Chapter 36

57.8K 1.2K 79
                                    

Mira Jane Garcia

NAKATANAW ako dito sa may bintana habang nakatingin sa labas kung nasaan ang sasakyan ni Jean. Hindi ko inaasahang kusa akong kikilos para halikan siya sa pisngi, pero hindi naman 'yon ang unang pagkakataon na gawin ko iyon pero kakaiba yong nangyari kanina. Ramdam na ramdam ko siya, sa mga halik niya nalalasahan ko ang bawat sulok ng labi niya at yong init ng hininga niya na halos ikabaliw ko pag nalalanghap ko.  May mga pagkakataon talaga na hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil lalong umuusbong yong kakaibang nararamdaman ko para sa kanya na matagal ko ng pinipigilan. Pilit ko 'yong nilalabanan dahil alam kong hindi iyon tama. Pero kahit anong gawin ko hindi ko maikubli ang damdamin na iyon.  Kapag nakikita ko siyang malungkot katulad kanina  hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa puso ko at pag nakikita ko siyang masaya lihim akong natutuwa. Habang tumatagal lalo akong nasasanay na nasa tabi ko siya.

"Oh, anak hindi ka pa ba lalabas diyan? Naghihintay ata si Jean sa labas."

Natigilan ako sa pag-iisip nong magsalita si Mama.

"Sige po Ma magbibihis lang po ako saglit."

Lumayo ako sa may bintana saka ako nagbihis. Naabutan ko pa rin si Jean na naghihintay sa loob ng sasakyan niya na todo ang ngiti sa mukha nong makita akong papalapit sa kanya. Parang hindi siya napapagod na kasama ako. Ganito ba talaga siya? O talagang ganito lang lahat ng katulad niya? Sa totoo lang nageenjoy naman akong kasama siya, hindi ko lang maamin sa sarili ko dahil ang nasa isip ko palagi ay baka nagbabait-baitan lang siya sa akin.

Nasa biyahe na kami. 

Patingin-tingin ako sa kanya at ganon din siya sa akin saka niya ako ngingitian. Shucks! Ewan, pero nakakaramdam ako ng kakaiba pag nginingitian ako ng impaktong to! 

Nabuang na ata ako!

"Hmmm." 

"What?"

"Anong 'what' ?" tanong ko.

"You're Hmm-ing. Alam kong may gusto kang sabihin kaya sabihin mo na."

"Wa-wala naman." sagot ko.

Ang totoo may naiisip akong sabihin sa kanya kaso nagmamaneho siya kaya minabuti ko na lang na hindi sabihin sa kanya. Tahimik kaming pareho sa biyahe hanggang sa makarating kami dito sa bahay nila.

"Mira, nagkita ulit tayo. Kumusta ka na?" tanong sakin ng kaibigan ni Jean. Kung hindi ako nagkakamali siya si Yana, yong may-ari ng bar na pinuntahan namin noon.

"Okay naman ako. Ikaw kumusta ka na?"

"Same old me." sagot niya sabay lapit ng bibig niya sa tenga ko. "Tingin ko nababaliw na tong kaibigan namin sa 'yo." 

"Hoy Yana! Anong binubulong-bulong mo diyan?!" 

Napaka-alisto ng utak ni Jean naisip agad niyang siya ang ibinubulong ni Yana sa akin. 

"Wala naman. Ang sabi ko lang kay Mira, she's so lovely."

Napangiti tuloy ako nong maningkit ang mga mata ni Jean. Agad niya akong hinila palayo kay Yana at paglapit namin sa ibang kaibigan niya  isa-isa na silang bumeso sa pisngi ko. Pinakilala ulit nila ang mga sarili nila sakin, si Frances, Atasha, Ellaine, Jo at Jill.

"Masanay ka na sa mga kaibigan ko, mula ngayon kaibigan mo na rin sila. Okay? So pag may problema ka at di mo ako mahagilap andiyan lang sila lagi for you." 

Tumango lang ako sa sinabi ni Jean. Ang babait nga naman ng mga kaibigan niya, sila pa ang nagbigay sakin ng food habang si Jean nama'y kinuhanan ako ng maiinom. Mabait din talaga ang impaktong ito, eh. Maliban sa nakakabuwiset na pang-aasar niya sa akin at kayabangan niya wala naman akong ibang mairereklamo sa kanya, kung tutuusin sweet din naman siya.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon