Chapter 66

39.2K 999 177
                                    

Mira Jane Garcia

"At dahil wala na sila. Pagkakataon ko naman para masolo ka."

"Jean saan naman tayo pupunta?"tanong ko nong hilain niya ako.

"Kung saan masosolo kita ng bonggang bongga."

"Ikaw talaga. Ayan ka na naman, eh." Napapangiti lang ito habang naglalakad kami. Nagtataka naman ako dahil wala na akong natatanaw na kotse kundi puro motor na, hindi ata niya dala yong kotse niya.

"Eto na....Okay lang ba kung motor muna ang gagamitin natin banyo queen?"tanong niya pagkalapit namin dito sa isang pamilyar na motor. Kung hindi ako nagkakamali eto yong bigbike na ginamit namin minsan nong magpunta kami bandang south.

"Oo naman."sagot ko.

"Road trip tayo."

Parang naexcite ako sa sinabi niyang road trip. Siguradong kakabahan na naman ako habang nakaangkas sa kanya. Yong tipong kaba na masaya.

"May ipapakita ako sayong lugar. Siguradong magugustuhan mo."

Inabutan niya ako ng jacket saka helmet. Sinuot ko ito saka sumakay sa bandang likuran niya.

"Ready na?"

"Oo ready na."sagot ko.

Sa umpisa smooth lang ang patakbo ni Jean sa motor niya pero nong makalagpas kami ng Manila para na itong nakikipagkarera sa hangin.

Sobrang bilis. Parang sanay na sanay siya na magpatakbo ng motor dahil minsan parang nakatagilid na kami at pakiramdam ko tuloy mahuhulog ako. Sobrang kapit ko sa bewang ni Jean.

"Ayy! Jean ano ba dahan dahan!"

Natatawa pa siya. Bigla bigla kasi siyang nagpepreno.

Tinanggal ko ang helmet ko para pagalitan siya pero natatawa lang ito.

"Ang sarap kasi pag nadidiin yong boobs mo sa likod ko."

"Puro ka kalokohan kamo!"

Bumagal na yong patakbo niya at napansin kong naka-one-hand lang siya habang nagmamaneho.

"Namamanhid itong isang kamay ko banyo queen."

"Huh? Bakit? Itigil mo muna baka mapano pa tayo."

Napapasin ko din na ilang beses na bubukas-sasara yong mga daliri niya kaya nag aalala tuloy ako.

"Papiga na lang ng boobs mo para umayos yong circulation ng dugo sa kamay ko."

"Ikaw talaga makakatikim ka na ng pingot sa akin!"

Bigla na lang akong napa igtad dahil sa pagpisil niya sa hita ko. Buti na lang sobrang bagal yong takbo namin kung hindi baka nahulog na ako.

"Jean mag focus ka nga sa daan. Baka maaksidente tayo dahil sa kamanyakan mo."

"Haha sorry banyo queen. Nanggigigil kasi ako sayo."

"Saka ka na manggigil pag nakarating na tayo sa pupuntahan natin."

"Talaga?"

"Oo nga."

"Yes! Bibilisan ko na ulit. Kumapit ka."

Napapailing ako sa impaktong ito. Inayos ko na ang helmet na suot ko saka ako kumapit ng mahigpit sa bewang niya.

Mga dalawang oras mahigit pa kaming nag byahe, kasama na ang pagtahak namin sa mabatong daan. Patag lang ito pero napapaligiran ng matataas na puno. Maalikabok at matagtag ang byahe namin.

Hanggang sa huminto si Jean dahil bangin na daw ang dulo nong tinatahak namin.

"Jean yong totoo? May balak ka bang magpakamatay? Bakit mo naman ako dadalhin sa bangin, ha?"sabi ko sa kanya pagbaba ko ng motor.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon