Chapter 100

20K 649 85
                                    

Jean Kaye Emerson

ABALA ako sa pagtitig kay Mira Jane habang mahimbing itong natutulog sa tabi ko.

Ito yong tinatawag nilang LOVE. Lahat ng simpleng bagay ay nagagawa mong ma-appreciate dahil sa tinatawag nilang Love. Katulad ngayon, hindi ko maikukumpara ang kahit anong mamahaling bagay sa simpleng pagtitig sa taong mahal ko.

Inubos ko ang oras ko sa pagtitig sa kanya hanggang sa magising ito at magyaya nang umuwi.

Tinuturing ko na isa itong makabuluhang araw dahil nakasama ko si Mira Jane sa Yacht.

Gumagaan ang loob ko pag nakikita ko sya. Ang babaeng iyon lang nakakapawi ng kahit anong sakit at bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Pagkatapos ko siyang maihatid ay dumiretso na ko sa Bar ni Yana. Nandon kasi si Jo. Sabi nito gusto niya akong makausap.

Isang invitation ang inabot sa akin ni Jo pagdating ko rito sa Bar ni Yana.

Binuksan ko at galing kay Bong Carlos. Ibabato ko sana sa basurahan nong pigilan ni Jo ang kamay ko.

"Don't throw it. Kailangan nating pumunta roon."

"For what! Isa itong basura."

"Narinig ko pupunta rin dyan si Mira Jane."

"What?! Anong gagawin niya roon?"

"I don't know. Pero isa siya sa mga mahalagang bisita ni Bong sa event na iyan."

"That bastard! Nasaan ba si Ellaine? Kailangan ko syang makausap."

Bago pa mangyari yang event na yan ay kailangan mapatahimik ko na yang Bong na iyan.

"Nasa bahay lang yon nagpapahinga. Sobrang taas ng lagnat niya noong isang araw."si Yana.

"Ganon ba. Nilalagnat din pala yong suso na iyon."

"Syempre, ikaw nga na demonyo umiiyak din pala, si Ellaine pa."sagot ulit ni Yana.

Bwiset tong si Yana. Papansin!

Nagusap kami ni Jo na puntahan si Ellaine dahil may niluluto kaming plano para pabagsakin si Bong. Sinama namin si Frances para magdrive ng kotse kaya mag isang naiwan ni Yana na nag aayos sa Bar niya.

Huminto kami rito sa tapat ng gate ng bahay nila Ellaine at hinintay na lang siya na pumunta rito. Ilang sandali lang ay nakita na namin na papalapit na sya.

"How are you?"bungad ko kay Ellaine pagpasok niya rito sa sasakyan.

"I'm already feeling better."sagot nito.

"Good."

"Look at my face. I'm not pale anymore."sabi pa nito pagharap sakin.

"Mukhang okay ka na nga. Daldal mo, eh."

"Yeah! Ohh wait, ano bang emergency rito at bigla niyo akong na-miss?"

"Ikaw."sagot ko.

"Me?"

"Yes you, kailangan ko kasi ng tulong mo."

"Really? Wow! Anong klaseng tulong? Mukhang magkakaroon na ako ng silbi sayo at kakailanganin mo ang tulong ko."

"Kasi ikaw lang ang fit sa mission na ito."

"Talaga?"

Halatang natutuwa pa siya.

"Don't laugh!" Sigaw nito kay Frances na siyang driver namin. "So anong gagawin natin?"

"Later. Ipapaliwanag ko sa iyo."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon