Chapter 23 : Stolen Kiss

653 13 7
                                    

Di ko na matiis na di mag-update kahit di ko ma-reach yung quota. Tss.

.

CHAPTER 23

.

.

[Kit's POV]

.

"Oh manok? May prob---"

.

"Baku, bakit ganun? Huhuhu." bigla naman akong niyakap ni Karen. Nakasalubong ko kasi syang takbong-takbo kaya hinarangan ko sya.

.

"Oy, te-teka... Baka isipin ng iba na pinapaiyak kita," sabi ko sa kanya kaya bumitaw na din sya sa pagkakayakap. "Ano bang problema? Pinapairal mo na naman yang pagkaiyakin mo," pabiro pang sabi ko. Di kasi ako sanay na umiiyak tong babaeng to weh.

.

"Di naman ako iyakin nuh. Hmp," taz pinahid nya ang luha nya gamit ang kamay nya. "Nahihirapan na kasi ako para sa bestfriend ko."

.

"Hay naku, ba't ba kasi kayo nag-away?" tanong ko tapos naupo kami dun sa isang pavement sa giling nitong college building.

.

"Dahil kay Yves," sagot nya na ikinagulat ko.

.

Ikinuwento nya sakin lahat ng nangyari nung nasa Batangas kami. Kung panu nagbreak up sina Yves at Myrtle at pati na rin ang involvement nya dun sa dalawa.

.

Grabe, di ako makapaniwala sa ginawa ni Yves. Ang alam ko talaga, mahal na mahal nya si Myrtle. Sabagay, hindi naman mahirap mainlove kay Karen. Kahit pa putak yan ng putak na parang inahing manok... Aminado na ko sa sarili ko na gusto ko sya at higit pa dun, mahal ko sya.

.

"Galit na galit talaga nun sakin si Myrtle. Nalaman ko lang na dahil kay Yves nung sinabi nya sakin," paliwanag pa ni Karen.

.

"So anung plano mo?" walang kwentang tanong ko sa kanya.

.

"Ewan, di ko alam. Basta ang alam ko mahal ko ang bestfriend ko." nakangiting sabi nya. Hayy! Para talagang eng-eng ang babaeng ito. Nagtataka talaga ako kung panu to nakapasa bilang estudyante dito sa PBB University, take note: Accountancy pa ang course nya.

.

"Tss. Engot ka talaga," pang-aasar ko sa kanya.

.

"Hoy baku ha, tigilan mo ako. Pasalamat ka malungkot ako," tapos tumayo na sya.

.

"Hoy! Hoy! Teka, may atraso ka pa nga pala sakin ah?" pagpigil ko sa kanya.

.

"At anu naman yun?" obvious naman na nagmamaang-maangan syang walang alam.

.

"Anung pinag-usapan nyo ni Janella? At bakit sya umalis na ng Pilipinas na di man lang nagpaalam sakin ha?" tanong ko then tumayo na din ako para harapin sya.

.

"Wow lang ha, anu ka tatay nya na kelangan pa nyang pagpaalaman? At isa pa, bakla ka ba? Ba't pati pinag-usapan namin gusto mong malaman. Tsismoso. hmp," pataray na sagot nya este puro tanong pala.

.

Tss! Ayos talaga ang babaeng ito. Malungkot pa yan ng lagay na yan ha. Bilib talaga ako dito sa manok ko. Hehe.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now