Chapter 15 : Friendship Ends?

1.1K 21 27
                                    

Ganito na lang po. Para malaman nyo if buo na yung chapter, antayin nyo po na i-Vote ko muna sya bago nyo basahin. Thanks. :)

.

______

CHAPTER 15

.

=Karen's POV=

.

Grabe! Di ako makaget-over kay Manang Lydia! Pamaya isumbong pa nya ko kay Mama.

.

Papunta ako ngayon sa kwarto ni Myrtle. Ichi-check ko baka kasi kung napano na sya.

.

Nakarating din naman ako kagad. Andito ako ngayon sa tapat ng pintuan ng kwarto nya. Bubuksan ko na sana ang pinto kaso, "Bakit naka-lock? Bessy! Andyan ka ba sa loob? Si Karen to!"

.

Kinatok ko ng kinatok ang pintuan pero di man lang nya ko pinagbubuksan ni iniimikan.

.

*TOK! TOK! TOK!*

.

"Bessy! Uy! Buksan mo tong pinto! Masama ba pakiramdam mo? Gusto mo dalhan kita ng pagkain?" Okay, wala atang tao? Lang sumasagot e. "Yuhoo! Bessy! Are you there? Where na you? I'm he--"

.

"PWEDE BA KAREN! ANG INGAY MO! LEAVE ME ALONE!" uh-oh? Ba't sya galit?

.

"Oy Bessy! Galit ka ba sakin?" Ba't naman sya magagalit sa kin? Nu ba ginawa ko?

.

"PLEASE KAREN! I SAID LEAVE ME ALONE!" *Blag* pasigaw na sabi nya tapos parang may ibinato sya na kung anu sa pinto kaya natakot ako at nagulat.

.

"Bessy! Okay ka lang ba? Anu ba yung ingay na yun? Wag ka namang magalit sakin ng walang dahilan oh,"

.

"I SAID LEAVE ME ALONE! ARE YOU DEAF OR STUPID?! LEAVE ME ALONE!"

.

"GRABE KA NA MYRTLE HA! Di naman ako tanga para pagsabihan mo ng ganyan. Okay, kung yan ang gusto mo. Sige, aalis na ako." gusto ko ng lumuha that time. Pakiramdam ko ang sakit ng mga binitiwan nyang salita sakin. Ganun na lang ba kalaki ang galit nya para sigawan nya ako na bestfriend nya?

.

Tumakbo ako pababa ng hagdan. Ewan ko ba, para ata akong tanga. Di ko namalayan na nabangga ko na pala si Kit.

.

"Karen? Okay ka lang ba? Huy--"

.

Di ko pinansin ang mga sinasabi nya basta dire-diretso na lang ako hanggang sa makarating ako sa may garden tapos naupo ako dun sa bench.

.

Dun na nagsimulang magpatakan ang mga luha sa mga mata ko. Di ko na napigilan. Nasaktan kasi ako. First time lang na nasigawan ako ni Myrtle ng ganun. Ganito pala ang pakiramdam ng nasisigawan lalu na pag importanteng tao sayo. Siguro nainis na sya sa kakulitan ko, kasungitan ko maging ang pangingielam ko sa kanya kaya sya ganun kagalit sakin. Pero bakit ganun? Bakit ngayon lang sya nagkaganito sakin?

.

"Karen? Oy Manok! Umiiyak ka ba?" nakayuko ako nun at nakatakip ang mga palad ko sa mukha ko ng marinig ko ang boses ni Kit.

.

"P-pwede ba Kit! W-wala ako sa mood na makipaglokohan sayo. *sniff* O-obvious namang umiiyak ako diba?"

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now