An inch of smile

23.2K 442 14
                                    



CLEO's POV~

Masarap na sana ang kain ko ng paborito kong flavor ng icecream ng biglang.

"Ahhh!"- Gulat kong sabi habang nakaakma pang naka-nganga habang kakainin ang aking cheese flavoured icecream.

Bigla kasing nahulog yun mula sa cone dahil may biglang humampas sa likuran ko at nagulat ako  kaya nauga ko ang masarap kong icecream at nahulog yun.

"Huy sis ano ka ba? Para kang susubo ng ano diyan ah."- Panguusisa ng pinakamamahal kong bestfriend.

Hindi pa rin ako nakibo at pinagmasdan ang tatlong malalaking scoop ng icecream na nahulog lang  lahat sa kagagawan ng bruhang ito. Argh!

Lumapit siya at tumayo sa harapan ko habang takang tumingin sa akin.

"Hoy ano ba? Para tong tanga!"- Pagmamataray niya pa. Nakooo Vana!

"Run for your life sis."- Mahinahon kong sabi at medyo mahina habang nakayuko pa rin.

"Ha? Don't get you."- Buang talaga toh. Hindi niya ba nakikita ang ginawa niya?

Run Vana Run.

"Yu-yung i-ice-cream  ko."- Mahina kong sabi pero sapat na yun para marinig niya. Para akong  nasakluban! Kasi ba naman, ang mahal na nga nun tapos napakadalang pa ng delivery daw sa canteen ng cheese flavor. Kaya nung nakita kong meron,  pinatatlong grande scoop ko na sa chocolate coated sugar cone with sprinkles pa.

Tapos ano? Nakakadila palang ako ng tatlo dun, nahulog na kaagad?

Sa isang iglap nawala ang masarap kong meryenda? Ang saya saya! Nakakatuwa!

Di bale sana kung ang  lapit ng cafeteria sa kinakatayuan ko at kung malapit man, sana lang may  natira pang flavor na ganun. Whaaah! Sarap umiyak nalang!

"Icecream ba? Oh heto oh! Di mo naman sinabi kaagad na bumili ka na pala ng ganyan, eh di sana hindi mo na kinailangang itapon yang binili mo para ma-appreciate tong bili ko sayo."- Napansin ko mula sa mga buhok na nakatakip sa mukha ko  na may inabot siya.

"Ang sarap pa rin talaga nitong pandan flavor."- Sabi niya sabay kain ng.. icecream?

Tiningala ko na ang ulo ko at napatingin sa kanya. Tumambad kaagad sa akin ang ... Ang icecream!

Take note! Hindi lang basta icecream, yung kagayang kagaya ng binili ko kanina at nahulog nga lang. Triple grande scoop cheese in choco coated sugar cone with  sprinkles! Huwaaaw! Am I dreaming? Is this real?

"Oh ayan! Alam kong  favorite mo yan kaya sinagad ko na. Baka kasi next year ka na makakain ulit niyan eh"- Nakangiting sabi niya sa akin habang nakain ng icecream niya. Nakaabot pa rin sa akin ang icecream na tila nagsasabing kainin ko na raw sila.

Wala namang mawawala kung sila'y aking pagbibigyan. Kaya kinuha ko kaagad ang icecream bago pa ito matunaw sa titig ko. Dinilaan at kinain ko ang icecream ng tahimik at walang imik.

"Wala man lang thank you?"- Sigaw sa akin ni Vana.

"Wala!"- Sigaw ko habang nakain pa rin at di siya tinitingnan habang naglalakad. "Kabayaran mo lang toh kasi tinapon mo ang kinakain ko kaninang ganito. Kaya walang  Thank you!"

"Wow ah! Di ba ikaw ang nakatapon? *lick*"-Aba't talagang.. Saktan ko kaya toh? One time lang talaga.

"Kasalanan mo kaya! Bigla mo ako hinampas sa likod, natural magulat ako kaya ayun! Natapon ang icecream ko *lick*"- Hindi kami nagtitinginan habang naglalakad. Focus lang kami eh.

"Akala ko pa naman kaya mo tinapon kasi nakita mong may dala ako para sayo at dahil akala ko kasi gusto mung gusto kong ma-appreciate ang bigay ko, kaya tinapon mo yung kinakain mu na para kainin yung akin."- Medyo malumanay niyang pagmamaktol.

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon