Chapter 26

174 6 1
                                    

CHAPTER 26

.

[Myrtle's POV]

.

 "BESSY NOOO!!! Yves!!! Si Karen!!!" Napaluhod ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang bestfriend ko! TT_TT

 "Honey ko bakit?" tanong ni Yves pagkababa nya ng kotse.

 "S-si Karen... *sniff* N-nabangga sya ng kotse!" TT.TT

 Nakita ko si Yves na tumakbo papunta sa mga nagkakagulong tao sa pinagbanggaan ng bestfriend ko.

---

<PBB Hospital>

 "Oh God! Help my bestfriend please! *sniff* Please, bessy gumising ka," iyak ako ng iyak nung itinutulak ng mga hospital staffs ang stretcher kung san nakahiga ang bestfriend kong si Karen na punong-puno ng dugo.

 "Miss, dito na lang po kayo. Bawal na po sa loob," sabi naman nung nurse at nakita kong ipinasok na si Karen sa Emergency Room.

 "Myrtle, everything will be fine," malungkot na sabi sakin ni Yves tas inalalayan nya akong maupo sa upuan sa labas ng ER.

 "Yves... *sniff* H-hindi ko mapapatawad... *sniff* ...ang sarili ko pag may nangyari sa bestfriend ko, huhuhu," Sobrang sakit ng dibdib ko. Natatakot ako ngayon. Ayokong mawala ang bestfriend ko.

 Niyakap lang ako ni Yves at isinandal nya ang ulo ko sa dibdib nya kaya dun ako umiyak ng umiyak.

 "This is all my fault!" sabi ko pa. Pero hinahaplos lang ni Yves ang ulo ko.

 "Walang may gusto sa nangyari honey ko. It was an accident ok. Tumahan ka na. Magiging ok din si Karen. Trust her."

 "Nasan si Karen? Mga gago kayo!" sigaw ni Kit pagdating nya.

 "Insan, walang may gustong mangyari 'toh. K-kumalma ka nga!"

 pag-awat ni Yves kay Kit.

 "Wow lang insan! Kumalma ako? Bull shit! This is all your fault!" taz hinawakan nya ang kwelyo ni Yves.

 "Stop it Kit! *sniff* Ako may kasalanan. Tama na! Tama na! Huhuhu." hinawakan ko yung laylayan ng t-shirt ni Kit para awatin sya. Ramdam ko kung gaano din sya nag-aalala sa bestfriend ko.

 "Pag may nangyaring masama kay Karen! Kalimutan mo nang may pinsan ka!" bulyaw ni Kit pagkatapos nun ay binitawan na nya si Yves at bigla syang napasuntok sa pader. "DAMN IT! Dapat di na lang ako umalis kanina! Di sana to mangyayari! Putcha naman oh!"

 Di na nagsalita si Yves. Umupo na lang sya at sumubsob sya gamit ang dalawang palad at itinakip nya to sa mukha nya.

Si Kit naman, sumandal lamang sa pader habang nakatingala at nakatakip ang kanang braso sa mukha nya.

Di man nila ipakita, pero alam kong umiiyak sila. Di ko tuloy maiwasang sisihin ang sarili ko. Kasalanan ko to. Kung hindi ko sana sya tinawagan hindi to mangyayari. TT__TT

Ilang oras din kaming naghintay sa labas ng ER pero hindi pa din lumalabas ang doktor na tumitingin sa kanya.

---

 "Myrtle, anung nangyari kay Karen?" tanong nina Tita Claire at Ate Anikka. Tinawagan ko kasi sila kanina para ipaalam ang nangyari.

 "Tita Claire, s-sorry po... *sniff*"

 "Dahil ba sayo hah Myrtle? Sinasabi ko na nga ba eh. Anung ginawa mo sa anak ko?" umiiyak na sigaw ni Tita Claire sakin at pinaghahampas nya ako. "Di kita mapapatawad pag may nangyari sa kanya!"

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now