Chapter 28

73.8K 1.2K 231
                                    

Jean Kaye Emerson

NAPAPANGITI ako pag naaalala ko yong gabing yon. Si banyo queen mismo ang humalik sa pisngi ko. Yieeee! Para tuloy akong tanga. Ganito ba ang feeling ng baliw? Well, dati na akong baliw pero iba to sa tingin ko. Kakaiba, ngayon ko lang naramdaman to. Sa buong buhay ko wala ni isang babae ang nagpadama sa akin ng ganito kasayang feelings. Ano bang meron sa babaeng yon at nagagawa niyang lituin ang isip ko, at ngayon napapangiti ako ng dahil lang sa isang halik sa pisngi ko. Kung tutuusin ang dami ko ng nahalikang babae at marami na ring humalik sa akin pero yong kiss na yon....grabe ang epekto para akong nakadrugs!

"Ano ang nasa likod ng mga ngiting iyan?" si Jo.

Umiling-iling ako habang nakangiti.

"Mukhang nakatikim ka ng sampung babae kagabi ah. Sabay-sabay ba?"

Natatawa ako dito kay Jill.

"Ulol!" sabi ko sa kanya.

"Eh bakit pala napapangiti ka?"

Curious tong dalawa.

"Wala naman happy lang ako." sagot ko. Kakantsawan na naman kasi ako ng mga to pag nalaman nilang si Mira ang dahilan ng mga ngiti kong ito. Bakit kasi ganito? Bakit ko ba nararamdaman ang ganito?

"Babaero ka Jean! Babae na naman yan no?! Ayusin mo na yang buhay mo!"

"Kung makapagsalita ka Jo parang ang ayos ng buhay mo ah!"

"Bakit? Maayos naman ah tsaka hindi ako gaya mong babaero!"

"It's not my fault that those women got attracted to me."

"Wiiiiw kapal! Lakas ng hangin. Grabe na to!" natatawang sabi ni Jill. Ulol din siya eh!

Hay bahala nga sila! Basta ako masaya ngayon!

Maalala ko nga pala.

Banyo queen....

Iyon ang tawag ko sa kanya dahil sa banyo unang nagkrus ang aming mga landas, siya ang nagiisang babae na may lakas ng loob para sampalin ako. Siya rin ang pinakasimple sa lahat ng nakilala ko, yong tipong parang bibili lang ng suka ang porma, pero hindi siya yong tipo ng babae na tatanga-tanga kahit tamad siyang mag aral. Palaban siya at may something sa kanya na dahilan ng pagiging baliw ko ngayon. Hindi ko alam kung anong meron siya pero nagawa niya akong pangitiin ng ganito.

Wiiiiiw!

Naghihintay lang kami na matapos ang huling subject at uwian na namin. Ako naman tong hindi na talaga mapakali dito sa upuan ko kaya nong tumunog ang bell agad akong tumakbo palabas ng room, nagpaalam lang ako sa tatlo saka dumiretso sa classroom nila Mira. Buti at naabutan ko siyang papalabas pa lang ng door.

"Hi." bati ko sa kanya.

"Hello Jean Kaye! Kumusta?" si Emmie yong bestfriend ni Mira na biglang sulpot sa likuran niya. Siya yong pumansin sa akin. Si banyo queen napatingin lang.

"Okay naman ako."

"Susunduin mo ba si Mira?"

"Ha? Ahh.." hindi ako nakasagot at napansin ko naman yong pagsiko ni Mira sa kanya.

"Mabuti pa ngang ihatid mo na lang itong bestfriend ko para hindi na araw-araw nagco-commute. Kawawa naman."

"Bwisit ka Ems!" narinig kong pag angal ni banyo queen. Napangiti tuloy ako. Sigurado akong ramdam ni Emmie kung ano ang intensyon ko kay Mira dahil kakaiba ang mga ngiti nito, agad kong hinawakan yong kamay niya saka hinila.

"Thank you ha?" sabi ko sa bestfriend niya at ngumiti naman ito sakin.

"Jean ano ba? San mo na naman ba ako dadalhin?"

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon