Chapter 18 : Meet Janella

835 10 3
                                    

CHAPTER 18

=Karen's POV=

"Ang lalim ata ng iniisip mo?"

"Huh?... Ah... eh... Hindi ah!"

"Weh? Iniisip mo ako noh? Wag kang mag-alala, katabi mo lang naman ako eh." then ngumiti na naman si Kit ng nakakasura. Tsk. Bakit kasi nahuli pa nya akong nakatulala?

"Tseh! Pwede ba? Hindi kita iniisip nuh. Nag-aalala ako para sa sarili ko. Kainis ka talaga."

"Okay." biglang naging malungkot ang boses nya.

Tahimik na naman kaming dalawa sa loob ng kotse nya. Nga pala, don't get me wrong at wag nyo kaming pag-iisipan ng masama. Isa lamang tong kasunduan kaya kami magkasama.

Inihatid na nya ako sa condo nya at sya naman ay umalis na din kagad pagkahatid sakin na hindi man lang ako inimikan kahit "goodbye" or "ingat" man lang. Bakit nga ba ako mag-eexpect ng ganun e hindi naman talaga kami. Isa lang tong simpleng deal at pagkatapos nito, back to normal na ulit kaya kailangan ko na talagang makahanap ng matitirhan in case na mangyari na yun.

___

Matutulog na sana ako ng biglang tumunog ang cp ko na nakapatong sa side table ng kama ni Kit. Yup, nakahiga na nga ako ngayon sa kama ni Kit. Yieeh! Kilig much! Mas okay sana kung magkatabi kami pero echoz lang. XD

1 message received:

Baku :p

yan ang nakalagay sa screen ng phone ko. Ahaha, si Kit lang pala. Baku kasi name niya sa cp ko.

Kinuha ko ang cp ko at inopen ko ang message nya.

From: Baku :p

Manok, be ready for tomorrow. I'll wait for you at the gate after class. Night.

Bukas? Sa gate ng school? Pagkatapos ng klase? Pero bakit kaya? Anu kayang meron? In fairness sa kanya ha, hindi sya jejemon kung magtext. Englishero pa. Haha.

Nireplyan ko sya ng "okay. Goodnight din" kaso di na sya nagreply. Malamang di na nga yun magrereply nag-goodnight na ako e atsaka tulog na din siguro yun.

____

Kinabukasan.

Isang nakakabagot na unang araw ng klase ang sumalubong sakin. Wala pang masyadong ginagawa dahil first day nga kaya puro pagpapakilala at pagpi-fill up lang ng class card ang ginawa namin.

Kinahapunan, mga 3pm natapos ang klase ko. Dumiretso na ko kagad sa gate at andun na nga si Baku este si Kit.

"Hay, mga babae nga naman talaga oo. Tss. Ba't ngayon ka lang? 1 oras na akong naghihintay sayo oh? Anung petsa na? Taena naman oh."

"Grabe ka naman! Sino bang may sabing mag-antay ka sakin? Sabi mo sakin sa text after class. O e kakatapos lang ng klas---"

Napahinto ako sa pagsasalita ng marealize kong hindi pala si Kit yung sinisigawan ko. May lalaki palang nag-aantay din sa gate sa girlfriend nya marahil. Pahiya much ako! Waaah! >3<

"Hoy Miss! Bakit mo sinisigawan bf ko hah?" Nangkupo! Patay, gyera ito pero syempre di ako papatalo pero, "At ikaw lalaki ka, sino may sabi sayong magreklamo ha? E anu kung late ako ha?"

"Ang tagal mo kasi babe eh. Pasensya naman. Tara na alis na tayo." sagot nung lalaki tapos inakbayan nya yung gf nya at umalis na sila kaya nakahinga na ko ng maluwag. Ayoko na kasing mapaaway. Ahaha.

"Karen, pasensya na... kung kaw pa ang naghintay sakin... Kakatapos lang ng klase ko e." sabi ni Kit habang hinihingal dahil sa pagtakbo.

Pagkaalis kasi nung dalawang magsyota ay naghintay pa ako dahil wala pa si Kit at eto kakarating nga lang nya.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora