Don't Fall, It's a Trap ❣

23K 317 8
                                    

CLEO's POV~

Tingin dito.

Tingin doon.

Tanaw sa malayo.

Pasulyap sa likuran.

Shemay! Baka kasi..

Ano kasi..

*paaak*

"Ahhhw!"- Sabi ko na parang slowmo na umiiling sa sakit ng hampas, sabay hawak sa balikat kong hinampas lang naman ng malapad na kamay ni Vana.

Umaarte arte akong sakit na sakit at nakasimangot.

"Muntanga lang ah? Kanina ka pang umaga sa kotse muntanga. Ano ka ba?"- Medyo asar na tanong ni Vana sa akin habang naglalakad papuntang garden field. Lunch break na kasi.

Nagpasundo rin kasi ako sa kanya kaninang umaga papasok dito sa school. Actually a week na rin simula nung nagpapasundo ako sa kanya eh. Buti nalang pasok sa kanya ang mga alibi ko.

"You know sis I'm worried na ah. Bakit ka ba nagpapasundo sa akin palagi? Ang dami dami niyong kotse bakit ba di ka nalang magpahatid sa driver niyo ha?"- Seryosong tanong niya. Nakaupo na kami ngayon sa palagi naming pwesto dito sa field.

"Ano..kasi.. Wala lang.."- Dahan dahan at mahina kong sabi habang nakapayuko at kumakain ng dessert kong m&m chocolate.

Takte isip ng idadahilan ulit Cleo..

"Really?"- Masama na ang tingin niya. Jusmiyo! Paano ba ito? Hindi ko kasi kaya pa eh. Tsk.

Maya-maya pa..

Nagtaas noo ako na parang wala lang. "Bakit? Masama ba? Gusto lang kitang makasama ng matagal kasi nabo-bored na ko."- Lie. Pero sana kagatin niya pa rin. (cross fingers)

"Well, you know I won't buy that sis. Napapansin ko these days na para kang balisang takot na ewan. Bakit? May pinagkakautangan ka ba at wala kang pambayad? Pahihiramin kita? Kahit wag mo ng ibalik!"- Paliwanag niya na nakatingin lang sa akin.

Halata namang worried na siya nung una pala pero di nalang niya ako sinisita.

Napayuko ulit ako at sumubo ng ilang m&m.

"Come on! Tell me!"- Biglang sigaw niya sa akin na halos napatalon ako sa kinauupuan ko at napahawak sa dibdib ko. Nagkalat tuloy ang chocolate ko sa lupa kasi pinatalsik ko sa gulat.. Tsk.

Gulat lang akong napatingin na tuloy sa kanya.

"Well?"- Binibigyan niya ako ng 'speak bitch or I'll cut your tongue' look.

Saan ko napulot yan? Wag niyo ng alamin. Basta ganyan yung dating ng tingin niya eh.

Hingang malalim at buntong hinga.

"Ahhh. Haah!" Hays.

Wala na talaga akong choice.

"Eh kasi sis nga.. Niya-ta-cha-kot kashi shi akuu.."- Muntanga ko lang na sabi sabay pout na parang bata.

"Isa pa, I'll punch you.."- Banta niya.

Teka. Parang ako dapat yung ganun ah? Hays.

Buntong hinga ulit.

"Nga kashi. Va-ka me-ki-ta niya akuu."- Utal na parang ayaw ko talaga magsalita.

"Who?!"- Pasigaw na tanong ni Vana na mukhang pikon na pikon na sa akin.

Namimilipit na ako na parang kinukurot ang singit ng langgam. Jusmiyo!

"Baka kasi may makita akong pangit mapaglihian ko pa!"- Tuloy tuloy kong sabi.

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon