My Knight in Shining.... ★?

40.7K 566 21
                                    

TRAVIS's POV~

Naiwan na ako dito mag-isa sa couch at nagiinom

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naiwan na ako dito mag-isa sa couch at nagiinom. Umalis Bricks, hindi na daw siya makatiis  kaya makikipagsayaw na muna daw siya sa crowd. Hindi na talaga maganda ang atmosphere sa akin dito. Naiinom lang ako ng nagiinom. May mga  lumalapit sa aking mga babae pero hindi ko pinapansin kaya umaalis nalang din sila.

Kaiinis! Badtrip na badtrip na talaga ako ngayon! Parang gusto kong sapakin ang mukha ng boyfriend ni Shanelle at ipamukha sa kanya na mas deserve niya ako kesa dun. Tss. Ini-straight ko nalang ung alak na nasa baso ng makauwi na ko.  Wala na kasi talaga ako sa mood ngayon. Marami na rin ang nainom ko.  Magda-drive pa ako pauwi. Simula kasi noong sine-set up ako ng dalawang  gago sa kung sino-sinong babae na makakasama ko sa kwarto, nadala na talaga akong maglasing.

Hindi ko na hinahayaang  malasing ako, umiinom nalang ako ng katamtaman lang para makapag-drive pa ako pauwi, dahil ayoko na naman makita ang sarili ko na may katabing  babaeng palaging nakahubad. Pakiramadam ko, nagkakasala ako kay Shanelle eh. Tss.

Tumayo na ako at papalabas na sana ng bar ng bigla kong marinig ang nakakarinding sigaw ng isang babae.

"Ano ba? Bitawan niyo  nga ako!"-Malakas na sigaw nung babae. Hindi ko na sana iintindihin,  kaso nakita ko may isang lalaking nakabulagta sa daraanan ko. Narinig ko  yung mga usap usapan sa paligid ng mga tao.

"Nako, kawawa naman yung tumulong, nasapak pa ng mga lasing."

"Mga siraulo talagang ga lasing, pati yung babae pinagtitripan"

"Tulungan niyo yung babae baka kung saan siya dalahin ng mga lasing!"

Nakakarindi man dahil  talagang badtrip na badtrip na ako, napatingin pa rin kung saan natingin  ng direksyon yung mga tao sa palagid. Nakita ko ang nakatalikod  dalawang naglalakihang mga lalaki na may bitbit na babae at ung babaeng  nagpupumiglas pa. Mukhang kawawa nga yung babae dahil hindi makapalag sa  dalawang maskulado, mga lasing pa naman din yun.

Out of nowhere, bigla  nalang akong naglakad papalapit sa tatlong yun, ililigtas ko ba siya?  Hindi! Eh bakit sinusundan ko sila palabas ng bar? Eh kasi nga pauwi na rin ako. Eh bakit galit ka at gusto mong manuntok? Kasi nga BH ako kay  Shanelle. Pero teka! Oo nga, badtrip nga pala ako, parang gusto kong  maglabas ng sama ng loob ngayon eh. Pwede na siguro ang dalawang toh.  Sorry nalang sila at sila ang naabutan ko.

"Sabi niya, bitawan niyo  daw siya!!!"- Malakas kong sigaw. Oo, kanina ko pa gustong gustong  sumigaw at manuntok para lang mailabas ko ang galit ko. Sinigawan ko ang  dalawang lalaking yun sa abot ng aking mamakaya. Hindi ko alam kung  asan ko hinugot ang lakas ng loob na gawin yun para sa hindi ko naman  kilala.

*BLAG*

Kasunod ng pagsigaw ko ng malakas ay ang pagpakawala ko ng malakas ring suntok dun sa isang  lalaki. Tumba kagad siya at napaupo sa harapan nung babae at ung isa niyang kasama. Tinitigan lang siya nung babae na halatang nabigla rin sa  mga nangyari.

Because We're Having a Baby (COMPLETED)Where stories live. Discover now