Chapter 40

62.9K 1.3K 196
                                    

Jean Kaye Emerson

"I STILL can't believe it....may girlfriend na ako!" kinikilig ang pakiramdam ko habang sinisiko si Frances. 

Naka-upo kami dito sa labas ng convinience store habang nagmemeryenda.

"Anong bago don? Eh, halos hindi ka naman nawawalan ng girlfriend."

"Shut up! Hindi mo ba nage-gets? Girlfriend ko na si Mira, alam mo yon? Ang saya ng pakiramdam ko."

Napangiti ako saka ako kumuha ng potato chips na nasa table. 

"Ewan ko sayo, sa totoo lang naaalibadbaran ako pag nakikita kitang ganyan. Masaya ako para sa inyo ni Mira pero hindi ako sanay! Nakokornihan ako sa mga kinikilos mo."

"Ulol! Ngayon lang ako naging masaya ng ganito hindi mo pa ako susuportahan?!" sigaw ko dahil bigla na lang siyang umalis sa tabi ko at nagtungo sa kotse niya. Nakangiti pa siyang kumaway bago sumakay sa sasakyan niya. 

Gagong 'yon! Halatang nang-aasar lang, eh!

Pagkaalis niya tumayo na rin ako dahil kailangan kong bumalik ng Campus. Lumabas lang ako para kausapin si Frances kaso yong ulol na yon nakakainis, iniwan ba naman ako.

Pagpasok ko ng gate dumiretso ako sa Fine Arts Building, titingnan ko kung lalabas na si Mira ng classroom nila. Ihahatid ko siya pauwi, pasilip-silip ako dito sa may bintana ng classroom nila kaso di ko siya makita kahit na rin yong bestfriend niyang si Ems wala rin sa loob.

"Excuse me, nakita mo ba yong girlfriend ko?" tanong ko dito sa lalake na nakatayo sa may pinto ng classroom nila. Kaklase naman siguro niya ito, at mukhang natulala pa siya nong lapitan ko siya.

"Sino ba ang girlfriend mo?" nagtatakang tanong niya.

"Si Mira Jane." sagot ko habang pasilip-silip pa rin sa loob baka kasi natakpan lang siya ng mga dambuhalang kaklase niya.

Napatingin ulit ako sa kaklase niya dahil parang may napansin akong kakaiba.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

"Si Mira Jane girlfriend mo? Seryoso ka ba?"

"Oo, kasasabi ko lang di ba?" 

"Sinong tomboy sa inyo?"

Napaismid ako.

"Alam mo kalalake mong tao chismoso ka, no? Nasaan siya?"

Masasapak ko na to,eh!

"Hindi ko alam, baka nasa Men's Room." sabi niya sabay tawa.

Nginitian ko lang siya at bago pa siya makapagsalita ulit nakatikim na agad siya ng sapak sa akin. 

"Kinakausap kita ng maayos, kaya sumagot ka ng maayos!" 

"Hindi ko alam kung nasaan basta lumabas sila ni Emmie kanina ng classroom." sagot niya habang hinihimas ang ulo niya.

Tinginan ang mga kaklase ni Mira sa akin pero umalis na rin ako agad, nakakainit ng ulo!

Umupo na lang ako dito sa bench malapit sa classroom nila saka ko nilagay yong headset sa tenga ko at nakinig na lang ng music habang hindi pa siya lumalabas ng classroom nila. Naiba din agad yong mood ko nong makarinig ako ng rock music mula sa ipod ko.

Pumikit ako habang naghe-head bang.

"Emerson! Emerson!"

Hmmm? 

Napatingala ako nong maramdaman kong may kumakalabit sa balikat ko. Tinanggal ko yong isang earpiece na nakalagay sa kanang tenga ko nong makita ko si Rhima sa harapan ko.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon