na umaasa pading magkakabalikan pa kami. Childhood friend ko sya. Ever since, gusto na sya ng dad ko para sakin. Pero I don't love her. Gusto ko lang sya as a friend at hanggang dun lang yun.

Nagkalayo kami nung nag-migrate sila sa Australia at ako naman nag-aral sa New York. At ngayon nga na sinabihan ako ng dad ko na uuwi si Janella dito sa Pilipinas ay naalarma ako. Ayoko nang paasahin sya kaya ito lang ang alam kong solusyon.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" tanong ko kay Karen. Nakasakay kasi kami sa kotse ko. Yup, may kotse na ako. Regalo ng dad ko sakin para daw hindi na akong mahirapang magcommute.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon