Chapter 60

37.5K 1.1K 153
                                    

Jean Kaye Emerson

MABILIS akong tumakbo palabas ng bahay. Halos mabunggo ko ang mga kasambahay na nakakasalubong ko.

"Ma'am Jean!"

"What?!"

Sigaw ko sa kasambahay namin na si Aling Melly dahil nagmamadali na nga akong lumabas ng bahay tatawagin pa niya ako.

"Hindi ka raw po matawagan ni Sir sa cellphone niyo. Tumawag kanina sa land line, hinahanap po kayo."

"Just tell my Dad na natutulog pa ako pag tumawag ulit. Okay?"

"O-okay po Ma'am."

Tatakbo na sana ako nong mapahinto ulit ako.

"Wait! Anong sabi pala ni Dad?"

"Uuwi daw siya kasama po ang Mommy niyo."

"Seriously?!"

Nabigla ako sa sinabi ng kasambahay namin.

"Kailan daw?"tanong ko sabay sulyap sa relo. "Oh shet! Nevermind! Baka ma-late ako sa pupuntahan ko."

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras tumakbo na ako papuntang kotse saka nagmaneho para sunduin si Mira Jane.

Hindi ako makapaniwalang uuwi na sina Dad.

May kaba akong nararamdaman. Hindi ko alam kung bakit pero.......si Mira Jane.

Siya agad ang pumasok sa isip ko nong sabihin ng kasambahay namin na dadating sina Dad.

Oh my!

Not now!

Hindi pa ako ready!

Shete! Parang nagkabuhol-buhol ang utak ko ngayon dahil sa balitang uuwi sina Dad.

Relax Jean!

Maipapakilala mo na si Mira Jane sa parents mo.

Bigla akong napalunok.

Paano ko ipapakilala si Mira Jane?

"Mom, Dad this is Mira Jane, my future wife."

Argh!

Parang kailangan ko ang tulong ng mga kaibigan ko.

Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

Kay Ivan wala akong naging problema nong ipakilala ko sa kanya si Mira Jane.

Pero kay Mommy at Daddy?

Well, mabait naman pareho ang parents ko pero this is my first time na magpakilala sa kanila ng karelasyon ko at wala akong idea kung ano ang sasabihin nila or kung ano ang magiging reaksyon nila.

Ano kaya ang sasabihin nila?

Baka tanggalan ako ng mana.

Shet! Ayokong maghirap!

Pero para kay Mira Jane! Sige na nga, kahit magdildil pa ako ng asin!

Good luck Jean Kaye!

Ilang minuto lang ang byahe ko nong itigil ko ang sasakyan ilang kanto bago ang bahay nila Mira Jane.

Hihintayin ko lang na lumabas siya ng bahay nila.

Pagtingin ko sa relo ko late ako ng two minutes sa usual na dating ko.

Oh Please Mira Jane. Sana hindi ka pa nakaka-alis.

Kung bakit kasi late na ako nagising.

Pasilip-silip ako mula rito sa kotse nong mapansin kong bumukas ang gate nila.

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon