Chapter 22: Yakap

632 22 13
                                    

A/N: Yieehh!!! Nalalapit na po ang pagwawakas nitong story na ito. Mga ilang chapters na lang kaya suportahan nyo sana hanggang sa huli.

.

Eto na ang POV ni Yves. Namiss ko sya grabe. Hehehe.

.

_____

CHAPTER 22:

.

[Yves' POV]

.

"Karen? Okay ka lang ba?" tanong ko kay Karen ng lapitan ko sya na nakaupo sa may bench sa tapat ng cafeteria at umiiyak. Sa totoo lang, ngayon ko lang syang nakitang umiyak ng ganyan.

.

"Y-yves?" tiningnan nya ko pagkatapos nyang pahiran ang mga luha sa mata nya at tumayo sya atsaka nya ko tinalikuran pero pinigilan ko sya bago pa sya makaalis. "B-bitawan mo ko. Please lang." binitawan ko naman ang kamay nya.

.

"Karen, sorry. Alam kong dahil sakin---"

.

"Oo dahil sayo Yves kaya di na kami pwedeng bumalik sa dati ni Bessy. Alam mo ba miss na miss ko na sya nang sobra?" sabi nya at pahakbang na sana sya palayo pero huminto sya ng magsalita ako.

.

"Alam ko yun Karen pero sana... Wag mo din akong layuan kasi miss na rin kita... Miss na miss ko na rin ang buddy ko."

.

"Gusto kong magalit sayo Yves kaya lang hindi ko kaya. Mas mabuti na layuan na lang kita kesa makita kong nahihirapan ang bestfriend ko. Please lang Yves, kalimutan mo na kung anu man yang nararamdaman mo para sakin. Siguro nalilito ka lang... Wag mo din sanang kalimutan na mahal na mahal ka ng bestfriend ko," atsaka sya naglakad palayo.

.

Siguro nga tama si Karen. Mas mabuti pang layuan na lang nya ako para maintindihan ko itong sarili ko. Sa totoo lang, naiinis ako sa puso ko. Minsan hinahanap nito ang kakulitan ni Karen pero mas madalas na naaalala nito ang paglalambing na tanging si Myrtle lang ang gumagawa sakin. Anu ba talagang ibig sabihin nitong nararamdaman ko?

.

Dismissal time na naman at lipad na naman ang isipan ko sa maghapon naming klase kaya di ko namalayan ang oras.

.

Lumabas na ako ng classroom at dumiretso sa locker room para iwan ang mga libro ko. Pagkatapos nun ay dumiretso na ko palabas ng gate. Sasakay na sana ako ng kotse ko ng mapansin ko si Myrtle at may lalaking lumapit sa kanya.

.

"Hi Myrtle! Ba't mag-isa ka lang?" tanong nung lalaki tapos inakbayan nya si Myrtle.

.

"Get off yours arms on me!" na-alarma ako ng pilit tinatanggal ni Myrtle ang pagkaka-akbay nung lalaki sa kanya.

.

"Ba't ka ba ganyan sakin Myrtle? Pakipot ka masyado e kaya ka siguro iniwan ng boyfriend mong si Yves nuh?" narinig ko namang binanggit nya ang pangalan ko. Teka sino ba ang ungas na lalaking yun? At bakit nya ako kilala?

.

Di na ko nakapagpigil kaya naman nilapitan ko na sila.

.

"Anu ba Roy? Bita---- Yves?!" nagulat si Myrtle ng makita nya ako at nagulat din ako sa ginawa ko.

.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now