Travis Marlakch Markovska

65.7K 852 40
                                    

TRAVIS POV~

*Yawn* Grabe antok na antok na ko pero kailangan ko pang mag-review para sa long quiz bukas. Bakit ba naman kasi umulan pa ng pagkalakas-lakas, nakakaaniyaya  tuloy matulog.

Hays. Nakakabato naman  dito sa bahay. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at hawak ang cellphone ko na kanina ko pa tinitingnan kung may tatawag. Pero mukhang magiintay lang ako sa wala. Hindi pa rin kasi siya tumatawag o nagte-text man lang. Bakit ba kasi hindi nalang ako pahalagahan niya? Nandito lang naman ako palagi kapag umiiyak siya at pinapasaya ko siya palagi kapag nagaaway  lang naman sila ng boyfriend niyang ugok. Haynako.

Kung nagtataka kayo kung  sino ang tinutukoy ko ay 'wag na kayong magtanong muna. Wala kasi ako sa mood pang magkwento eh. Malalaman niyo rin naman yun.

*And there's no guarantee
That this will be easy..
It's not a miracle you need
Believe me.. *

Dali dali kong tiningnan  kung sino ang tumatawag (Eh kasi nga po may inaabangan akong tawag di ba?) Hindi ko naman dini-deny sa lahat na may gusto talaga ako sa kanya, matagal na.

*Now I'm no angel, I'm just me
But I will love you endlessly..
Wings aren't what you need
You need me...*

Si Dylan pala. Sinagot ko na ang tawag niya baka kasi hindi na naman ako tantanan eh.

"Oh bakit?"-walang gana kong sagot.

"Pre, ano? Pupunta ka ba?"-Medyo mainggay ang background niya, baka nasa bar na naman niya sila ngayon. Halatang halata eh. Pero ano daw yung sabi niya?

"Ha? Hindi kita maintindihan pre."- Inis kong sigaw kasi paniguradong hindi niya yun maririnig kung nasa normal ko lang na tono.

"Pre naman! Birthday ko kaya! Hindi mo na nga ako binati kanina, hindi ka pa rin pupunta?"-  Pasigaw niya ring sabi. Sabi na eh, nasa party na naman ang isang toh.  Pero teka ano daw? Birthday niya pala? Ay takte! Hindi ko man lang alam.

"Sorry Pre, nakalimutan ko lang naman."- Palusot ko nalang.

"Grabe ka, nakakasama ka naman ng loob Trav."- Ang arte naman niya, ano siya? Babae na kailangan  i-text ng greetings? Baka gusto niya pang padalahan ko siya ng flowers  at gift. "So ano pre? Habol ka dito sa place ko ahh! Masaya dito,  hinding hindi ka magsisisi.."- Pangiinis pa ng loko.

"Oo na, papunta na ako."- sabay baba ko na ng phone.

Classmate ko si Dylan sa  ilang subjects dahil magka-course lang din kami. Pareho kaming Cardiology student, nasa third year na ko ng cardiology medicine, habang  nasa second year pa lang siya. May bachelor's degree na ako ng Medicine. Actually, eto talaga ang gusto kong propesyon, ang maging  doktor.

Hindi sa ayokong maging abogado dahil ayoko ng argruments kagaya ng Mom at Ate Trixie ko, ayoko rin ng engineering kagaya ng Dad at Ate Trina ko. Bunso ako sa aming tatlo at unico hijo, ako lang ang naibang  linya sa buong pamilya ko, dahil mula sa ninuno namin, kung hindi isang  abogado, ay isang arkitekto o inhinyero.

Pareho nang tapos sa  pagaaral ang mga kapatid ko, pero  maraming foundation na sinusuportahan ang school na pagmamay-ari namin  na nagbibigay ng scholarship sa mga karapat dapat na estudiyante na gustong makapagtapos.

Isa sa pagmamay-ari namin ang Mason Markovska University. Sa lolo ko sa tuhod yan  ipinangalan dahil syempre, siya ang founder. Si dad ang president ng  university pero si lolo pa rin ang Director. Hindi nga lang siya madalas  na nandoon gawa nga'y siya ay may edad na.

Professor doon si mom sa  College of Law, matagal na rin siyang nagtuturo doon at siya rin ang university lawyer. Si ate Trixie naman ay may asawa na at nakatira na sila sa London. Si ate Trina naman ay busy sa mga infrastractures na  pinapagawa ng Markovska University para sa mga foundation at expansions.

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon