Chapter 30

69.7K 1K 18
                                    

Jean Kaye Emerson

"HI BABY!"

Hindi pa ako nakakababa ng kotse ko nong marinig ko ang isang pamilyar na boses. Si Rizza! Kararating ko lang dito sa bahay, galing ako sa mahabang byahe.

"What are you doing here?" agad kong tanong sa kanya.

"Hindi mo ba ako na-miss, baby?" malanding sabi niya sabay siil ng halik sa labi ko.

"Di ba nag-usap na tayo na tatawag ka bago ka pumunta rito?"

"Why? May dadating bang ibang bisita kaya ayaw mo akong pumunta rito?" lumabi siya saka ako hinawakan ng mahigpit sa braso.

"Wala naman. Gusto ko lang na mapag-isa sana dahil pagod ako." sagot ko saka naglakad papasok ng bahay, naka-kapit pa rin siya sa akin.

Pagod at inaantok ang pakirmdam ko dahil sa byahe. Galing kami ng mga kaibigan ko sa isang bakasyon sa province nila Frances at ngayon lang ako nakarating at sa kamalasan andito si Rizza. Dapat magpapahinga ako, eh. Kaso mukhang lalo akong mapapagod ngayon. Tsk!

"Gusto mong mapag-isa. Samantalang isang beses na nga lang tayo magkita sa isang linggo!" medyo tumataas yong tono ng boses niya na may halong pagtatampo kaya tumigil ako sa paglalakad.

"I'm sorry, baby. Pagod lang talaga ako. Sana maintindihan mo."

Bigla namang umamo ang mukha niya saka yumakap sa akin.

"I understand. Gusto mo ba massage kita, baby?"

Tumango lang ako saka kami sabay na pumasok ng room ko. Siguradong ibang massage ang tinutukoy niya. Yong tipong hindi ako marerelax kundi mapapagod talaga ako.

"Shower lang ako." sabi ko sa kanya pagpasok namin dito sa room saka ako dumiretso ng banyo.

Agad naman akong tumapat sa shower at naligo. Tingin ko nangitim ang balat ko dahil halos maghapon kaming nakababad sa araw pero kahit ganon, sobra akong nag-enjoy kasama ang mga kaibigan ko. After kong magshower naabutan kong nakasandal sa headboard si Rizza, nagbabasa ng magazine. Napansin naman agad niya ang paglabas ko ng banyo kaya ibinaba na niya ang hawak niya sabay ngiti ng pagkalandi sa akin. Umupo ako sa tabi niya habang tinutuyo ang buhok ko, kaso parang hindi siya makapag-antay dahil inumpisahan na niya akong halikan sa leeg.

"May iba ka na ata kaya hindi mo na ako pinapansin, baby?" tanong niya sabay kagat sa tenga ko.

"Wala ah."

"Miss na kita, ilang days din tayong hindi nagkita, baby."

"I miss you, too." sagot ko sa kanya saka ko siya dinampian ng halik sa labi.

HIndi ko maintindihan tong pakiramdam ko ngayon. Si Mira lagi ang sumisiksik sa utak ko kapag humahalik ako sa iba. Hindi na katulad ng dati na wala akong ginawa kundi magpasarap, makipaglampungan sa ibat't-ibang babae. Paunti-unti akong binabago ni Mira. Ang problema pano kapag tuluyan akong mawalan ng gana sa iba, sasaluhin naman kaya niya ako?

What if hindi?

Baka maiwan lang akong kawawa. Maiiwan lang ako sa ere. Hindi ito ang inaasahan kong mangyari, pero lahat ng kinaaayawan ko noon parang doon naman ako pabagsak.

Ring

Ring

Ring

Natigilan ako sa pag-iisip at agad kong dinampot ang phone ko saka tumayo. Number lang ang nag-a-appear sa screen pero alam kong number ito ni Hanna.

"Tumatawag ang brother ko. Sagutin ko lang." sabi ko kay Rizza saka ako lumabas ng room.

"Hello?"

"Baby, pwede mo ba akong sunduin?"

Miss Playboy 1 | Jean Kaye Emerson (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon