Chapter 95

20.3K 774 83
                                    

Mira Jane Garcia

"Class dismissed!"

Parang naubos lahat ng lakas ko ngayong araw na ito. Lihim akong napapaiyak kahit may mga klase kami. Hindi kasi nawawaglit sa isip ko ang balitang iyon.  Paulit-ulit na lang itong pumapasok sa isipan ko.

Engaged na si Jean Kaye kay Bong Carlos.

Ang sakit isipin na yong taong mahal mo ay nakalaan pala para sa iba.

Kung kailan mahal na mahal mo na, kung kailan nakapag-invest ka na ng pagmamahal sa kanya saka mo malalaman na hindi pala siya para sa iyo. Parang hindi ko na kayang mabuhay pa.

"Best, gusto mo ba samahan na kita pag uwi?"si Ems, siya ang karamay ko ngayon.

"Hindi na Ems kaya ko na ang sarili ko."sagot ko.

"Okay, bukas ang bahay ko kung kailangan mo ng makakausap. Puntahan mo ako o kaya pwede naman kitang sunduin. Sabihan mo lang ako, ha best? At isa pa pala, huwag kang magdadalawang isip na tawagan ako. Okay?"

Tumango ako at sabay na kaming lumabas ng gate.

Sinundo na ito ni Caleb samantalang ako ay andito lang nakatayo sa ilalim ng waiting shed. Naghihintay ako ng masasakyan pauwi.

Hindi ko na hihintayin pa si Jean. Kaya ko nang umuwi magisa.

Natutulala ako dahil ayaw tumigil ng utak ko sa kaiisip. Minsan naman parang ayaw nang gumana ng utak ko. Minsan nama'y maiiyak na lang ako bigla. Ang hirap ng ganitong pakiramdam. Mababaliw na ata ako.

Beep!! Beep!! Beep!!

Napaatras ako nong sunod sunod na bumusina ang isang kotse na huminto sa harapan ko. Napasulyap lang ako rito pero hindi ko na binigyang pansin pa. Umiwas na lang ako kung saan ito nakahinto.

Pero mukhang ako ang pakay nong nagmamaneho nito dahil pagbaba nito ng sasakyan ay patungo agad ito sa direksyon ko.

"Ohh Hi! Nagkita ulit tayo."

Pamilyar sakin ang boses at aura ng taong iyon pero hindi ko siya nilingon.

Hindi rin ako umimik.

Si Chloe...

Malamang nandito na naman yan para mang-bully.

"Natanggap mo ba yong regalo ko sayo na pina-abot ko kay Novy?"

Regalo? Novy?

Bigla akong napakunot-noo at napatingin sa kanya. Naalala ko yong magazine na inabot sa akin ni Novy.

So sa kanya pala galing iyon?

May pagkamaldita itong ngumiti at lumapit ito sa akin.

"Well, I just came here to congratulate Jean Kaye pero akalain mo ikaw pala ang una kong makikita rito. Siguro naman nabasa mo na yong magazine. Engaged na si Jean Kaye sa sikat na photographer na si Bong Carlos. Siguro ang sakit sakit non para sa yo 'no? Akala mo mahal ka pero iiwan ka rin pala. Katulad ng ginawa sakin ni Jean. Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng iniiwan."

Ayoko sana siyang pansinin pero nagsimula na namang magsikip ang dibdib ko nong marinig ko ang pangalan ni Bong Carlos.

"Ano ba talaga ang gusto mo, Chloe? Bakit ba hindi mo ako tigilan?"

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Humarap ako rito at ano mang oras ay handa na akong makipagsabunutan sa kanya. Sumosobra na talaga siya!

"Gusto ko lang naman ipamukha sa iyo kung gaano ka ka-ambisyosa. Feeling mo talaga sineseryoso ka ni Jean? Ngayon isa ka rin sa mga niloko niya. Nakakatawa lang. Akala mo ba nanalo ka na?"

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon