Chapter 19 : Bakit ba Minamahal kita?

843 13 10
                                    

This update is for MyrVes fans! Someone noticed kasi na lagi na daw si Karen at Kit ang ginagawan ko ng update. Well, mas kinikilig kasi ako sa kanila. Haha. Pasensya na if biased ako. Kwento ko ito okay. Haha. Peace yow! XDv. Okay, Just post your comment below whether you like this update or not. Haha. Vote na rin kayo para magkasundo tayo. XD lavyah all. <3

- x - x - x - x - x -

=Myrtle's POV=

Yun oh. Buti naman naalala pa akong gawan ng POV ni Ms. Author.

(gel: ou naman Myrtle. Pasensya na talaga. Di naman kita nakalimutan e. Nahihirapan lang talaga ako na gawan ka ng POV e. Haha.)

Okay, sige na nga. Well this time ako naman ang magbibida ngayon. Puro na kasi kayo Karen. Don't you remember na bida din ako sa story na ito?

Andito na ulet ako sa Manila. Back to reality and in a life without Yves. Well, kelangan lang na masanay na ako. Isa pa, kelan lang naman syang naging part ng buhay ko kaya I should move on.

Nag-enroll na ako kahapon. And this day is the first day of this school year. Fourth year na ako finally. I'm a graduating student and sooner or if I'll be lucky, my dream to be a CPA is not impossible for me to achieve.

"Hi Abigail. Muzta?" tanong ni Roy sakin. He's one of my classmate.

"Ah, okay naman. I'm fine. How 'bout you? Balita ko paggraduate mo this April kukunin ka na ng parents mo from abroad?" sagot ko sa kanya as I sit on my desk.

"Hehe. Oo nga e. Matagal pa naman yun. Ilang months pa yun." nakangiting tugon nya sakin. Ngumiti na lang din ako sa kanya kasi biglang dumating na yung prof namin.

Ayun, usual class hour ang lumipas. Medyo absent minded padin ako. Ewan ko ba, ba't ba kasi lagi ko syang naiisip? Hayy! Kainis. Ginulo-gulo ko ang buhok ko nun kaya napansin ako ng iba ko pang classmates.

"Myrtle, okay ka lang? Tara, sabay ka na saming maglunch." yaya sakin ni Janice.

"Okay lang ba talaga senyo?"

"Oo naman, classmates kaya tayo. Pwede mo rin naman kaming maging kaibigan nuh." sabi naman ni Angela.

Kahit papanu hindi naman ako nagmukhang loner nitong lunchbreak dahil nga kina Angela at Janice.

Sumabay na din ako sa kanila pagdating ng uwian nung hapon. Wala na kasi akong bestfriend na pwede kong makasabay. Namimiss ko rin kahit papanu ang bessy ko kahit na tinaraydor nya ako. :(

"Myrtle, boyfriend mo yun diba?" turo ni Janice kay Yves. Nakasandal kasi si Yves sa pader dun sa may gate. "Looks like na may date kayo ha?. Hmm. Sige, una na kami ni Angela ha."

"Ha? Hindi... Kasi..."

"Nu ka ba? Wag kang kabahan dyan. Kwento ka na lang tomorrow ha. Bye." sabi naman ni Angela at itinulak pa nya ako papunta kay Yves at umalis na sila.

Hindi nila alam na wala na kami ni Yves. Nasanay kasi sila na mga classmates ko na lagi akong hinihintay ni Yves kada uwian. Teka, ba't nga andito si Yves? Ako nga ba ang hinihintay nya?

Dumiretso lang ako sa paglakad na kunyari hindi ko sya nakita or napansin. Pero nagulat ako ng tinatawag nya ako.

"Myrtle! Wait!" ramdam kong papalapit na sya sakin kaya mas binilisan ko ang paglakad. "Myrtle! Sandali lang. Pwede bang mag-usap muna tayo?"

Naabutan nya ako nun tapos hinawakan nya ang braso ko.

"What do you want?" tanong ko nung tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko. Mas pinatatag ko ang loob ko na harapin sya. Ayokong mapansin nya na affected padin ako pag nakikita ko sya.

"Alam ko, hindi mo na ako mapapatawad. Pero please lang Myrtle. Sana lang... Yung friendship nyo ni Karen..."

"Pinapunta ka ba dito ni Karen para sabihin yan? Masaya na ba kayo sa nangyayari sakin ngayon ha?"

"Hindi Myrtle. Ako lang talaga ang may kasalanan sayo. Walang alam si Karen... Kaya please lang..."

"Pwede ba Yves. Tigilan mo na ako. Gusto mo siguro na ipaalam ko pa sa buong PBB University na wala tayo ano? Para malaya na kayo ni Karen sa gusto nyo. Pwes, magsama kayo. Wala na akong pakialam sa mga traydor na katulad nyo."

Dali-dali na akong tumalikod at tumakbo papalayo sa kanya. Anytime kasi tutulo na naman ang luha ko.

Tinawagan ko na kagad ang driver namin para sunduin na ako. Hindi naman na ako hinabol pa ni Yves kaya pagkadating ng sasakyan namin ay sumakay na kagad ako sa backseat.

Di ko na napigilan ang luha ko. Kusa na silang tumulo mula sa mga mata ko.

"Señorita, anu pong problema?" tanong sakin ni Manong driver.

Agad kong pinahid ng panyo ang mga mata ko. "Ah, hmm. Wala po. Napuwing lang po ako. Pwede po bang pakibilisan?"

"Ah, sige po Mam." hindi na nya ako kinulit pa at pinaandar na nya ng mas mabilis ang sasakyan.

Pagkauwe ko, umakyat kagad ako sa kwarto ko. Ito na naman ang pakiramdam na talagang kinaiinisan ko. Tumulong muli ang luha ko.

*Nakatulala , di alam ang gagawin Di ko maintindihan kung tayo pa rin Nalilito sa mga sinabi mo Akala ko ako lang ang siyang mamahalin mo Bigla kang nagbago, di ko alam ang dahilan Ako ba'y iiwan mo, di man lang nagpaalam...

...Bakit ba minamahal kita Bakit ba palagi mong sinasaktan ang puso Nababaliw pa rin ako sa 'yo Bakit ba minamahal kita Kahit aking nadaramang may mahal ka ng iba At parang bulag akong umaasa Bakit ba minamahal kita...*

Naiinis ako! Nilalamon na ang sarili ko ng inggit at galit ko kay Karen. Bakit ganun? Akala ko pa naman kaya sya lumapit sakin para sabihing nagkamali sya sa ginawa nya. Wala talaga. Hindi na nya ako mahal.

*...Nagtatanong kung ano ang gagawin Para magbalik sa 'kin ang dating pagtingin Umaasa na sana'y tayo pa Kahit ngayon ako sa yo'y parang balewala Bakit nagbago, di ko alam ang dahilan Di ko kakayanin , kung talagang magpapaalam...

...Bakit ba minamahal kita Bakit ba palagi mong sinasaktan ang puso Nababaliw pa rin ako sa 'yo Bakit ba minamahal kita Kahit aking nadaramang may mahal ka ng iba At parang bulag akong umaasa Bakit ba minamahal kita Bakit ba mahal kita Mahal na mahal kita.*

________

A/N: Tsk! Tsk! Ang drama ko talaga pag MyrVes ang inaupdate ko. Hayy! Nalulungkot talaga ako para kay Myrtle pero atleast ginawan ko padin sila ng update diba? Haha. XD

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now