Chapter 90

22.9K 691 57
                                    

Jean Kaye Emerson

EVERY MORNING nakagawian ko nang hintayin si Mira Jane dito sa tagpuan namin para sabay na kaming pumunta ng school or kahit wala akong klase andito pa rin ako para sunduin siya. Alam kong may hindi magandang nangyari kapag hindi siya sumisipot rito. Katulad ngayon mag-iisang oras ng naka-parada ang sasakyan ko rito pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko. Pero hindi lang iyon ang bumabagabag sa akin ngayon.

Isa na rin ang sinabi ni Dad.

Gusto niya akong malayo kay Mira Jane pero nag-aalalangan akong sumunod sa kagustuhan niya dahil baka pang sariling interest lang ni Dad ang iniisip niya dahil baka pag nalayo ako kay Mira Jane ay wala na akong balikan rito.

Paano kung magsawa si Mira Jane sa kahihintay sakin at maka-hanap siya ng iba? Paano ako kapag nangyari iyon? Ngayon lang ako nagmahal katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Paano ko makakayanan pag nawala siya sa akin?

Argh! Masakit sa utak ang pag-iisip katulad ng ganito.

Napasubsob na lang ako rito sa manibela at halos yakapin ko na ito.

Mira Jane asan ka na? Bakit ang tagal mo?

Tok! Tok! Tok!

Napasulyap ako sa kabilang pintuan nitong sasakyan nong marinig kong may kumatok sa bintana at automatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko nong makita ko si Mira Jane habang nakatayo sa tapat nito.

"Impakto! Sorry late akong nagising. Late tuloy akong bumangon."bungad nito pagbukas ko ng pintuan ng kotse.

Nabuhayan tuloy ako ng dugo pagkakita ko sa kanya.

"Malamang, may late bang nagising, na maagang bumangon?"sagot ko rito sakto naman ang pag-angkas nito at bigla na lang na hinampas ang braso ko ng librong hawak niya. "Late ka na nga mananakit ka pa."

"Sana hindi mo na ako hinintay. Kaya ko namang pumasok kahit wala ka."

Lumabi ako dahil sa narinig ko.

"Para mo namang sinabing kaya mong mabuhay kahit wala ako."

May pagtataka ang mga titig nito at sa huli ay ngumiti rin ito.

"Jean, bakit parang hindi ka pa rin okay? Ayoko pa namang nalulungkot ka impakto kasi pumapangit ka. Saglit! Siguro narealize mong hindi ako maganda at ang tingin mo sakin ngayon ay ang pangit pangit na. Iniisip mo ba kung paano ako iiwan na hindi ako masasaktan?"

Ako naman itong napangiti sabay singkit ng mata.

"Wala akong balak na iwan ka at isa pa, you're not ugly, Mira Jane."

"Assuus! Sinasabi mo lang yan kasi mahal mo ako."

"Of course not! Banyo queen the only thing that makes you ugly is the way you treat yourself. Hindi mo kasi na-a-appreciate kung anong meron ka sa halip lagi mong idi-na-down ang sarili mo."

"Feeling ko lang maganda ako kasi mahal mo ako."

"See? Ang baba ng tingin mo sa sarili mo. True beauty doesn't stop with just beauty face. Maraming magaganda diyan pero wala namang sex appeal."

"Uhh so sinasabi mo malakas ang sex appeal ko?"

Bigla akong natawa sa tanong niya sabay tango with matching kagat labi pa. "Sobrang lakas ng sex appeal mo, Mira Jane!"

"Alam mo Jean ang dapat na itawag sayo ay "bu-lero". Half bully, half bolero. Hep hep hep! Hindi lang pala iyon half babaero rin pala. Hmp bwiset ka!"

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon