You RACE me up!

24.2K 391 3
                                    

CLEO's POV~

Nasa long way path na ako ng school.

Abah! Nakakapagtaka yata? Hindi ako inabangan ng BMW M3 na yun ngayon? Schedule niyang magpatalo ulit ah. Tss.

Baka nabahag na? Hahaha.. Ehem.. Sorry. Natatawa lang po pagnaaalala ang pagiwan ko sa kanya. Hehe.

Aahh.. Teka!

Siya ba yung natatanaw kong itim na kotse sa harapan ko?

Aba't binilisan pa! Teka nga! Yabang ah.

Bilisan ko nga ng makaharap ko na ang talunang ito.

Binusinahan ko siya ng madami para naman mapansin niyang ito na naman ang lalampaso sa kanya.

Hindi natinag ah. Tumabi lang.

Binusinahan ko nga ulit at this time, mas matagal.

Binilisan ko na ang pagmaneho ng motor ko para magpangabot na kami.

At ngayon nga'y magkatabi na ang mga sasakyan namin.

Sumulyap ako sa kanya.

Sino kaya ang hinayupak na toh? Konprontahin ko na kaya?

Sigurado akong magugulat yun kapag malaman niyang isang babae ang tumatalo sa kanya. Haha!

Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo para maunahan ko na siya.

Nung malayo layo ako sa kanya, bigla kong hininto ang motor ko sa lane na dinaraanan niya.

Kaagad din naman siyang huminto. Kaagad din akong bumaba para puntahan siya.

Sino kaya toh? Naku-curious talaga ako. Pero bakit?

Ewan, kapikon lang kasi eh. Sarap ilampaso din ng mukha kasi ang yabang. Kala mo kung sinong may magandang kotse.

Oh well, maganda naman  talaga ang kotse niya, pero hindi ako nagtataksil sayo baby ah.. (I'm  refering to my favorite motor baby BMW HP4.)

Hindi ko pa rin tinatanggal ang helmet ko para isipin pa rin niyang lalaki ako.

Nang makalapit ako sa kotse niya, kaagad ko kinatok ang bintana niya.

Abah! Hindi ako pinansin?

Pinapainit nito ulo ko ah. Di ako pinansin. Pero bakit pa siya huminto?

*blag blag blag*

Kinalampag ko nga ang salamin ng bintana niya gamit ang dalawang kamay ko.

Hah! Ewan ko lang kung di pa toh lumabas sa lungga niya.

Sige wag kang lumabas pa at itong suot kong helmet ang sunod na ihahampas ko diyan sayo. Hah!

At mukhang natidag na siya.

Napansin kong pabukas na niya ng pintuan ng kotse niya kaya umatras na ko.

Dahan dahan ko na ring  tinatanggal ang helmet ko. Ang sikip naman masyado nito, parang  mapupugot ang ulo ko kapag binigla ko ng tanggal. Bago kasi eh. Tss..

Hindi ko muna siya  nililingon, dapat galit galitan ako para masindak ang unggoy na toh.  Sinamangutan ko na ang maganda kong pagmumukha. (Bawal kumontra! POV ko  toh.)

Pero nung nilingon ko na kung sino siya.

Isang malaking pagkabigla at tulala ang bumalot nalang sa akin.

Seriously???

Kapag nalintikan nga naman talaga oh!

Oh lord! What have I done to this guy at bakit palagi niyo kaming pinagkikita pa?

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon