Chapter 86

28.9K 787 76
                                    

Mira Jane Garcia

Katatapos lang ng klase at nadatnan ko si Jean Kaye na naghihintay sa labas ng pintuan ng classroom namin. Mukhang masaya ito dahil hindi magkasalubong ang mga kilay nito.  Maaliwalas ang mukha niya at paglapit ko sa kanya ay napangiti agad ito.

"Bakit parang masaya ka?"tanong ko habang isinasara ang zipper ng bag ko. Hindi ko na kasi ito masyadong naayos kanina dahil sa pagmamadali kong lumabas ng classroom.

"Kailan ba ako nagmukhang malungkot tuwing nakikita kita? Lagi kaya akong masaya kapag magkasama tayo."

"Sus nambola ang impakto. Di ka nga malungkot lagi ka namang galit." saad ko sa kanya sabay sukbit ng bag sa balikat ko.

"Hindi kaya ako nagagalit. Akin na yang bag mo ako na ang maghahawak."

"Hindi na kaya ko naman."

"Sige na. Para naman mapagsilbihan ko ang gelpren ko."

"Huwag na ako na lang. Hindi ko naman ikakakuba ang pagbubuhat ko ng bag ko 'no."

"Bakit yong ibang babae pinapabuhat yong bag nila sa dyowa nila bakit ikaw ayaw mo? Napaka arte mo bubuhatin ko na nga, eh. Tandaan mo isang Jean Kaye Emerson ang magbubuhat ng bag mo."

"Oo alam kong ikaw ay Emerson at isa kang impakto."

Natawa ako nong biglang naningkit ang mga mata niya.

"Bahala ka nga kung ayaw mo. Ang sweet sweet ko na nga ang arte arte mo pa. Siya nga pala gusto kang makita ni Ivan."

Napangiti ako ng todo sa sinabi niya.

Si Kuya Ivan gusto akong makita?!

"Saan daw kami magkikita ng Kuya mo?"

"Anong kayo? Kasama ako 'no! Nasa labas lang siya ng campus."

Naexcite tuloy akong lumabas ng campus dahil sa sinabi niya.

"Tara na Jean puntahan na natin siya."

"Halatang mas excited ka pang makita siya kesa sakin? Hoy! Mira Jane, may kasalanan ka pa sakin. Iniwan mo akong mag isa pagkatapos mong kumain ng burger! Hey?!!!"

Di ko na siya pinakinggan. Dire-diretso akong lumabas ng gate. Makikita ko ulit si Kuya Ivan. Yong guapong kapatid ni Jean!

Si bayaw! 

Konting tiis na lang bayaw papunta na ako riyan. Wag kang maiinip. Makikita mo na rin ako!

Paglabas na paglabas ko pa lang ng gate nakita ko na agad si Kuya Ivan na nakatayo sa gilid ng kotse niya. Halos mapalundag ako sa tuwa nong makita ko ulit siya.

"Kuya Ivan!"sigaw ko saka ko binilisan ang lakad papalapit sa kanya. Ayaw nga pala niyang matawag na Kuya. "Ivan!" tawag ko ulit sa kanya.

"Hi, MJ. Nice to see you."sabi nito paglapit ko sa kanya.

Bumeso ito sa akin at pagkatapos non ay yumakap ako sa kanya. Ang bango naman. Ang lapad ng dibdib niya. Ang pogi talaga! Jusko!

Kung siya siguro ang boyfriend ko welcome na welcome siya sa bahay namin.

Nangangarap na naman ako ng gising. Patay na naman ako sa impakto.

"Ahh ahh aray!" 

Naramdaman ko na lang na may humila sa buhok ko.

Napalingon ako sa likuran ko.

Ang impakto! 

Sabi ko na nga ba siya ang sumasabunot sa buhok ko.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon