Chapter 49

47.3K 1.2K 216
                                    

Jean Kaye Emerson

"Jean, may plano ka bang magpakamatay sa gutom? Kahapon ka pa hindi kumakain."

"I'm not hungry." Maiksing sagot ko kay Frances.

Tulala ako habang nakatayo dito sa veranda ng kwarto kung saan kasama ko ang mga kaibigan ko. Kumpleto kami ngayon dahil kasama na ulit namin si Jill. Gayun pa man, hindi ko magawang maging masaya ng lubusan dahil sa biglang pagbabago ni Mira Jane.

"Kailangan mong kumain kahit konti lang." pilit niya sa akin.

"Leave me alone. Gusto kong mapag-isa."

"Hay naku, pagkatapos magka-ayos ni Jill at Anne kayo naman ni Mira Jane, parang tele-serye lang ah. Puro talaga kayo kadramahan."

"Shut up!"

Matalim ang mga tingin ko kay Frances dahil ayaw netong manahimik.

"Okay, sorry naman! Ano kaya kung kausapin mo muna siya? Mas mabuting iyon ang gawin mo kesa naman magmukmok dito at walang ginawa kundi ang maglasing."

Napapa-iling lang ako habang iniikot-ikot sa kamay ko ang basong may lamang wine.

"I'm not drunk. Isa pa, paano ko siya kakausapin? Hindi ko nga alam kung anong kasalanan ko sa kanya para iwanan niya ako ng ganon-ganon lang."

"Sigurado ka ba? Baka naman may iba kang kasamang babae at nakita niya kayo kaya siya nagkakaganon?"

"I'm not stupid para gawin iyon. Mula maging kami never na akong nakipag-flirt sa kahit sinong babae. Seryoso ako sa kanya, alam niyo yan. Nagbago ako ng dahil sa pagmamahal ko sa kanya."

"Huwow! Pag-ibig na nga 'yan!"

"Titigil ka ba o ibabato ko sa pagmumukha mo tong hawak ko!" sigaw ko sa kanya.

"Relax! Eto naman di na mabiro, oh!."

"Shit!"

Hanggang sa mga sandaling ito masama pa rin ang loob ko at parang sasabog ang dibdib ko pag naaalala ko yong ginawa sa akin ni Mira.

Ganon lang ba kadali para sa kanya na iwanan ako? Ganon ba ako kawalang halaga sa kanya na basta iiwanan na lang? Damn it!

"Siguradong may dahilan siya kung bakit niya ginawa yon and I'm sure masakit din para kay Mira na gawin iyon. Wala lang siguro siyang choice. Ang una mong gawin ay alamin kung anong dahilan niya para malinaw ang lahat. Hindi yong nagmumukmok ka dito ng hindi mo naman inaalam kung bakit siya nagkakaganon."

Napakuyom ang kamay ko.

"Siguraduhin lang niya na matatanggap ko ang dahilan niya dahil kung sinadya niya akong saktan pagsisisihan niya! Pagsisisihan niyang sinaktan niya ako!!!! Damn!!!"

Hindi na ako nakapagpigil pa, hinagis ko ng buong pwersa ang hawak kong baso. Narinig ko na lang ang pagtama nito sa pader.

Taas baba ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang mga bubog na nagkalat sa sahig.

"Jean, huminahon ka nga!Tatawagin ko si Jo para samahan ka."

"France'!" tawag ko sa kanya nong akmang palabas na siya ng pinto.

"What?"

"Hayaan niyo lang ako. Problema ko 'to. Wag kayong Makiki-alam."

"Pwede ba kaming hindi maki-alam? Ni hindi ka nga kumakain."

"Kakain ako kung kailan ko gusto. Umalis ka na...."

"Okay okay." Saad niya habang nakataas ang dalawa nitong kamay.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon