Chapter 3 : Meet Yves Flores

1.8K 24 6
                                    

.

CHAPTER 3

.

Ang Nakaraan:

Pumasok na sa university sina Karen at Myrtle. Pagpasok nila ng gate ay may mga babaeng nagbubulungan at dinig nila na sila ang pinag-uusapan.

.

Ipinagtanggol naman ni Karen si Myrtle sa mga ito. Pero dahil sa pag-awat ni Myrtle kay Karen ay muntikan na silang mag-away dahil nagtampo si Karen sa kanya.

.

Agad din naman silang nagkapatawaran sa pamamagitan ng MAHIWAGANG HUG ni Myrtle kay Karen.

.

Kinahapunan, pauwi na sila ng makasalubong nila ang boyfriend ni Myrtle na si Yves.

_______

.

"Ehem, Bhest. Mukhang kelangan ko nang mauna pauwe." bulong ni Karen kay Myrtle nang makita nila si Yves.

.

"Huh? Pamaya na, sabay na tayo." sabi naman ni Myrtle na halatang kinakabahan.

.

"Ayoko nga, makakaistorbo pa ako senyo nuh." taas kilay na sagot naman ni Karen.

.

"Hi girls!" bati ni Yves sa kanila nang makalapit ito. Tinabihan nya ang gf nya na si Myrtle at... "Hi honey ko."

.

Kilig naman si Myrtle dahil halatang namula sya. >///<

.

"Ehem, ehem, ehem." si Karen yan tapos humakbang sya palayo sa kaibigan. "Una na ako at baka mamantal pa ako dyan. Ang daming langgam oh!" panunukso ni Karen sa bestfriend nito.

.

"Hep! At san ka pupunta ha Karen?" hinarangan ni Yves ng kanyang kaliwang braso ang bestfriend ni Myrtle.

.

Halatang nainsecure si Myrtle sa ginawa ni Yves kay Karen.

.

"Tseh! Alis nga Yves! Padaanin mo ako." tinabig ni Karen ang braso ni Yves at lumakad na sya palayo sa dalawa.

.

"HOY KAREN! IPAGKAKATIWALA MO BA TALAGA SAKIN TONG BESTFRIEND MO?" sigaw ni Yves kay Karen habang hawak ang kamay ni Myrtle.

.

"SIGE SUBUKAN MO LANG NA SAKTAN ANG BEST KO! MATA MO LANG YVES ANG WALANG LATAY!" malakas na sagot ni Karen na napatigil pero di nya nilingon ang dalawa sa halip itinaas nya ang kanyang kamao para takutin si Yves.

.

"KAREN! AHM TEXT MO KO PAG DUMATING NA SINA MOMMY AT DADDY HA! KAW NA BAHALA OKAY!" sigaw ni Myrtle sa bestfriend.

.

"OKAY BEST! AKO BAHALA PERO MAG-INGAT KA SA UNGGOY NA YAN HA!" nilingon at nginitian ni Karen ang kaibigan.

.

Nagpatuloy na sa paglakad si Karen pagkatapos nun. Naiwan naman sina Myrtle at Yves doon.

.

"Ah-eh, Yves, san tayo pupunta?" tanong ni Myrtle habang nakacling ang braso sa binata.

.

"Syempre sa lugar kung san masosolo kita." sagot ni Yves.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now