So its You? II

21.5K 385 8
                                    

CLEO's POV~

"Hoy Clarence Edward!"- Sigaw ko ng buong lakas ng diaphragm ko.

Kapag galit kasi ako sa kanya, hindi ko siya tinatawag na kuya, instead sa buong pangalan niya.

Sinusugod ko siya ngayon sa parking.

Paano ba naman kasi,  binigyan ko na nga siya ng cookies at dinagdagan ko pa yun, sabi kasi sa akin ni Manang Rosa (Aming Mayor Doma) na may kasama pa siyang  classmate niya sa study room. At dahil sweet at butihin akong kapatid,  dinagdagan ko ang parte niya.

Pero anong ginawa ng magaling kong kapatid??

Pagkasigaw ko noon, humarap naman sila ng kasamahan niya.

Nandito pa pala ang kasamahan niya, akala ko umalis na. Pero wala akong paki! Inis ako!

"Oh Baby!"- Nakangiting bati sa akin ni Kuya.

"Don't you baby baby me Clarence!"- Sigaw ko ulit. Alam niya ang ginawa niya sa akin at alam din niyang galit na ako.

Papalapit palang ako sa kanila. Grabe kahingal na ah.

Nang makalapit na ako.

*Bugsh*

Bigla ko siyang binigyan ng straight job sa braso niya.

"Ouch! You're harsh."-Nakangiti pa rin siya kahit na masakit ang ginawa ko sa kanya.  Masakit yun for sure, napahimas-himas pa siya sa braso niya eh.

"How dare you to eat all of my cookies?! Dinagdagan ko na nga yang sayo dahil sabi ni Mang Rosa may kasama ka, nakakahiya namang hindi ko rin siya pakainin diba? Tapos ano?"- Sabay turo ko ng kaliwang kamay ko ang lalaking kasama niya pero kay kuya pa rin ako nakatingin.

"Ah hehehe.. Sorry baby,  hindi ko napigilan eh. Ang sarap mo kasing gumawa. Kuhang-kuha mo na  ang recipes ni Mamu.--Aw!"- Pabirong sabi niya pa sa akin. Aba't  talagang inuto pa ko nito ah.

"Shut up!"- Sabi ko sabay suntok ulit sa kanya sa braso.

Inis na inis ako! Paano ba naman kasi, wala talagang natira sa akin! Sabi ko pa naman, dadalhan ko si Vana dahil gusto niya rin yun, pero wala ng lahat! Kailangan ko pang gumawa ulit kung hindi si Vana naman ang kakaltok sa akin nito.

Nahagip ng paningin ko ang kaklase ni Kuya. Nakatingin siya sa akin at nakatulala. Napatingin lang din ako sa kanya noong tinititigan niya ako.

"Problema mo?"- Pagmamataray ko. Sabay tingin sa kanya ng masama.

Parang nakita ko na ang isang ito ah?

Napansin kong nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.

"You?"- Parang gulat na sabi niya. Pero kalmado lang ang itsura niya.

"And you?"- Takang tanong ko rin. Abah maka-you you siya sa akin. You you-hin ko nga rin siya. Hah!

"You - you are the nosebleeding girl na bumangga sa akin!"- Mahinahon lang siya pero halatang medyo gulat.

Ano daw? Nosebleeding? Bumangga sa kany--

"Ahhh!"- Sigaw ko. "So its You? You are the pader guy na humarang sa akin noon!"- Pasigaw kong sabi sa kanya.

Naalala ko na ang kupal na toh! Kaya pala familiar ang pagmumukha.

"Excuse me, hindi ako humarang sayo. Ikaw ang bumangga sa akin."- Suplado ang peg? Paano ba naman, pagkasabi niya niyan, bigla siyang tumingin sa ibang direksyon.

"Hoy mister pader! Hindi  kita binangga! Why on earth would I do that? Talagang paharang harang  ka lang sa dinaraanan ko noh!"- Pasigaw kong sabi.

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now