Meanwhile At Home

28.6K 396 7
                                    

TRAVIS's POV~

"Nice Markovska! Congrats!"- Maligayang bati ni Ackerman sabay tapik tapik sa balikat ko.

"Tss. Feelingero talaga."- Rinig kong sabi nung babaeng nakakarindi kahit pa hindi yun pasigaw.

Lalo tuloy akong nairita.

Hindi ko akalaing magta-tie kami sa laban.

"Hoy kuya! Paki-check nga ulit yang cctv niyo! Baka naduduling lang kayo eh! Imposibleng pantay na pantay kami ng pangit na toh!"- Sigaw na naman nung babaeng tigre.

Nagwawala na naman toh, inaaway at ikunukulit yung mga staffs na nakaupo banda sa tracks. Sila kasi yung taga monitor ng race through cameras in the whole area.

Hinahampas hampas niya ang lamesa ng mga ito at nagdadabog.

"I really enjoy the race man! Ang baby ko lang pala ang katapat mo. Hahaha."- Sabi na eh. Nagsisimula na tong Ackerman na toh na asarin ako.

Biruin niyo naman! Babae pa ang nakatapat sa akin? Okay lang sana kung ibang babae eh, kaso girlfriend niya pa! Kung siya nga tinalo ko, babae niya lang pala ang katapat ko daw? B*llsh*t!

"Basta i-check niyo ulit!"- Galit na niyang sigaw sa mga staff ng complex.

Kahit ako gusto kong gawin yun. Magpoprotesta talaga ako! Hindi ako makakapayag na talagang magkasabay na magkasabay kaming nakarating sa lintek na finish line na yun!

"Sorry mam, pero po talagang tie ang race niyo."- Natatakot na paliwanag pa nung lalaking staff sa kanya.

Mukhang fraustrated na dahil paulit ulit nilang pinapanood ang huling part kung saan kami sabay daw na nakarating sa finish line.

Pinamewangan niya ito at sinamaan ng tingin.

"Ah basta! Hindi pwede sabi yon!! Check niyo kung may lumagpas man lang na dulo ng gulong namin o ung helmet o kahit kaninong hininga ang unang nakabuga dun! Basta! Hindi pwede yon!"- Galit na sigaw niya sabay nag-cross arms.

"Tama na yan baby, tanggapin niyo nalang, tutal pareho naman kayong panalo"- Nilapitan siya ni Ackerman at inakbayan. Mukhang ang ugok na toh ang natutuwang tie lang kami. "Hindi ba Markovska?"- Sabay harap nila sa akin. Halatang pinilit lang niyang pinihit yung babaeng tigre.

"Hindi yon pwede kasi! Kailangan may isang manalo! Isa lang! Isa lang!"- Pagpoprotesta niya.

"Oo nga. Dapat may manalo talaga, hindi yung draw ang laban."- Sabi ko ng walang emosyon.

"Talaga! At sigurado akong nakatsamba ka lang!"- Babaeng tigre.

"Tss. Baka ikaw? Sisiguraduhin kong ikaw ang nakatsaba lang"- Ako.

"Wow ah! Sino kaya ang naghahabol? Isang beses ka lang lumamang sa akin, the rest wala ka na! Tsamba ka lang pangit!"- Sigaw niya

Wala pa rin akong emosyon sa kanilang pinapakita kahit pa nakakabagot na dito.

Hindi kasi ako sanay ng ganun.

Madalas sinasaloob ko nalang.

Nasanay na siguro ako dahil kay Shanelle, natuto akong magtago ng kahit anong emosyon kahit pa pagkamasaya. Maliban nalang kung sa harap niya at kailangan ko siyang pasayahin. Kahit masakit nun, ngumingiti ako.

"At anong pinapalabas mong pangit ka ha? Na hindi kita kayang talunin? The hell! Ngayon ka nga lang nakaabot sa akin!"- Babaeng tigre.

Natauhan ako sa sigaw niyang yun, karindi talaga. Nawala lahat ng muni-muni ko tungkol kay Shanelle at napalitan ng inis at irita

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon