Chapter 16 : Bestfriend

760 13 4
                                    

Tnx po sa patuloy nyong pagbabasa. Paumanhin lang po kung laging ang tagal kong mag-update. Alam nyo naman po ang buhay estudyante diba? Hehehe. Echoz lang. Medyo naguguluhan na ako sa flow nitong story kaya ayun pagpasensyahan na lang. Ahaha. XD

- x - x - x - x - x - x -

CHAPTER 16

>Yves' POV<

Hay! Ang tanga-tanga ko naman talaga. Dahil sa mga kagaguhan ko pareho silang nawala sa buhay ko.

*Tok! Tok! Tok!*

"Pasok!" tugon ko sa nakatok sa pinto. Andito kasi ako sa loob ng kwarto ko dito sa apartment ko.

"Hoy ungas! Walangya ka talaga!" bigla-bigla akong sinugod ng pinsan ko.

"Teka nga lang Kit, di ako makahinga," kinuwelyuhan kasi ako ni Kit kaya di ako makahinga. "Anu bang problema mo?"

"Problema ko o problema mo? Akala ko pa naman iba ka sakin. Mas matindi ka pa pala. Sinabi na sakin ni Karen ang totoong nangyari. Nagmukha tuloy akong tanga." bumitaw sya sa pagkakahawak sa shirt ko. "Ni wala akong kaalaman-alam sa mga nangyayari. Pinsan ba talaga kita?" biglang naging malungkot ang tono ng boses nya matapos lumayo sakin.

Anu kaya yung sinabi ni Karen sa kanya? Sinabi nya kaya yung tungkol sa pag-amin ko sa totoo kong nararamdaman para sa kanya? Pero bakit parang apektado masyado tong pinsan ko? May gusto din kaya... Teka, hindi pwede yun. Haixt. :/

"Kumusta na si Karen? Kamusta sila ni Myrtle?"

"Gago ka talaga. Syempre okay lang si Manok pero si Myrtle... Malamang hindi. Gaguhin mo ba naman." tapos bigla syang ngumiti ng nakakaloko. "Sino ba kasi yung babaeng nagugustuhan mo bukod kay Myrtle? Ang sabi kasi ni Karen may iba ka ng mahal kaya kayo nagbreak ni Myrtle. Akala ko nga nung una si Karen yun pero imposible kasi bestfriend lang turing mo dun diba?"

Hindi pala sinabi ni Karen na sya ang babaeng gusto ko. Marahil ayaw nya lang na malaman pa ng iba. Pero ayos na din siguro yun. Pero bakit masaya si Kit?

"Insan, alam mo ba... sa tingin ko... Gusto ko na si Karen." Nagulat ako sa sinabi nyang yun. M-may... gusto sya sa babaeng mahal at gusto ko din? Hay.

"Ah talaga insan? Alam na ba nya yan?" mapait na sabi ko.

"Hindi pa, pero ipaparamdam ko sa kanya na mahal ko sya." Humawak na si Kit sa door knob pero lumingon muna sya sakin. "Hoy nga pala, kita na lang tayo sa school. Mag-eenroll ka na din diba?"

"Ah... eh, oo. Sige insan." Pagkatapos nun ay lumabas na si Kit sa kwarto ko at naiwan na naman akong mag-isa.

Kelangan ko na nga pala ulit mag-enroll for this semester. Third year na ako, si Kit naman ay irregular second year kasi transferred student sya. Magka-year kami ni Karen, mas ahead naman si Myrtle samin na fourth year na. Ang bilis talaga ng panahon. Tsk! Kasing bilis ng pagbabago ng buhay ko. Ang buhay ko na sobrang komplikado. Iniisip ko tuloy kung panu ko haharapin ang dalawang babae sa buhay ko lalo na si Karen, ang BESTFRIEND ko.

Dali-dali akong naligo at nagbihis. Inayos ko ng konti ang buhok ko at nilagyan ko ng clay doh. Poging-pogi na naman ako. Haha. Masaya padin ako kahit may problema. Ganyan dapat, laging positive at good vibes. :D

Nagtungo kagad ako sa school at dumiretso na sa administration office.

Pumila ako dun at sakto dahil kakaunti lang ang nakapila.

"Karen Mae Reyes po." narinig kong sabi ng babaeng nasa harap ko, biglang lumukso ang dibdib ko sa tuwa marahil o sa kaba. "Thank you po." Lagot, tapos na sya. Ako na ang susunud ng biglang...

*boogsh*

Nabangga nya ako dahilan para maglaglagan ang kanyang mga gamit, yung envelope atska yung bag nya.

"Naku, sorry ha. Hindi ko sinasadya," sabi nya habang pinupulot ko ang gamit nya. Inabot ko yun sa kanya at, "Y-yves?" Nagulat sya ng makita nya ako.

(NP: Best Friend by Jason Chen) check nyo na lang ang video sa multimedia to hear the song. = x = x = > > >

*Do you remember when I said I'd always be there.

Ever since we were ten, baby.

When we were out on the playground playing pretend.

Didn't know it back then...*

"Ah eh... B-buddy," nauutal na sabi ko.

Natahimik kaming pareho. Iwas ang tingin nya sakin habang nakatingin ako sa kanya.

*...Now I realize you were the only one

It's never too late to show it.

Grow old together, Have feelings we had before

Back when we were so innocent...

...I pray for all your love

Girl our love is so unreal I just wanna reach and touch you, squeeze you, somebody pinch me

This is something like a movie

And I dont know how it ends girl

But I fell in love with my Best Friend...*

"Hoy, magreregister ba kayo o ano?" sabi nung registrar sakin.

"Ah... eh opo... Yves Flores po." Nag-antay ako na maisulat ang pangalan ko ng registrar at iniabot nya sakin yung enrollment form. "Ah, thank you po Mam." Pagkatapos nun ay agad kong hinanap si Karen. Umalis na pala sya.

Asan na kaya sya. Tsk. Ba't ba kasi nauutal ako pag kaharap ko sya.

Nilibot ko ang buong administration building pero di ko na talaga sya makita.

Natapos din ang enrollment ko. Hapon na kaya nagpasya akong umuwi na lang dahil di ko rin makita si Kit.

Naglalakad ako palabas ng gate ng makita ko sina Kit at...

"Nakapag-enroll ka na Manok?"

"Oo nga, ang kulit. Tsaka pwede bang Karen na lang? Kakairita ka talagang bakulaw ka."

"Hahaha, e ayaw mo din akong tantanan sa pagtawag mo ng bakulaw sakin e. Kagwapo kong toh para maging bakulaw nuh."

"Tsk. Ewan ko sayo. Ang yabang mo talaga. Bagay talaga sayong maging bakulaw. Hahaha."

"Ah ganun ha. Humanda ka sakin pag naabutan kitang Manok ka!"

"Belat! Mukha mo. Asa kang mahabol mo ako." Pagkatapos nun ay tumakbo na si Karen palayo kay Kit at hinabol naman sya nito.

Bakit magkasama sila? At bakit parang super close na sila parang kami lang noon ni Karen. Tsk. Nasasaktan ako pag nakikita ko silang ganyan kasaya. Sana ako na lang ang humahabol sayo Karen at sana huminto ka para maabot man lang kita. Tsk. Ang hirap.

*...Through all the dudes that came by

And all the nights that you'd cry.

Girl I was there right by your side.

How could I tell you I loved you

When you were so happy With some other guy?...

...Now I realize you were the only one It's never too late to show it.

Grow old together, Have feelings we had before

When we were so innocent...

...I know it sounds crazy

That you'd be my baby.

Girl you mean that much to me.

And nothing compares when

We're lighter than air and We don't wanna come back down.

And I don't wanna ruin what we have Love is so unpredictable.

But it's the risk that I'm taking, hoping, praying

You'd fall in love with your best friend.*

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now