Chaptet 76

28.8K 758 62
                                    

Jean Kaye Emerson

"Sabi ko na nga ba nandito ka lang."

Nakasandal ako dito sa gilid ng pintuan ng room ni Mira Jane nong marinig ko ang boses ni Ellaine.

"Anong ginagawa mo rito?"tanong ko sa kanya ng hindi siya nililingon.

"Tinawagan ako ni Yana para sunduin ka at iuwi sa bahay niyo. Eh ikaw? Bakit nandiyan ka? Pinalayas ka na naman ng Kuya niya, 'no?"

Tumango ako saka ako humarap sa kanya.

"Don't worry about me. Okay lang ako, Ellaine. Tatawagan na lang kita pag kailangan ko ng tulong mo."

"Hay naku Jean, umuwi ka muna para makapahinga. Ilang araw ka na ring hindi pumapasok sa school."

"Okay lang yon, kaya ko namang humabol sa mga lectures at quizzes. Mas mahalaga ang buhay ni Mira Jane."

"Well, tama ka naman diyan. Pero siguro kailangan mo ring umuwi para kahit papaano makapahinga ka. Lahat kami nag aalala na rin sa iyo."

"No, ayokong umalis dito sa tabi ni Mira Jane. Hindi rin ako mapapakali pag alam kong andito pa rin siya sa hospital. What if magkaroon ng emergency? Gusto ko ako yong unang tao na aalalay sa kanya."

"Ang sweet mo naman. Pero Jean andiyan yong family ni Mira Jane para gawin iyon kaya iuuwi muna kita, okay?"

"Ayoko."pagmamatigas ko.

"Hay naku. Ikaw na talaga ang may pinakamatigas na ulo sa atin. Gusto mo ng coffee?"

Umiling ako.

"Dali na Jean. Kapag nakita ka ni Mira Jane na nakatayo lang diyan mag aalala iyon sa iyo kaya tara na. Magkape muna tayo, please? Treat ko."

Pilit akong hinihila ni Ellaine kaso hindi ako nito mahila.

"Ayoko ngang umalis dito. Yang suso mo na lang alalahanin mo huwag na ako."

"Bastos na to! Dibdib ko na naman nakita mo. Pag di ka sumama sa akin ipapadede ko 'to sayo."

"Yak! Nakakadiri ka! Tara magkape muna tayo. Nakakaumay isipin yang suso mo."

"Bwisit ka talaga! Sasama ka rin lang naman pala. Pinatagal mo pa. Ang arte-arte mo!"

Nagmake face lang ako habang dada siya ng dada.

Madilim na pala pag labas namin ng hospital at dito sa pinaka malapit na coffee shop kami nagtungo ni Ellaine.

"Brewed coffee na lang sa akin Ellaine para hindi ako antukin mamaya."sabi ko.

"Okay, sakin gusto ko ng iced latte. Saglit lang, ha?"

Siya na ang nagorder at mga ilang minuto lang sinerve na sa amin yong mga order naming kape.

"Ellaine may naiisip ako."sabi ko sa kanya pagkatapos kong humigop ng kape.

"Ano?"

"Uhh, sa tingin ko magandang idea to, eh. Ano kaya kung landiin mo yong Kuya ni Mira Jane para pati ako matanggap na ng Kuya niya kapag na in love siya sa iyo."

"Ayan diyan ka magaling, ang gumamit ng kaibigan para sa sariling kapakanan. Wala na talaga akong masabi sa kakapalan ng mukha mo."

"Wala namang masama kung papayag ka. Isa pa may itsura naman yong Kuya ni Mira Jane. Sa tingin ko hindi ka na lugi don."nakangiting saad ko.

"At sa tingin mo naman ay papayag ako? Ganon?"

"Yeah. Kahit anong hilingin mong kapalit ibibigay ko sa iyo."

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon