Chapter 20 : Letting Go

613 9 3
                                    

CHAPTER 20

[Kit's POV]

"Keith, masaya ako para sayo pero bakit ang torpe-torpe mo?"

"Hah?"

"Ahaha, you're not good in lying you know."

"Teka Janella, what are you talking about?" tanong ko kay Janella.

Andito kami sa veranda ng bahay nila. Nasa living room kasi si Karen dahil sabi ni Janella gusto nya akong makausap ng kami lamang dalawa.

"Alam mo Keith, you look so funny..." Ay taena! Anu bang sinasabi nya? Kung wala lang kaming pinagsamahan ng babaeng ito baka nasapak ko na ito. Pero syempre joke lang yun. Bigla namang naging seryoso ang tingin ni Janella sakin. "Why don't you tell her the truth?"

"Pwede ba Janella, di kita maintindihan."

"I already know the truth. Alam ko na wala talaga kayong relasyon ni Karen..." then sumandal sya sa may railing. "...and I know you're doing this because you wanted me to avoid you."

Natigilan naman ako sa sinabi nya. Pero panu naman nya nalaman? Di pa nga nagtatagal ang pagpapanggap namin ni Karen, buko na agad? Tae naman kasi si Karen, walang sweet bones sa katawan. Lagi pa akong sinisiko. Yun marahil kaya nabuko kami. Pero...

"Ahaha, nu ba yang sinasabi mo? Alam ko hindi talaga kami magkasundo ni Karen minsan pero mahal ko sya." ay yun oh, nasabi kong mahal ko si Karen. Hahaha.

"Alam ko namang mahal mo talaga sya pero ang tanong... Alam ba nya?" then tinalikuran nya ako at napatingin sya sa loob ng living room kung san nandun si Karen. "She's so innocent, ni hindi nya alam na gusto mo sya... Na gusto mo talagang totohanin itong pagpapanggap na ito." then napatawa sya.

"Anung nakakatawa?" I said sarcastically.

"Wala, ang torpe mo lang kasi. Di ko alam na ang playboy mula New York na gaya mo ay nahihiya sa girl na tulad nya. Ahaha."

"Pwede ba, di naman talaga yun ganun nuh. Okay, tutal alam mo na na hindi talaga kaming dalawa... Anung plano mo?" then humarap sya sakin pagkasabi ko nun.

"Plan? Hmmm. Wala, bakit? Gusto mo bang bumalik sakin?" she leaned closer to me tapos hinawakan nya ang balikat ko. "Ahaha, mukhang di na ito effective."

"Adik ka talaga Janella."

"Yah I know." lumakad na sya papunta sa loob ng bahay pero tumigil sya pagkahawak sa sliding door. "Keith, I'm letting you go." then dumiretso na sya papasok sa loob.

Nung sinabi ni Janella yun, napangiti ako.

.

"Ingat kayo Keith, Karen!" pagpapaalam ni Janella samin.

"Janella, thank you sa dinner ha. Ang sarap. Hehe." sabi naman ni Karen.

"Ay wait pala Karen. May nakalimutan pala akong sabihin sayo." napatingin naman ako kay Janella ng tawagin nya si Karen. "Oy Keith, umuna ka na sa kotse. This is a girl thing. Chupi! Hahaha."

Langya! Ginawa pa akong aso ah. Sinunod ko naman yung sinabi ni Janella kaya sumakay na ko sa loob ng kotse ko.

Anu naman kaya ang sasabihin ni Janella kay Karen? Taena! Ang daya talaga ng babaeng yun.

"Bye Janella!" sabi ni Karen pagkapasok nya sa loob ng kotse ko sa tabi ko.

"Bye Karen, ingat ka kay Keith ha. Hahaha." then nagwave si Janella samin at pinaandar ko na din ang kotse ko.

"Oy Manok, anung sinabi ni Janella sayo?" tanong ko kay Karen na kasalukuyang kumakaway padin kay Janella ng makalabas na kami ng gate ng bahay nila.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now