TRAVIS's POV~Day of the Game.
(The Other side)
It's so noisy. Is this really a basketball game? Or a Cosmo Bachelor show? I've been in NBA game several times before but the audience there are not so wild as this, especially girls.
And in Cosmo Bachelor show? Don't get me wrong. I'm not gay. I've been there because I've been invited. Dylan and Bricks too. Yes, we ramped but that just once. We'd invited as in Young Heredero Bachelors. I did that just once for, of course, our family's name but I refused on the next year. I don't like fame. Most people in this school doesn't know me. Except when they knew my last name. Unfortunately, that's few.
Okay naman maglaro sina Dylan at Bricks. Magaling din yung captain nilang magdala. May teamwork talaga.
I'm sitting here now at the forth row at the lower seat. Okay na ko dito, ayoko rin tumabi kina dadi at ate Trina, katabi din kasi nila sa unahan yung mga faculty, ibang officers at syempre yung mga maiingay na cheerdancers na tili ng tili. Kairita lang. Nakakasira ng concentration sa laro. Tss.
Mga lalaki naman katabi ko dito kaya hindi ganun maingay mag-cheer. Wag lang may titili.
Time went fast.
It's already the final quarter. Tambak na tambak ang kalaban.. Mukhang alam naman na talaga nung una palang kung sinong mananalo.
Hindi sa hindi ako marunong magbasketball kaya hindi ako sumali, kundi ayoko lang makasama yung dalawang ugok na yun na ang dahilan ng magsali diyan ay pampalakas daw ng hatak sa mga babae. Tss.
Mas gusto ko ang swimming at football. Pero minsan lang ako um-attend sa mga club na sinalihan ko niyan. Nakakayamot kasi lalo pag may mga maiingay na babaeng ichi-cheer ka o hindi kaya lalapit at aabutan ka ng towel pagahon mo. Baduy. Tss.
Simula ng nalaman ko yun, lahat nalang ng bagay na kinasanayan ko, inayawan ko na lang. Hindi ko rin alam pero wala na talaga akong gana sa lahat ng bagay. Pagod na rin siguro talaga ako. Di ko naman maipakita at mailabas kahit gustong gusto ko.
Hindi ko pa alam kung paano malalagpasan ang bawat araw na dumaraan habang dala dala ang katotohanang iyon. Ang sakit talagang isipin.
Kahit nanonood ako sa laro ang isip ko naman na sa kanya.
"Whoooh! Go Russell!!!"- Ang lakas naman.
Tapos nagsigawan na ulit. Naka-3 points pa yata yung team captain. Ang iingay naman masyado talaga. Hindi ba pwedeng manood lang at mag-concentrate sa laro?
"Hindi yun napatol sa nene!"- Gagong toh ah! Sumigaw ba namang bigla sa tabi ko? Napatingin tuloy ako sa ugok kong katabi.
"Aba't talagang sumasagot sagot ka pa!!"- Sigaw ulit nung babae.
Tiningnan ko rin yung direksyon ng tingin nung katabi kong lalaking parang Kingkong makasigaw.
What the--?
Kaya naman pala abot gang dito sa kabilang ibayo eh.
Siya na naman pala?
Kung anu-anong pinagsisisigaw. Nakakahiya naman toh.
Mukhang nakikigaya sa mga sigaw ng mga babaeng wild dito.
"Baog Russell mo! Akin ka na lang miss!"- What? Seriously? Napatawa ako dun ah. Mukhang hater toh nung Russell.
"Sira ulo ka! Ayoko sa pangit! Kadiri kung sino ka man!"- Nagwawala na naman siguro yun. Haha.
"Mas pangit Russell mo!"- Walang habas ko nalang nasigaw. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang nasabi yan. At ang sarap sa pakiramdam. I'm not always shouting, but when I do, you should be scared.
BINABASA MO ANG
Because We're Having a Baby (COMPLETED)
ChickLitWhat if you will have a Baby in an instant? What if you will have a Baby to someone you're not even having a Relationship with? A total Strangers or just a Faith? Does this Baby matters leads them into a Love and being Responsible? Or it will just...