Chapter 58

46.2K 1.1K 198
                                    

Mira Jane Garcia

"READY ka na?"

Tanong ni Jean pagpasok ko ng kotse niya.

"Wow! Bakit ang seksi mo impakto?"

Hindi ko pinansin yong tanong niya dahil pagpasok ko ng kotse niya namangha agad ako sa itsura niya. Naka-tube dress siya ng kulay berde habang ang buhok niya ay nakalugay at medyo kinulot sa dulo. Lalong bumagay sa kanya ang bagong kulay ng buhok niya na light brown. Lutang na lutang tuloy ang kaputian niya lalo na ang legs niya dahil pencil cut ang suot niyang dress.

Kahit sino atang maligno ay mapapalunok sa kaseksihan ng impaktong 'to. Ang hot niyang tingnan.

Oh Mira Jane. Natotomboy ka na talaga!

"Matagal na akong seksi. Ang problema kasi sayo napaka-conservative mo. Hindi mo ine-explore ang katawan ko. Mukha naman akong yummy, di ba?"

Natatawa ako na ewan dahil sa tanong niya.

Oo yummy at totoo ding conservative ako kasi never ko namang inimagine na makikipag-make love ako sa isang babae. Hanggang sa dumating 'tong impaktong 'to at nangyari ang hindi ko inaasahan sa pagitan naming dalawa.

"Walang halong biro Jean ang ganda at ang seksi mo parang nakakahiya tuloy tumabi sayo."

"Bakit naman?"tanong niya sabay pisil ng baba ko.

"Kasi iba ka. Ibang level yong class ng beauty mo. Napaka....hmmm napaka....seductive mo."

Halatang natawa ito sa sinabi ko.

"Well, ganon talaga ang buhay. Minsan kailangan ko pang magdamit ng seksi para mapansin mo. Baka nga kahit maghubad ako sa harapan mo langawin lang ako."

Ako naman 'tong natatawa ngayon.

"Ano ka. Napapansin naman kaya kita lagi. Tsaka hindi ka naman lalangawin kasi nga ang bango-bango mo."

"Tsk tsk tsk! Wala ka man lang bang kahit konting bahid ng kahalayan sa katawan mo ha banyo queen?"

"Ha?"

Bigla akong napaisip saka ko hinagod ng tingin ang buong katawan niya.

May pinapahiwatig ba siya?

"Basta ang seksi mo at Oo yummy ka."

Yong ngiti niya abot na hanggang tenga.

Impaktong 'to. Kahalayan lang pala talaga ang nasa isip niya.

"Marunong ng mambola ang banyo queen ko. Pero bago ka pa tuluyang maglaway dahil kanina ka pa nakatitig sa alindog ko gusto ko isuot mo 'to."

Inabutan niya ako ng isang malaking paper bag.

"Para saan 'to?"tanong ko sabay silip sa laman ng paper bag.

"Para sa pupuntahan natin."

"Bakit kailangan ko pang magpalit? Hindi ba pwedeng ganito na lang ang suot ko?"

Naka tight jeans lang ako tsaka blouse na hapit sa katawan ko.

"Basta isuot mo na lang yan." Pilit niya sa akin.

"Okay. Pero saan ako magbibihis?"

"Dito na lang."

"Huh? Ayoko nga."reklamo ko.

"Akala mo naman sisilipan kita. Dali na, gusto mo pumikit pa ako."

Natatawa akong hinampas yong braso niya kasi pumikit nga siya pero isang mata lang niya.

"Tumalikod ka impakto. Ang hilig mo talagang mamboso."

Napakapilya ng tinggin niya sa dibdib ko pero sumunod din naman siya.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon