Chapter 94

19.3K 696 69
                                    

Mira Jane Garcia

Maghapon akong wala sa sarili. Naiisip ko kasi si Jean Kaye.

Hanggang sa natapos ang lahat ng klase namin at umuwi ako ng bahay.

Papasok pa lang ako ng gate ay napansin ko na si Kuya Seg na nakatayo sa may pintuan ng sala.

"Mira diretsahin mo nga ako. Kayo pa ba nong Emerson na yon?"

Papasok na ako ng bahay nong harangin ako ni Kuya.

Anong problema niya? Kaninang umaga ang bait niya sakin. Ngayon para na naman siyang dragon. Ito talagang Kuya ko di maintindihan.

"Mira tinatanong kita! Kayo pa ba ng Emerson na yon?"

Tahimik lang ako.

Hindi ako sumagot sa kanya.

"Ano ba talaga? Kayo pa rin ba? Sumagot ka nga!"

Tikom ang bibig ko pero may kung anong boses ang nag uudyok sa akin na sabihin sa kanya ang totoo.

Napatingin ako sa mata ni Kuya at halatang naghihintay ito ng kasagutan.

"Opo.."biglang sagot ko.

Hindi ko na mababawi ang sinabi ko. Nasambit ko na ang salitang maaaring ikagagalit niya.

Gusto ko sanang ikaila pero hindi ko iyon magawa. Sa pagkakataong ito hinihintay ko na lang na bulyawan ako nito.

Napapailing ito na para bang hindi makapaniwala, halos suntukin niya ang pintuan pero halatang nagpipigil ito.

"Ilang beses na kitang pinagsabihan na layuan mo na siya. Pero ang tigas tigas ng ulo mo."

Tahimik lang ako habang nakikinig sa sinasabi niya.

Nakapamaywang ito at paminsan minsan ay napapahawak ito sa noo niya na para bang sinasabi niya na sakit talaga ako sa ulo.

"Mira, alam kong masasaktan ka pero hindi ko na kayang tiisin pa ang panloloko sa iyo ng Emerson na iyon at walang dahilan para pagtakpan ko ang kagaguhan na ginagawa niya sa iyo."

Kung kanina ay hindi ko magawang tumitig sa mga mata ni Kuya Seg dahil sa takot, ngayon naman ay para bang automatiko ang mga mata ko na tumingin sa kanya para linawin ang mga salitang binitawan niya.

Hindi ko man lubos na maintindihan ang sinasabi niya. May kung anong mensahe ang pilit na pumapasok sa isipan ko.

May ginawa ba si Jean Kaye na hindi maganda?

"Ayan! Basahin mo yan. Para malaman mo ang katotohanan. Siguro nga ibinigay talaga sa iyo iyan para magising ka na. Para matauhan ka, na yang Emerson na mahal mo ay isang manloloko."

Inabot sa akin ni Kuya ang magazine na hiniram niya sa akin.

Ayoko sanan itong kunin kaso parang may nag-uudyok din sa akin na kunin ito.

Namalayan ko na lang na hawak ko na ito at dahan dahang binubuklat.

"Mira, engaged na si Emerson kaya hiwalayan mo na siya. Niloloko ka lang niya. Pinaglalaruan lang niya ang damdamin mo at hinding hindi ko mapapatawad ang taong iyan."

Hindi ako naniniwala sa sinasabi ni Kuya. Hanggang sa matigil ako sa isang pahina. Kung kanina ay blanko ang isipan ko ngayon ay para bang pigil ang hininga ko at napakagat na lang ako sa labi ko kasabay nito ang panlalamig ng buong katawan ko nong makita ko ang picture ni Jean at ni......

Basta na lang dumulas sa kamay ko ang hawak kong magazine at nahulog ito sa paanan ko, noo'y nagsimula na rin ang pamamasa ng mga mata ko.

Parang sa isang iglap ay nawalan ako ng lakas.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon