So its You?

26.2K 385 11
                                    

CLEO's POV~

Sa wakas, nakalabas na ako ng building namin para makauwi. Nasa bahay na daw kasi si Kuya Clarence eh, nagdududa yun kapag naunahan niya pa akong makauwi.  Pipilitin ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Ugok din kasi yun eh.

Nagmamaneho na ako palabas ng gate ng school.

Te-teka! Eto na naman yung BMW M3 na nakikipagkarera sa akin ah?!

Hindi pa rin talaga siya nadadala?

Kaelibs ang determinasyon niya ah! Hahaha.

Mukhang nanghahamon na naman ng karera ang ugok na toh ah.

Ha-ha! I will feed you with my dust!

Nilingon ko siyang saglit at hinarurot ko kaagad motor ko hanggang sa makalabas ako ng gate ng school.

Kitams? Nakita kong nilingon niya din ako saglit pero iniwan ko na siya. Haha..

Mukhang walang balak tantanan ako ng isang toh ah. Sinusundan pa rin hanggang labas ng school. Hindi naman ako mahabol.

Oops.. Nasa stoplight na pala at red na ung ilaw. Sayang, hindi ko naabutan para sana naiwan ko na siya.

 Sayang, hindi ko naabutan para sana naiwan ko na siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

*Beep beep!*

Ay butiki! Grabe naman itong sasakyang ito, nagmamadali? Hindi pa naman green ung ilaw ah! Kagulat naman!

Tiningnan ko yung sasakyang makabusina ay parang may sunog.

Abah! At si BMW M3 pala yun! So nahabol niya pa rin ako! Kaasar na ah.

Pagka-green ng ilaw, kaagad kong hinarurot ang motor ko at mukhang ganun din siya. Ayaw talagang sumoko ah. Tss..

Te-teka! Bakit niya kaya ako trip abangan at sundan? Hindi kaya. Oh no!

Hindi kaya stalker ko pala siya??

Oh no! Baka may gawin sa aking masama ang isang toh kapag naabutan ako!

Pero pang sosiyal ang sportscar naman niya, mukhang mayaman talaga toh.

Bakit naman niya kailangang mang-stalk?

Ah basta! Mahirap ng magtiwala!

Hinarurot ko ang  motor ko dahil nakikita ko na siyang mapapantayan ako sa pagmamaneho.  Hanggang saan pa rin niya kaya ako susundan?

Nakakatakot naman ang stalker na toh. Iligaw ko kaya? Tama! Ililigaw ko nalang isiya!

Kahit pa anung bilis kong magmaneho at pasikot sikot sa kalsada, nakasunod pa rin siya!

Tumawag na kaya ako sa mga pulis?

Noong lumiko ako sa  parang eskinita, mukhang hindi siya nakasunod. Mabuti naman! Mukhang  naiwan ko na talaga siya dun. Nakakakaba ah! Baka mamamaya manyak pala  yun at kung ano pang gawin sa akin. Whew!

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now