Chapter 28

143 3 0
                                    

CHAPTER 28

.

[Kit's POV]

 Nakaupo kaming tatlo sa bench sa labas ng ICU at naghihintay parin kay Dr. Gallego. Halata sa itsura nina Myrtle at Yves ang pag-aalala nila sakin ng tingnan nila ako.

Lecheng buhay naman oh! Bakit di ako matandaan ng babaeng mahal ko?

 "May partial amnesia ang pasyente. May mga alaala syang hindi nya matandaan." paliwanag ng doktor paglabas nya ng kwarto.

 "Pero dok, kelan po sya makakaalala ng maayos?" tanong ni Myrtle.

 "Hindi ko yun masasabi sa ngayon. Nasa pasyente kasi nakasalalay kung gusto nyang maalala yung mga bagay na hindi nya matandaan. Ahm, please excuse me," dagdag pa ni Dr. Gallego at iniwan na nya kami.

 "Hindi na nya ako tuluyan pang maaalala pa," malungkot na sabi ko at bigla akong napaupo. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Pero ok na toh, atleast gising at buhay pa din ang mahal ko. Pero ang gago lang ng tadhana ah. Bakit sakin pa nangyayari toh? Dahil ba hindi ako naging mabuti sa kanya nun? Karma nga marahil toh dahil lagi ko syang inaasar. Sana pala dati ko pa ipinaramdam na mahal ko sya.

 "Kit, sorry talaga ha. Hindi ko gustong mangyari toh. Pero this is all my fault," naiiyak na sabi ni Myrtle nung tabihan nya ako.

 "Ok lang, tara, puntahan na natin sya," pilit na ngiting sabi ko tapos ay tumayo na ako at bumalik sa loob ng room ni Karen.

 ---

 Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakita kong mahimbing syang natutulog sa kama. Sobrang sakit siguro ng ulo nya dahil sa aksidente kaya talagang di nya ako maalala.

 "Hmm... Ano ginagawa mo dito?" tanong nya sakin paggising nya. Nakaupo kasi ako sa upuang katabi ng kama nya.

 "Hayaan mo lang ako Karen na bantayan ka," sagot ko at tinitigan ko sya ng straight sa kanyang mga mata.

 "T-teka l-lang, b-baket ka ganyan makatingin saken ha?" tanong nya tapos tumalikod sya ng higa.

 "Ah, wala lang. Masaya lang akong makita kang gising na Karen," sagot ko tas tumayo ako at lumipat sa sofa malayo sa kanya. "Tawagin mo lang ako pag may kelangan ka." Pagkatapos ay pumikit ako at nakatulog.

---

=Karen's POV=

 Sobrang sakit ng ulo ko pagmulat ko ng mga mata ko. Sobrang sakit din pati ng buong katawan ko. Teka ano ginagawa ko dito?

 "Bessy? Yves halika, gising na si Karen!" masayang sabi ni Myrtle.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now