Forgetting Isn't Bad at all

26.7K 418 17
                                    

CLEO's POV~

Hindi ko natawagan si Vana kagabi para sabihin ang sinabi sa akin ng prof ko kahapon about sa contest na yun. Naisipan ko kasing sabihin nalang sa kanya sa personal para mas makapagusap kami ng maayos.

Kapa-park ko lang ng motor ko at didiretso na ako sa classroom ko, ite-text ko nalang siya na magkita kami sa garden mamayang free time dahil may imporatante akong sasabihin sa kanya. Pumayag naman kaagad siya at magintayan nalang daw kami.

Natapos na ang dalawang subject ko sa umaga at lunch break na. Bumili muna ako ng makakain ko sa canteen bago pumunta sa garden.

Nakaupo na ako ngayon sa damuhan at tinext ko na si Vana na nandito na ako.

"Sis!!"- Sigaw noong nasa likuran ko. Syempre, si Vana yun. Sino pa ba?

Nilingon ko siya sa likuaran ko at kinawayan na lumapit na siya. Nanakbo naman na siyang papunta sa akin kahit pa naka-heels at skirt siya. Palagi namang ganoon ang suot niya mapa-uniform o civilian na damit. Eh di siya nang sexy. Ang hot niya kasing tiningnan sa ganun.

"So.. What is this all about?."- Sabay dahan-dahang umupo sa harapan ko. Naka-side ang mga legs niya sa pagupo samantalang ako naka-Indian sit dahil naka-jeans naman ako at croppedtop naman.

"Ano kasi sis.."-Mahinahong sabi ko.

"What? Kayo na ni Russell?"-Sigaw niya sa akin na kunwari ay gulat na gulat. Pisti toh.

"Ano ba?"- Napasigaw nalang din ako sa gulat sa sinabi niya. Galing talaga mambasag ng mood toh eh.."Anong pinagsasabi mo? Hindi toh tungkol sa kanya noh!"- Inis kong sambit sabay irap sa kanya.

"Ay ganun ba?"- Parang disappointed ang itsura niya. "Well then what is it by the way?"- Walang kagana gana niyang sabi ng hindi man lang ako nilingon.

"I'm about to tell you but you shouted."- Inis ko ulit na sabi sa kanya. Lokaret talaga tong kasama. Nakakahawa.

She just rolled her eyes to me. Then I took a deep breathe.

"Ah uhm, gusto daw akong gawing representative ng college department namin sa Mr.&Ms. Markovska University."- Tuloy tuloy kong sabi sa kanya dahil baka putulin na naman niya ang sasabihin ko eh.

Bigla siyang humarap sa akin na mukhang na-shock. Bigla siyang ngumiti at na-excite naman.

"Really?"- Sigaw niya na mukhang tuwang tuwa pa sa narinig.

"Uh-hah. And if I win, they will give me a scholarship for entering law studies."- Walang emosyon kong sabi nalang.

"Oh my! Really sis?"- Tuwang tuwa na siya niyan. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

"Unfortunately, yes!"- Medyo matamlay kong sagot ulit sa kanya.

Nagtaka siya sa reaksyon ko. "Why? You don't like that? Isn't that what you want when we graduate, right? You want to take a law to become a lawyer right? So why are you looking so sad?"- Siya

"Whaaah!"- Napangawa nalang ako sa sinabi niya sa akin.

"O-oy! Bakit? Ano bang nangyari sayo?"- Taka niyang tanong sa akin.

Napayuko lang muna ako at hindi ko malaman kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko tungkol dito? Talaga namang labag sa loob ko ang pagsali doon kung hindi lang dahil sa scholarship na yan.

On the other hand, kaya naman namin matustusan ang pagaaral ko diyan eh. Pero bakit ang eager kong makuha ang scholarship na yun? Parang ang laking privilege noon sa akin?

"Eh kasi naman sis, paano ako sasali sa ganung contest kung wala nga akong kaalam alam sa ganyang kaladian?"- Pagmamaktol ko sa kanya.

Tumawa bigla ang loka."Hahahaha.. You're so cute sis! Hahaha.."

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon