What Broken Hearts Do?

23.4K 381 7
                                    

CLEO's POV~

Ilang oras na rin kami nandito ni pader. Ay, Travis pala ang pangalan niya.. Ang weird lang banggitin ng pangalan niya. Parang mas gusto ko pa rin ang pader. Shh.. Hihi.

Masaya din naman palang kausap ang isang toh. Hindi ko akalaing makulit din pala siya. Sa totoo lang, halos magkaparehas sila ni kuya Clarence. Yun nga lang, si kuya ang mas makulit at mas masungit naman ang pader na toh.

Biglang naging magaan ang pakiramdam ko sa kanya at nawala ang lahat ng inis ko noon. Hindi naman pala talaga siya mayabang, medyo suplado type lang pero kapag nakausap naman ay okay din.

Kahit hindi ito ang una naming pagkikita at paguusap, ibang-iba naman ito sa usual naming paguusap noon. Dati kasi palagi kaming nagbabangayan at inis sa isa't isa.

Pero ngayon? Sa totoo lang nakakatuwa siyang kasama at mas may sense kausap kesa kay Vana. (Sorry sis but you're still my best friend)

Kung anu-ano ng napagkwentuhan namin. Tungkol sa mga kapatid namin, sa mga magulang, sa school at sa mga best friend naming 'dating' na yata. Base sa mga kwento niya, napakababaero daw talaga nung Dylan at Bricks. Pero simula daw ng makilala nung Dylan si sis ay wala na daw bukang bibig kundi si Vana. Mukha seryoso nga ang Dylan na yun kay sis. Buti pa siya. Crush siya ng crush niya. Hays, eh di sila na!

"Bakit? Hindi ka pa ba nagkaka-girlfriend? Bakla ka siguro noh? Aminin.."- Pangungulit ko sabay duro pa sa kanya at ngumiting nagdududa. Haha. Na-curious lang naman ako. Kasi hindi naman talaga siya pangit, sinasabi ko lang yun noon para pang asar. In fact, mas gwapo siya kaysa sa dalawang kaibigan niya kaya imposibleng walang magkagusto sa kanya.

"Bakit mo naman gustong malaman? Mag-a-apply ka ba?"- Nakangiti niyang sabi na nakakaloko. Ano daw? Naginit ang mukha ko at bumilis na naman bigla ang kabog sa dibdib ko. Unggoy talaga ang isang toh.

"Sira. Hindi kita type."- Sabay irap sa kanya. Sa totoo lang sinabi at ginawa ko yun para makaiwas ng tingin sa kanya. Takte namumula na yata ako.

"Hahaha. Joke lang. Baka mapatay ako ni Ackerman kapag nalaman niyang aagawin ko sa kanila ang nagiisa nilang kapatid na babae."- What? Pero bakit ganito? Parang kinukuryente ako sa mga sinabi niya. Nako hindi!

"Baka naman kasi iba ang type mo. Hindi babae. Hahaha."- Jusmeh! Maibaling lang ulit sa kanya ang atensyon. Ayoko ng mga ganung the moves niya. Nakukuryente na naman ako.

"Paano kapag ganun nga?"- Nakangiting sabi niya at nakatingin sa akin.

Napatingin kaagad sa kanya. So ibig sabihin --

"So you're a gay?!"- Tanong ko na parang nagulat sa kanya.

"Hahahahaha... Your face is priceless! Hahaha."- Anong nakakatawa? Parang hindi lang ako makapaniwalang bakla siya kasi ang laki niyang lalaki tapos bakla?

"Anong nakakatawa? Bakla ka nga siguro.."- Sabay irap ko ulit. Kaimbyerna toh. Lakas mang trip din parang si kuya Clarence.

"Hindi noh. Hindi lang talaga ako ganung lalaki.. Eh ikaw? Nagka-boyfriend ka na ba? Bata-bata mo pa eh.."

"Hoy wala ah. Saka ano naman kung magkaroon na akong boyfriend? 20 years old na ko."- Pagyayabang ko.

"Hindi nga? 20 years old ka na talaga?"- Lumapit siya sa akin at tinitigan akong maigi. Oh my! Wag masyadong malapit please?

"Gusto mo bang pakita ko pa sayo birth certificate ko?"

Kung anu-anong walang katuturang bagay na ang napagusapan namin. Parang ilang taon na kami magkakilala kung makipagusap sa isa't isa. Ang weird lang na hindi naman ako ganito sa lahat ng taong nakikilala ko kahit pa si Russell yun, pero sa kanya parang balewala lahat.

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now